Chapter 21

1.1K 29 6
                                    


Chapter 21
Gail's POV

"Bessy! Bakit ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay dito."  Bahagya akong nagulat pagpasok ko. Nasa kama si Kim habang nanunuod ng Korean movie at nakain pa ng popcorn.

Hindi ko sya sinagot at umupo sa tabi nya. Nabo-bother pa rin ako para bukas. Hay.

"Huy? Bakit ganyan yang itsura mo? Saan ka ba galing?"

"Kanila Mark."  Agad-agad syang umayos ng upo at pinandilatan ako ng mga mata.

"Talaga?! Anong ginawa mo sakanila?! Kayo na ba, bessy?!"

Sinamaan ko sya ng tingin.  "Bessy, ano ka ba?! Nababaliw ka na?"

Nagkibit-balikat sya.  "Oh. So, nagkakamabutihan na kayo?"

Dumakot ako ng popcorn saka binato sakanya. Kung ano-anong iniisip nitong isang 'to!

"Hindi! Parang sira oh."

"Edi anong ginawa mo dun? Pansin ko lang, napapadalas ang dalaw mo sakanila, ha? Hmm."

Sinamaan ko nalang ulit sya ng tingin. Medyo masama pa naman ang loob ko.  "May sakit yung tao, bessy."

"Oh?! Bakit?! Hala, sino ang partner mo bukas?!"

Parang bumagsak ang mga balikat ko.  "Yun na nga ang problema bessy eh."

"Hala, bakit naman ngayon pa?"

Napabuntong hininga nalang ako.  "Wag nalang kaya ako pumunta?"

Napapikit ako ng bigla syang sumigaw.  "No way!"

Napasimangot ako. Gustong gusto ko rin namang pumunta eh. Birthday ko pa naman bukas. Sayang naman.

Bakit kasi ngayon pa nagkasakit yung partner ko? And speaking, kamusta na kaya yung isang 'yon? Maitext nga.

To: Mark
Kamusta na? Ok ka na ba? May iniwan na akong pagkain, ipa-painit mo nalang kay Yana dahil alam ko namang maarte ka. Magpahinga ka nalang. Wag mong kalimutang uminom ng gamot, ha? Get well soon.

Napabalikwas ako ng may reply agad.

From: Mark
Yes, my nurse. Thank you.

Simpleng reply lang pero napangiti ako. Mukhang okay naman na sya.

Maaga kaming natulog ni bessy, nakitulog sya dito para daw makasigurado syang pupunta ako bukas. Tss.

Maaga rin kaming nagising para mag jogging. Umuwi rin naman muna sya para makapagpahinga pa.

"Ready na ba yung damit mo para mamaya?"  Kumuha ako ng gatas sa ref.

"Nagdadalawang isip nga ako mommy kung pupunta pa ako eh."

Napasimangot si mommy sa sinabi ko.  "Bakit naman?"

"May sakit kasi si Mark, mmy. Wala akong partner."

"Ako nalang!"  Napatingin kami sa kapapasok lang na si Gab.

"Gab, bawal outsider doon. Hindi ka pa estudyante doon kaya hindi pa pwede."

"Malapit naman na. Hindi pa rin? Kj naman."

Gusto ko sanang si Gab nalang ang partner kaso hindi talaga pwede eh. Hay, mukhang mag-isa lang talaga ako mamaya.

Nagpa-parlor kami ni Kim at nagpaayos hanggang sa dumating na ang oras. Sabay kaming umalis.

Pagpasok namin ni Kim sa campus (Yes, campus lang) agad na sinalubong sya ni Kier. Binati nya ako ng Happy Birthday saka sila magka-holding hands na naglakad sa red carpet.

Edi ako na. Ako na mag-isa.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Valentines na Valentines ang dating.

Hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Kheen at Lee. Sabagay, expected naman na talaga na sila ang date ngayon. What a nice view.

Natapos ang speech, games at kainan hanggang sa dumating ang last part ng party, ang sayawan. Nagpaalam sila Kim at Kier sa akin na sasayaw daw muna sila kaya nagpaiwan nalang ako dito sa table.

Nawala na talaga sa mood kaya nanahimik nalang ako dito sa tabi. Napansin rin naman ng mga magbabalak sana sakin na sumayaw kaya di na sila tumuloy.

"Okay na sana na hindi mo ako pinagpalit na date, pero bakit naman kaylangang mag-isa ka dito?"

Napatingala ako sa lalaking nagsalita. Nagulat ako.

"B-Bakit ka nandito?"

"Ayaw mo ba?"  Ngumisi sya. Ang...Ang gwapo nya.

Hindi ko maipaliwanag yung saya sa dibdib ko ng makita ko sya. Dumating sya!

"Oh, Mark! Ang aga mo, ha?"  Napatingin kami kanila Kier at Kim na kababalik lang.

"Buti naman nakahabol ka! Ano pang ginagawa nyo? Mag-sayaw na kayo! Pasayahin mo naman ang gabi ng bestfriend ko! Birthday nya."

Nanlaki ang mga mata nya na tumingin sakin.  "Birthday mo?!"

Tahimik akong tumango.

"Bakit hindi mo sinabi?!"  Napakagat nalang ako sa labi ko ng kumamot sya sa ulo nya.

"Aish. Sige na, ahm. Pwede ba kitang ma-isayaw?"

Tumango ako ulit at ipinatong yung kamay ko sa nakalahad nyang kamay saka kami pumunta sa gitna. Saktong nag-palit ng kanta.

"Para saan 'to?"

"Sayo?"

"Ah, o-ok."  Bahagya akong namula sa inabot nya saking red rose.

Naalala ko yung sakit nya. Pinatong ko yung palad ko sa noo't leeg nya.  "Mainit ka pa."

"Syempre, I'm sizzling hot."

Nabatukan ko sya, mahina lang naman saka ako tumawa.  "Gusto mong mag sizzling hot rin ang ulo ko sayo?"

Tumawa rin sya.  "De, joke lang."

Isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya ng ilapit nya pa ako sakanya. Para na nya akong niyayakap.

Naka-tatlo kaming sayaw. Hindi ko alam kung bakit pero nag eenjoy talaga ako sa sayaw naming dalawa. At kasabay ng sayaw ay isa pang rose kaya binigyan nya ako ng tatlo.

Ng natapos ang party ay hinatid na nya ako.

"Kulang pa yan para maging regalo ko sa birthday mo. Kung alam ko lang."  Natawa nalang ulit ako ng napakamot na naman sya sa ulo nya.

"Masaya naman na ako. Dumating ka naman kanina. Okay na 'yon sakin."  Nakangiti kong sagot sakanya na nagpasilay sa ngiti nya. Napangiti ako lalo.

"Sigurado ka bang ayaw mo na ako papasukin?"

Tumawa ako.  "Umuwi ka na. Magpahinga ka na dahil hindi ka pa gaanong okay."

"Aww. Okay. Goodnight, Gail. Happy birthday."

"Goodnight."  Nakangiti kong sabi.

Pero bago pa man sya makabalik sa sasakyan nya ay nagkusa yata yung bibig ko na tawagin ulit sya.

Paglingon nya ay mabilis kong idinampi yung labi ko sa pisngi nya saka tumakbo na papasok ng gate.

"Bye!"  Kumaway ako saka na pumasok at naiwan na syang nakatulala sa labas.

Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Bakit ko ba ginawa yun? Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon