Certainty

5.9K 227 39
                                    

"I'm coming, love!" Sent: 4:09 PM.

Naka-ngising manyak na sana ako ngayon dahil sa huling mensahe ni Kathryn kung hindi lang ako magt-tatlumpung minuto nang naghihintay ng isang malambing na tinig na babati sa akin ng I miss you bali na may bonus pang halik sa labi.

Kunot noo kong binalingan ang orasan ng telepono ko at muling nagdikit ang mga kilay ko nang makita kong malapit nang mag-alas singko. Kadalasan kasi eh sampung minuto lang ang bibilangin naglalampungan na kami sa sofa ni Kathryn.

Lintik na 'yan, uulitin mo yang I'm coming, love mong message mamaya. Hindi na sa text, kundi live na tapos may special episodes pa.

Sampung minuto din akong nanatili pa sa kwarto dahil nung isang araw nang biruin ko si Mama na mukhang kailangan na talaga ng kalaro ni Jordan, sinabihan niya ako ng "good things come to those who wait".

Pero yung utak ko limitado lang ang pwedeng pumasok kaya tumigil ang pag-proseso 'nun pagkarinig ko sa "good things come." At nang nakitulog dito si Kathryn noong birthday ko, napatunayan ko na mali si Mama dahil hindi lang good things ang nagc-come, good people come too.

Tangina, ang sarap palang maging good.

Pero makalipas ang sumunod pang limang minuto, putangina, kinuha ko na ang susi ni Gino at desidido nang ako nalang talaga ang sumundo at nagmadaling bumaba na para bang hindi magkapulupot ang mga hita namin kahapon.

Nasa gitna na ako ng hagdan nang may marinig akong pamilyar na halikhik. Yung halikhik na naririnig ko tuwing hinahalikan ko ang leeg ng babaeng susunduin ko. O nang pinag-repeat performance ko siya ng sinayaw niya sa ASAP noong Linggo.

Oh Diyos ko, napa-standing ovation ako nang sumayaw na siya sa harapan ko.

Nang marinig ko muli ang mumunti niyang tawa na may kasama pang tunog ng halik, dinahan dahan ko na ang pagbaba at tahimik na sinilip ang hinihintay ko sa sala.

Isang Kathryn na may kandong kandong na Jordan ang nasilip kong nangyayari sa sala.

Kung pwede lang luhuran ko si Mama sa kwarto niya at magmakaawa para tuparin sana ang hiling kong pikit mata kong isinigaw noong Himig Handog, ginawa ko na.

Pwede na akong manghila ng sofa at panuorin nalang sila mula dito sa hagdan na parang pelikula tapos ang title Ang Kinabukasan ni Daniel Padilla.

Pero alam ko namang hindi ako makukuntento na natitignan lang si Kathryn lalo pa't hawak niya ang dahilan kung bakit ako nagtagal noong pina-ihip nila ang kandila sa cake ko.

Pinalis ko ang ngiti ko at dali daling pinuntahan ang mag-ina ko. Ah shyet, sinong nagsabing nothing is perfect?

"Ang tagal kitang hinintay sa kwarto ko tapos makikita kitang nakikipaghalikan sa ibang lalaki?" Sinubukan kong mag-galit galitan pero nang tumingin silang dalawa sa akin habang magkahawak kamay, kusang lumabas ang Pwede Na Ba Kitang Anakan na version ng halikhik at ngiti ko.

"Bali, he seduced me with his smile." Tukso ni Kathryn bago tumayo habang buhat buhat si Jordan na mukhang malapit na din niyang maging kasing bigat.

Ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa labi na agad ding tinularan ni Jordan. Umupo na si Kathryn at nanatili lang akong nakatayo habang nakalabi.

"Ako naman kandungin mo."

"Nauna na siya, love eh." Nakangising sagot ni Kathryn habang tinuturo si Jordan gamit ang labi niya, na sa diksiyonaryo ko eh sarili niyang version ng pang-iimbita kaya agaran ko siyang hinalikan sa labi bago tuluyang maupo sa tabi niya.

LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon