Chapter 22

1.4K 24 5
                                    


Chapter 22
Gail's POV

Lunes na agad. Katatapos lang ng Valentines Ball kagabi pero may pasok agad.

Pumasok na ako ng room. Napa-aga yata ako dahil ako ng unang tao dito. Umub-ob nalang ako sa desk ko at pumikit muna.

Maya-maya ay may kumalabit sa akin kaya agad akong tumingala para makita kung sino 'yon at bahagya akong nagulat ng nakita ko sya.

"Pwede ba kitang maka-usap?"

"B-Bakit?"

"Importante lang. Please, Gail?"

Nauna na syang naglakad. Kahit nagda-dalawang isip ako ay parang nagkusang sumunod sakanya ang mga paa ko.

Sumunod ako sakanya hanggang sa dulo. Doon sa bandang hagdan.

"K-Kheen, ano bang gusto mong sabihin?"

"I want to talk about us."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Nanliit ang mga mata ko.  "Us?"  Halos pabulong ko nang banggitin ang salitang 'yon.

"Gail, tingin ko...tingin ko mahal pa rin kita."  

Nanlaki ang mga mata ko.  "A-Ano?!"

"Gail..."  Agad akong umiwas sakanya ng umamba syang hawakan ang kamay ko.

"Kheen, w-wag ka ngang mag-biro ng ganyan!"

"Sana nga nag-bibiro kang ako, Gail. Pero kasi...hindi eh."

"Niloko mo ako noon! Pinag-palit at iniwan mo ako! I even lost my bestfriend because of you!"

"Hindi ko sinasadya, Gail. Please, pakinggang mo naman ako."

"Wala na akong balak pakinggan ka pa, Kheen! At kahit anong sabihin mo, wala na akong pakialam pa."

"Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko. Please."

Lumayo ako ulit sakanya ng subukan na naman nya akong abutin. Napailing ako. Sht. Hindi ko gusto ito. Hindi ko alam. Pero hindi talaga ako natutuwa sa mga sinasabi nya ngayon.

"May girlfriend ka Kheen! At kaibigan ko sya! I can't afford to lose a friend again ng dahil lang na naman sayo."

"Believe me, mahal ko si Lee. Pero kasi, mahal pa rin talaga kita Gail. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na naman."

"Bakit ginagawa mo sakin 'to? Wala ka na ba talagang alam gawin kundi sirain ang buhay ko? Masaya na ako ngayon, Kheen. Nakalimutan na kita at lahat ng sakit na dulot mo sakin kaya please! Itigil mo na ang kalokohang 'to!"

Parang gumaan ang pakiramdam ko ng tuluyan ko nang nasabi 'yon. Dahil yun ang totoo. Sa wakas, alam ko na sa sarili ko na hindi ko na sya mahal. Wala na.

"Dahil kay Mark?"  Napahinto ako sa sinabi nya.

"Ano, Gail? Dahil ba sakanya? Mahal mo na ba sya?"

Napahinga ako ng malalim saka hinarap sya sa huling pagkakataon.  "Oo. Dahil sakanya. At oo, mahal ko sya. Pero bukod pa doon, wala ka na dapat pakialam pa."

Tinalikuran ko na sya at bumalik sa room. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At hindi ako makapaniwala na kahit isang patak na luha ay hindi tumulo mula sa mata ko.

Napahawak naman ako sa bibig ko. Yung sinabi ko...

Hindi ako mapakali at tahimik lang ako buong klase.

"Bessy, penge pulbo."

Binuksan ko yung bag ko at nilabas yung pulbo ko. Sakto namang umilaw ang cellphone ko kaya tinignan ko ang nagtext.

From: Mark
Nasa labas ako. Bilis.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa text nya.

Tinignan ko si Kim na nag-aayos pa rin.  "Bilisan mo bessy, nasa labas daw si Mark."

Ayan na naman yung tingin nyang makahulugan.  "Ayie, ikaw ha! Sige na sige na. Tapos na ako. Tara na."

Agad kaming lumabas ni Kim. Nasa labas rin naman na si Kier kaya sabay-sabay kaming bumaba.

Paglabas namin ng building ay nagulat kami dahil ang daming estudyante ang nandoon. Parang may tinitignan na kung ano.

"Hala, anong nangyayari?"

"Teka, wag na kayong lumapit. Baka gulo yan."  Sabi naman ni Kier.

"Gulo? Paanong gulo? Edi sana nahuli na agad ng Guidance 'yan."

Bago pa makapag-salita ulit si Kier ay hinila na ako ni Kim palapit sa mga tao. Nakisiksik kami para makita kung ano ang nandoon.

"B-Bessy! Hala!"

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang nangyayari.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon