Chapter 16

1.1K 29 0
                                    


Chapter 16
Mark's POV

"Pwede naman eh, mahal naman kita."

"A-ANO?!"

"Sabi ko mahal naman kita. Nabibingi ka na ba?"

"Nag bibiro ka ba? Tigilan mo na nga!"

"Bakit sino ba kasing nag sabing nagbibiro ako?"  Inilapit ko yung mukha ko sakanya. Agad naman syang nagtakip ng mukha nya kaya hindi ko na napigilan.

"HAHAHAHA"  Napahawak pa ako sa tyan ko katatawa.  "Look at your face! You're so red!"

"Paano ko naman makikita yung mukha ko?! Tanga ka ba?! Tsk!! Manahimik ka nga!!"

"Bakit? Mahal naman talaga kita, ha? Diba kaybigan kita?"  Natatawa ko pang sabi. Pero sa totoo lang, naiinis ako sa sarili ko. Lalo na't alam kong hindi lang iyong ang tingin ko sakanya. She's more than a friend to me. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko yun masabi sakanya dahil naduduwag ako. Natatakot ako na baka iwasan nya lang ako't masira pa yung pinagsamahan namin. Nakakagago talaga.

"Sabagay, talino mo rin no? Hahaha."  Talino? Eh ang bobo ko nga dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sayo na mahal kita. Tsk.

Hindi ko namalayan na nakaidlip nalang ako. Nakita ko si Gail sa kabilang dulo at mukhang tulog rin kaya isinandal ko nalang yung ulo nya sa balikat ko. Hinawi ko yung buhok nya at saglit syang pinagmasdan. She's just so beautiful. Lalo na't mukha syang inosente pag tulog, pag tulog lang. Haha.

Napatingin ako sa relo ko, may isang oras pa naman kami dahil nga sa double period ang subject namin. Salamat nalang sa librang oras, madali lang naman yung subject nya. Tsk, hahaha.

Isinandal ko nalang yung ulo ko sa ulo nya at ipinikit ulit ang mga mata ko.

Nagising kaming dalawa sa tunog ng bell. Nag unat ako at tumingin aa relo ko. Mabuti nalang at break time na. Hoo, hayahay.

"Nakatulog pala ako?"  Napatingin ako sakanya.

"Hindi, hindi."  Natatawa kong sagot.

"Tsk. Bell na?"

"Ano ba yung narinig mo?"

"Bell?"

"Edi bell na nga."  Natatawa ko ulit na sagot habang sya naman ay sumimangot.

"Pilosopo ka eh, no?"

"Di ah, tao kaya ako."  Sagot ko pa ulit saka tumawa ng tumawa.

"Ewan ko sayo!"  Ginulo ko nalang yung buhok nya saka tumayo at pinagpagan yung pantalon ko.

Nilahad ko yung kamay ko sakanya.  "Tara na?"  Pero inirapan nya lang ako at tumayo mag-isa. Problema nito.

Tinignan ko lang sya habang nag-aayos ng sarili. Hindi pa rin nya ako pinapansin.

"Huy, galit ka ba? Niloloko ka lang eh."

"Bwisit ka eh. Alam mo nang kakagising lang ng tao mambabadtrip ka."  Masungit nyang sagot saka nauna nang lumabas. Tignan mo yun, ang simpleng bagay kinagagalitan.

Sumunod nalang ako pababa pero di ko na sya naabutan. Hays, mukhang kaylangan ko na naman syang aluin, ha? Hindi pa nga kami pero nau-under na agad ako. Wtf, Mark. Nihindi ka pa nga makaamin ng nararamdaman mo tapos yan agad iniisip mo? Tsk.

Isa lang ang unang pumasok sa isip ko. Tumakbo agad ako papunta sa building ng mga 3rd year. Mabuti nalang at first floor lang ang room nila. Top section kasi si Yana. Saan pa ba magmamana? Syempre sa *ehem* kuya.

Tinanong ko kung pwede ko syang iexcuse saglit at agad naman syang pinayagan.

"KUYAAAAA!!"  Bati nya agad sakin saka ako niyakap.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon