Chapter 15

1.1K 29 0
                                    


Chapter 15
Gail's POV

Hindi ako nakapagsalita, nihindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa lalaking nakikita ko ngayon na nasa loob.

Si...Si Kheen. At naghaharutan pa sila ni Lee sa loob.

"Kheen. Anong ginagawa mo dito?"  Bumalik ako sa wisyo. Napatingin ako kay Mark na lumapit sakanila. Napatigil naman si Kheen ng makita kami.

"Uhh, nagpalit ako ng section dito."  Saka sya ngumiti.

"Ang saya diba?!"  Ngiting ngiti ring sabi ni Lee. Kung sila masaya, ako hindi.

Naiinis ako. Oo, naiinis ako ng sobra! Tumalikod ako para lumabas sana muna sa room pero hinawakan bigla ni Mark yung kamay ko.

"Saan ka pupunta?"  Bulong nya.

"Hihinga lang muna sa labas.

"Bakit? Wala bang oxygen dito?"  Hindi na ako nakapagsalita. Nagtitigan lang kaming dalawa saka ako napatingin sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Tinignan nya rin yun. Pero yung akala kong tatanggalin nya, inintertwine nya pa. B-Bigla na naman akong kinabahan sa ginawa nya!

"Nandito yung ex mo kaya matuto kang suminghot ng utot."  Nagsalubong yung kilay ko sa sinabi nya. Ano daw?! Suminghot ng ano?! Utot?!

"Pft!! HAHAHAHAHAHA!!"   Napahawak pa ako sa tyan ko dahil sa sinabi nya. Ngumti naman sya sakin ng mahimasmasan na ako kakatawa. Grabe, benta yun ha?

Hinila na nya ako papunta sa upuan namin na ganun pa rin yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Pansin ko naman yung kakaibang tingin ni Kheen sa amin. Hindi kaya...Hindi kaya...Imposible. Gail, wag kang mangarap.

Kinalabit ko si Mark. Tumingin naman sya sa akin.   "Bakit?"

"Si Kheen, kanina pa nakatingin sa atin."   Bulong ko sakanya.

"So?"  Tanong nya saka pa sumandal sa upuan nya.  "Wala lang yun, wag kang mag isip ng kung ano ano Gail. Masasaktan ka lang."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya saka sumandal rin sa upuan ko. Oo nga naman, bakit ba kasi ako nag iisip ng ibang bagay? Hays.

"Tara, cutting."  Nagulat ako sa sinabi nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Mag isa ka."

"Ok."  Tumayo naman sya saka kinuha yung bag nya! Oh my gosh! Seryso?!

Hinatak ko sya paupo.  "Sira ulo ka ba?! Parating na si sir! Saan ka pupunta?!"

"Mag cu-cut nga! Kulit mo."  Cool nyang pagkakasabi! Hanep na yan! Ganyan ba talaga pag kayo ang may-ari ng school? Pa cut-cut nalang?!

 "Nag cu-cutting ka pala ha! Sumbong kita kay Briana!"

"Takot ko naman dun."  Sabi nya saka tinanggal yung pagkakahawak ko sakanya.

"Magcu-cut ako mag isa ko. Nawalan na ako ng ganang mag klase ngayon. Bahala ka dyan."  Saka sya naglakad palabas!

"OY!! SAGLIT LANG!!"  Agad kong kinuha yung bag ko saka sumunod sakanya palabas.

"OY!! Saan ba tayo pupunta?!"  Paghahabol ko sakanya. Saan ba pupunta to?!

"Ako may pupuntahan ako, ikaw hindi ko alam sayo."  Ano daw?! Hinampas ko sya ng bag ko!

"Matapos mo akong idamay sa masamang balak mo iiwan mo ako dito?!"  Huminto sya at lumingon na sa akin ngayon. Magkasalubong yung kilay nya.

"Sabi mo mag isa ako diba? Mag isa ako. Ewan ko ba kung saan ka?"  Napapikit nalang ako saka lumapit sakanya.

"Nakakainis to!! Sasama na ako sayo!!"  Sabi ko saka patalong umakbay sakanya. Matangkad kasi sya sakin!

Hindi pa rin sya naglakad kaya tinaasan ko sya ng kilay.   "Ano na?!"  Tinignan nya lang ako saglit saka biglang tumawa at ginulo yung buhok ko.

"Tara sa rooftop."

"Eh? Anong gagawin natin dun?!"

"Matutulog ako."   Sabi nya saka humikab. Magrereklamo pa sana ako ng sya naman yung umakbay sakin saka nagsimula nang maglakad kaya nahila nalang ako!!

Mark's POV
Humiga ako saka nagtakip ng libro sa mukha. Naiinis ako. Nabibwisit ako. Naaasar ako. Inaantok ako. Nagseselos ako. Tang ina.

Maya maya naramdaman ko syang lumapit sakin.

"Mark."

"Uy Mark!!"  Niyugyog nya ako. Hindi ako gumalawa. Kunyari nalang tulog na ako. Tsk. Tutal naman manhid sya kaya hindi nya mararamdamang gising pa ako.

"Hmm...Tulog ka na nga yata."  Iniisip ko palang na nakanguso na naman sya, napapangiti na ako. Ugali nya yun eh.

"Hindi ko alam pero...nasasaktan pa rin ako. Gusto ko namang labanan yung nararamdaman ko eh, pero parang hindi ko talaga kaya. Pero sana, kahit ganun makalimutan ko na sya no? Ayoko na kasing masaktan pa ulit, sa nakikita ko kasi mukhang masaya na sila ni Lee kaya mas nasasaktan ako kahit na pinipilit kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit pa bumabalik yung sakit sakin! Dati naman naka move on na ako pero ngayon...hayy ewan."

"Sorry ha. Kasi alam kong tinutulungan mo kong maka move on sa kanya kaso ang hina ko talaga, pero susubukan ko. Promise."

Kinakausap nya ako kahit ang alam nya, tulog ako. Tsk. Baliw talaga. Alam kong umiiyak na naman sya dahil may tumulong luha sa braso ko.

"Promise, huling luha ko na to sa kanya."  Sabi ko na eh. Tsk.

"Wag kang mangako. Gawin mo."

"G-Gising ka?!"

"Hindi, sleep talking lang."  Tinanggal ko yung libro saka tumingin sakanya. Tumawa lang sya at nag punas ng luha nya.

"So narinig mo pala lahat ng sinabi ko?"

"Parang ganun na nga."

"Promise ko yun. Gagawin ko na talaga."

Nagulat ako ng pumunta sya doon sa railings!! Tang ina! Magpapakamatay ba sya?!

"Kheen!! Kakalimutan na kita!! Promise!! Wala kang kwenta!! Cheeeeehhhh!!"  Natawa ako dahil sinigaw nya yun ng pabulong. Sira ulo talaga.

"Bakit kasi may makarinig eh! Hehe!"  Sabi nya saka pa sya nag peace sign. Napailing nalang ako sa ginagawa nyang kabaliwan.

"Alam mo, nato-touch na ako sayo Mark! Kasi di mo ako iniiwan! Sana ikaw nalang sya, no? Sana ikaw nalang si Kheen eh!"   Hindi ko alam kung bakit imbis na matuwa ay nainis ako sa sinabi nya.

"Hindi ako sya Gail. Magkaiba kami. Hindi magiging ako sya."

"Ah....Ganun ba? Hehehe, sorry nama-"

"Pero pwede namang ako nalang kasi yung mahalin mo. Mahal naman kita."  Sabi ko. Halata naman yung gulat sakanya. Ngumiti nalang ako. Dapat na rin sigurong malaman nya.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon