Home

5.5K 216 31
                                    

Nakangiti lang ako habang tinitignan si Kathryn na tutok na tutok sa iPad na hawak niya. Natawa nalang ako nang tumingin siya sakin nang nakakunot noo. Baka kinakausap nanaman ako at di nanaman ako nakasagot.

Kasalanan ko pang di natin mahanap ang bra at panty mo kaya kitang kita ko yung kayamanan ko mula dito?

"Are you even listening?" Tanong niya, mas kinunot pa ang noo. No Bal, I'm just looking.

"Ha? Ano yon bali?" Paglalambing ko habang kinabig siya palapit at hinalikan ang sentido niya.

Inirapan niya ako bago tuluyang sumandal sa balikat ko, "Sabi ko anong magandang kulay ng kurtina natin?"

Ngising aso nanaman ako nang marinig ko yung salitang 'natin'. Tignan mo nga naman, parang kailan lang nang sipain ako ng nanay ko nang magpaalam akong makikitulog ako sa bahay nila Kathryn ngayon tinatanong na niya ako kung ano ang magandang kulay para sa kurtina namin.

"Ah black?" Patanong kong sagot na ikina-irap nanaman ni Kumander.

"Ano bang tingin mo sa bahay natin? Bahay ni Batman?"

Bahay natin. Natin. Rapsa.

"Para may privacy, diba?" Pilyo kong sagot sabay taas baba ng kilay.

Natawa ako nang sinapak niya ako. "Oh bakit? Gusto mo ba pinapanuod tayo ng mga kapitbahay natin habang sinasayawan kita sa sofa?"

"Gago!" Bulyaw niya bago pumalatak ng tawa. "Pero totoo nga? Sasayawan mo ako?" Pilya niyang tanong na ikina-kunot ng noo ko.

"Syempre.. hindi!"

"Kahit may prize?" Nakangisi niyang tanong.

"Ano na nga yung tanong mo? Yung kulay ng kurtina? Blue! Maganda yun." Mabilis kong sabi na ikinatawa nanaman ni Kathryn. Tawa parin siya nang tawa eh ako na nga ang asawa.

"Maganda nga yung blue." Sabi niya sabay baling ulit sa iPad niya. Tumingin narin ako doon, kunwari naiintindihan yung pinagttype niya doon.

"Checked na yung kurtina! Yay!" Masaya niyang sabi na para bang yun lang ang kailangan namin sa bagong bahay namin.

"Okay na ba yung kwarto natin?" Paninigurado ko. Syempre, wala pa kaming anak kaya yun muna ang bibinyagan namin.

"Hmmm tignan mo muna kung okay na yung size ng bed."

"Wag naman masyadong malaki. Baka isang gulong ko lang si Mama Min na bigla katabi ko." Hirit ko.

Pumalatak naman ng tawa si Kathryn habang hinahanap ang picture ng kama namin sa iPad niya.

"See? Okay naman diba?" Pangu-ngonsulta ni Kathryn sa akin.

"Maganda nga. Parang kasya kaming dalawa ni Mama dyan." Natatawa kong sagot.

"Pati si Papa. Tabi tabi tayo matulog." Natatawang hirit ni Kathryn.

"Yung banyo, bal? Ayos na?" Isinunod ko nang itanong yung ikalawang anak kong isusunod ko sa kwarto kong binyagan.

Kumunot ang noo niya sabay palo sa hita ko. "Yung banyo nalang pala sa kwarto natin babe! Yun pala yung text ni ate Roanna. Kung balak daw ba nating maligo sa poso kasi wala daw tayong sinasabi about sa banyo."

Natatawa kong hinalikang muli ang sentido ni Kathryn. Si ate na rin ang kinuha namin para tulungan kaming ayusin ang magiging bahay namin. Lalayo pa ba kami eh may kapatid naman akong marunong sa mga ganyan.

"Bahala ka na. Lagyan mo na ng kutson yung banyo natin para matic na." Hirit ko habang pinapapak ang leeg ni Kathryn.

"DJ!" Tawa ni Kathryn bago tinampal yung bunganga ko.

"De loko lang." Bawi ko habang patuloy na hinahalikan ang leeg ni Kathryn. "Kung ano ang gusto mo, dun na din ako."

Happy wife, happy life.

"Hmmm may shower and tub?" Tanong niya habang naghahanap ng pictures ng gusto niyang banyo.

"Okay."

"Pero bal yung basketball court mo? Kailan mo balak ipaayos?" Nangingiting tanong ni Kathryn habang nakatingin parin sa iPad niya.

"Basketball court natin." Pagtatama ko. "De, alam na nila yun. Basta may ring ayos na."

Pumalatak ng tawa si Kathryn sa sagot ko bago sumandal sa balikat ko. "Happy ka?"

Nagulat ako sa tanong ni Kathryn. Aba siya pa talaga nagtanong kung masaya ako eh pati kutsara't tinidor na bili naming dalawa nginingitian ko na.

"Yah. Sobra pa sa sobra." Sagot ko habang ibinabaon ang mukha ko sa leeg niya.

"Pero yung zoo?" Natatawang hirit niya sa gusto niya. Mahilig talaga siya sa hayop, kaya siguro ako ang pinili niyang pakasalan.

Naningkit ang mata ko sabay tawa, "Andito naman ako. Leon sa kama, pusa sa sofa. Ano pang hahanapin mo?"

"Daniel!" Natatawa niyang sigaw sabay takip ng tenga niya.

"Wow Kathryn. Just now?" Biro ko habang inaalis ang kamay niya sa tenga niya.

Nakasandal lang siya sa kin habang naghahanap ng kung anong magandang itsura ng banyo eh ang iniisip ko lang naman paano ko siya mapipikot na sabay kaming maligo dun sa banyo.

"Yan maganda!" Turo ko dun sa malawak ang tub. "Kasyang kaysa tayong dalawa." Dagdag ko pa.

"Mukha ba akong balyena? Bal kasya lahat ng star magic artists dyan." Irap ni Kathryn.

Tumawa ako habang nakatingin din sa iPad. "Pwede namang poso nalang para maging barako naman ang image ko tuwing nagiigib ako para sayo."

"Sshhhh!" Tumatawang suway ni Kathryn sa akin.

Nginisian ko nalang siya sabay pwesto ng nga kamay ko sa bewang niya.

Nakaabot pa kaming Tacloban andito lang pala sa QC yung habang buhay kong uuwian.

----------
Hi! Sorry wala talaga akong alam sa bahay bahay chums na ito eh. Hahaha. Not proofread. Love you guys. 💙

And love MOANTEFALC0 !!!!!!!!! Thank you!!!!!!!!!! 💗💗💗💗💗

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon