Punished

5.6K 225 19
                                    

Nagising ako sa paulit ulit na pagtunog ng cellphone ko. At halos masuntok ko ang sarili ko nang makita ko ang pitong magkakasunod na tawag ni Kathryn.

"Ay puta." Napamura ako nang makita ko ang oras sa cellphone ko. Nagniningning na alas singko. "Nalintikan na."

Tumayo ako agad mula sa higaan ko at kumuha ng twalya sa cabinet. Lintik na basketball na yan. Pinapahamak ako!

"Lagot na Daniel." Bulong ko sa sarili ko habang patakbong pumunta sa banyo. Tangina kasi nila Kats eh, aya nang aya mag-basket! Nakatulog tuloy ako.

Naiisip ko palang ang pagtataray ni Kathryn nanlumo na ang sistema ko. Halos pagsabayin ko na ang pagsabon at pagbanlaw sa katawan ko nang marinig ko ang muling pagtunog ng cellphone ko.

"Lord ayoko na talaga magbasket." Bulong ko sa sarili ko habang tinutuyo ang buhok ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad itong sinagot.

"I love you." Bungad ko sa girlfriend ko at nahulaan ko na ang pagrolyo niya ng mata.

"Ano ba? May dadating pa bang boyfriend ko?"

"Nagbibihis na nga bali oh. Kasi sila Kats nag-aya magbasket." Sagot ko habang naghahanap ng sapatos ko.

"Isisi mo pa sa mga kaibigan mo? Iniinis mo ba talaga ako?" Pinigilan ko ang matawa dahil napaka-cute magtampo ng girlfriend ko.

"Bali, that's a fact. Napagod kasi ako kaya nakatulog ako." Pagdadahilan ko.

"It's a fact?" Naiiritang sagot ni Kathryn. "Well fact you! Bwisit ka! Bye!"

"Eto na nga bali eh. I love you. Papunta na ako. 15 minutes." Natatawa kong ibinaba ang tawag bago pa masabi ng girlfriend ko lahat ng mura sa mundo.

Kinuha ko ang susi ni Gino at patakbong pumunta sa kwarto ni Mama.

"Ma alis na ako," Pagpapaalam ko sa nanay ko sabay halik sa pisngi niya.

"Saan punta mo?" Pinasadahan ako ng tingin ni mama at kumunot naman ang noo niya. "Binagyo ka ba?"

Napatingin ako sa salamin at naalala kong di pa pala ako nagsuklay. Natatawa kong sinuklay ang buhok ko bago naglakad paalis ng kwarto ni Mama.

"Manunuyo lang ma." Natatawa kong sagot.

"Sabi ko na nga ba." Pahabol na hirit na Mama.

-------

"Brad bilisan natin at manunuyo pa tayo." Natatawa kong sabi sa kotse ko habang pinapaandar ito.

Agad kong sinagot ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.

"Malapit na ako bal. Sandali nalang talaga. Love you." Bungad ko sa cellphone ko kahit di ko pa natignan kung sino ang tumawag.

"Love you too bro." Natatawang sagot sa akin ng kung sino mang tumawag sa akin. Naguguluhan kong tinignan ang cellphone ko at napamura nalang ako nang mabasa ko ang pangalan na nakalagay dito.

"Nak ng pucha naman Patrick!"

"Malapit ka na ba bali? Okay I'll wait for you." Panggagaya ni Patrick sa boses ni Kathryn.

"Gago!" Sigaw ko sakanya habang tumatawa. "Ano ba? Bat ka ba tumatawag?"

"Bawal ko na bang tawagan ang bali ko?" Tanong niya sa akin habang tumatawa. "De bro, basket tayo nila Marco."

"Manunuyo ako. Dehins pwede." Nakangisi kong sagot.

"Anong kasalanan mo?" Natatawang tanong ni Pat.

"Late."

"Good luck!" Sabay na sigaw ng dalawa habang tumatawa.

"Mga gago! Tama na nga. Manunuyo pa ako."

"Manunuyo o manlalandi?" Hirit ni Marco.

"Both." Nakangisi kong sagot bago ibinaba ang tawag at ipinark ang kotse ko sa harap ng bahay nila Kathryn.

Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay nila Kathryn at binati naman ako ni Kevin na naglalaro kasama si Lhexine.

"Asan si Kathryn?" Tanong ko habang pinupugpog ng halik si Lhexine.

"Nasa kwarto niya, naghahanda nang patayin ka." Natatawang sagot ni Kevin bago bawiin si Lhexine sa akin.

"Dapat talaga dito na ako tumira para di ako nal-late eh." Hirit ko bago umakyat papunta sa kwarto ni Kathryn.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng kwarto ni Kathryn at mukhang sinwerte ako nang bumukas ito. Akala ko nakasimangot na Kathryn ang bubungad sa akin pero tunog ng lumalagaslas na tubig ang bumungad sa akin.

"Kathryn!" Sigaw ko at nahiga na sa kama ni Kathryn.

"CR!" Sagot ni Kathryn. Dapat talaga di na ako naligo sa bahay eh.

Kinakalikot ko ang cellphone ni Kathryn nang marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo niya. Agad kong naamoy ang matamis na amoy niya habang naglalakad siya papalapit sa akin, nakakunot ang noo at nakasuot ng manipis na roba. Tangina isang hilaan lang hello langit nanaman ako.

Tumayo ako at niyakap siya mula sa likuran niya, "Sorry na."

Pinalo niya ang kamay ko at inalis ang pagkakayakap ko sa bewang niya, "Bat pag sakin lagi kang late?"

Ibinalik kong muli ang kamay ko sa bewang niya at ipinatong ang baba ko sa leeg niya, "I love you. Di na mauulit. Promise." Magpapa-late uli ako kung ganito kabango ang susuyuin ko.

Nirolyohan lang niya ako ng mata bago naglakad papunta sa closet niya, "Nakapag work out pa ako kakahintay sayo."

Nginitian ko lang siya bilang sagot at bigla niya akong sinenyasan na tumalikod.

"Bakit?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Duh? Magpapalit ako."

Lumunok muna ako bago sumunod sa utos ni Kathryn. "Para namang di ko pa nakita." Bulong ko.

"What did you say?" Tanong ni Kathryn.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo." Nakangisi kong sagot.

Pero agad ding napawi ang ngisi ko nang marinig kong mahulog ang robang kanina ko pa gustong hilain. At mas lalo akong nanigas nang maramdaman kong papalapit si Kathryn sa akin.

Kinalabit niya ang balikat ko at nagaalangan akong lumingon sakanya.

"Putangina naman Kathryn!" Napamura ako nang makita kong may suot pala siyang sando at shorts sa ilalim ng robang suot niya kanina.

Nginisian niya lang ako ng may kasamang tawa, "Mal-late ka pa?"

-----------
"@bernardokath: I really really really hate waiting.. 🙄"
"@imdanielpadilla: @bernardokath Mas maganda ka kapag nagagalit :)))"

---------
Ia-announce na nila kung sino ang nanalo sa KCA bukas. Jusko. Let us hope for the best. 🙏🏻 Anyways, not proofread. Thank you guys. Love uuuuu :*

LettersWhere stories live. Discover now