12 AM

4.6K 197 10
                                    

Alas dose na daw sabi ng cellphone ko. Pero hindi ako pinatatahimik ng nasa bulsa ko. Siguradong lagot ako kay Kathryn bukas kung hindi ako magising ng maaga dahil sa gagawin ko pero wala eh.

Bro tara dito sa bahay. Inom.

Sabay send kanila Marco, Pat, Sed, Les, Kats....

Nauna na ako sa baba, alam ko namang pupunta sila kahit wala pa akong natatanggap na reply. Lumabas muna ako, nakipagtitigan sa buwan. Bakit parang mas maliwanag siya ngayon kaysa sa normal? Tinatapik tapik ko ang katabing upuan, parang nasanay na mga kamay kong may matik na babalutan.

Nakapikit na ako, dinadama ang malamig na simoy ng hangin, nang tumunog ang cellphone ko. Bernardokath posted a video daw. Nanlamig ako. Gising din siya tulad ko. Nagpipigil manghingi ng init sa kanyang mga halik, yakap, tapos halik ulit. Malalim. May pagsamba. May nagdadabog na kagustuhang makasama siya.

Bumubuntong hininga, pinindot ko 'yung asa cellphone ko at iniswipe yun para dumiretso sa post niya. Shyet, iinom ba kami nila Pat ngayon? Parang mas gusto kong magpakalunod nalang sa kama, unan at kumot ng kama ni Kathryn. Sabay siksik ng mga kamay ko sa balakang niya. Sabay amoy sa leeg niya. Nanuyo ang lalamunan ko, tubig nalang yata ang gusto.

Nakalabi siya sa camera kasi hindi raw siya matigil kakakain. Pag ako pumunta dyan magiging parehas tayo ng kalagayan. Ako bilang ikaw, at ikaw bilang yang iced gems na di mo matigilan.

Hindi ko alam kung ilang ulit ko yung inulit bago may magpakita ulit na bagong post niya. Nanggigigil ako. Nababaliw ako kahit pa wala pang alak sa sistema ko.

Bakit ang tagal naman yata ng mga ugok na yun? Magm-message ulit sana ako nang magreply na si Patrick sa akin.

Sige orb on the way na kame.

Hindi na ako nagreply at nagbalik nalang sa instagram ni Kathryn. Nagbabakasakaling siya nalang sana ang pumunta. Umiling ako at ibinaling sa iba ang isip ko. Inisa isa ko nalang ang ala-ala kasama ang mga barkada ko.

Si Patrick. Ah, siya yung andyan nung nawasak ko ang sarili ko, ang buhay ko dahil sa pagiging gago ko. Si Patrick at ang bawat luha kong napanuod niyang pumatak. Si Patrick at ang mga bote ng red horse na inubos ko. Si Patrick at Arisse, yung mga taong tumulong na mabalik pa sakin ang buhay ko.

Bakit parang kay Kathryn nanaman tayo patungo? Erase, erase. Mapunta tayo kay Marco.

Si Marco. May isang bansa akong naalala tuwing nakikita ko si Marco– Japan. Hindi ko alam kung papaano ko pa naalis ang ngiti sa labi ko tuwing babalingan ko ng tingin ang mga taong nasa harapan ko tuwing magkahawak kamay kaming naglalakad ni Kathryn. Nanay naming dalawa, tatay niya, mga kapatid naming dalawa at mga kapatid naming dalawa. Pamilya. Parang babasagin na nakakatakot hawakan. Masyadong precious kung ii-ingles pa.

Shyet Kathryn ulet.

Si Sed, Les at Katsumi. Mga kabanda ko. At yung isang gabi na lahat sila naging siguradong ang pakakasalan ko eh si Kathryn Bernardo.

Nagiinuman kami 'nun, disinwebe palang ako. Nagkalasingan kaya nagkalapagan ng mga cheesy at corny-ng mga linya.

"Parang may di pa kame natatanong sayo," papikit pikit na ang hayop na si Lester nang bumaling siya sakin. Wala sa sariling tumingin ako sa telepono ko. 2:37 AM na daw. Kumunot ang noo ko at itinaob 'yun pero agad agad ring tinaas nang tumunog ito. May text daw. Kaso lintik, globe lang pala yun.

Ulol Daniel, tulog na yon.

"Nu yon?" Pupungas pungas kong sagot, nakatingin na ako ngayon sakanila na parang triplets na intindi ang iniisip ng isa't isa.

LettersWhere stories live. Discover now