A Day In The Life (1)

3.6K 126 12
                                    

Alam niyo 'yung estudyanteng papunta na sa pagiging bida kid kase siya ang unang magr-report kaya kailangan eh sakanya yung pinaka-maganda? Ako hindi ko alam, hindi ko alam kase hindi naman ako naging ganun. Ako 'yung nanunulak sa pila para lang mapunta ako sa huliang banda, umaasang mag-milagro ang langit at lupa at biglang umalingawngaw ang "okay, bukas na 'yung iba. Class dismissed!" ni Ma'am.

Syempre, makakahinga na 'ko 'nun kasi sinong bang tanga ang maniniwalang may bukas pa? Hindi ako si Santino.

Napakamot ako ng ulo ko, hindi dahil sa ayaw ko 'tong gagawin ko pero sa kadahilanang, lintek paano ba gawin 'to?

Ngayon ko na kasi sisimulan 'yung pag-gawa gawa ko ng video. Syempre, unang subok. Pero dahil nga hindi ako yung estudyanteng bida kid, nauwi ako sa konseptong parang ipapakita ko lang 'yung isang buong araw ni Daniel John.

Kaso alam ko na ang magiging resulta kung tototohanin ko ang pag-video sa isang buong araw ko.

Kalahati nung video naka-lingkis lang ako sa Misis ko, nakahiga parin sa kama at inaamoy-amoy lang ang leeg niya.

Nilingon ko na nga ang every minute of my everyday ko, sabi nga ni Michael Bublé. Nakabukas yung bibig niya pero hindi mo maiisip na nakanganga siya pag nakita mo siya, tamang pag-iimbita lang sa labi ng Mister niya. Parang inaaya akong siya ang ipang-umagahan ko.

Humalik muna ako ng malalim sa labi ni Kathryn bago ako tumayo sa kama at hablutin ang camera sa katabi kong mesa.

Good morning? Paano kung gabi na sila manunuod? Edi mukha akong engot 'nun?

Good life nalang tutal mukha naman na akong siraulo, 'di ko nalang sagarin?

Umiling ako bago mahinang tinawanan ang sarili ko. Kelan pa ba ako naging hindi tunay na ako? Kaya nang nasa banyo na 'ko, nagsimula na 'kong magsalita.

"Hello mga pare, ako si Daniel," pinipigilan kong tumawa ng malakas kasi natutulog pa nga pala yung misis ko sa kama namin, "pwede ding DJ. Pwede 'ring gago kung 'yun ang type niyo." Tumawa na talaga ako. Ayos naman pala 'to. Kaya tinuloy ko na.

--------

Nasa kusina na ako nang 'di ko namalayang napahaba na pala ang litanya ko sa banyo. "Tulad ng nakikita niyo, nasa kusina ako. Anong ginagawa sa kusina? Natutulog!" Tumawa uli ako.

"Syempre nagluluto," natatawa tawa ko paring pasunod habang binubuksan ang cabinet na lalagyan ng mga palayok. "Bilang mabuti akong asawa, magluluto ako para sa misis ko." Tumigil ako sandali bago ilaban ang sarili ko laban sa maari nilang sabihin, "Nilulutuhan ko siya palagi, 'di lang dahil sa nagv-video ako. Wag kang kupal."

Kinuha ko yung pancake mix habang hawak padin yung camera. Lintik mahirap pala 'to. Paano kung yung camera na pala ang pini-prito ko? Parang may bumbilya namang umilaw sa tuktok ng ulo ko nang maisip kong ipatong nalang muna yung camera sa medyo mataas na lalagyan ng mga basong di pa namin ginagamit.

"Kita niyo naman, magluluto ako ng adobo," nagse-seryosong saad ko habang diretsong nakatingin sa camera, inilalagay ang nasukat ko nang tubig sa pancake mix matapos kong ilagay ang dalawang itlog. "De loko lang. Syempre pancake! Alam niyo na yun kasi ako lang naman tatanga tanga dito." Tumawa ulit ako bago mapatigil kase narinig ko na ang yabag ng asawa ko, bumababa galing sa kwarto namin sa taas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon