Bond

5.4K 231 29
                                    

Nakatitig lang ako kay Kathryn—na nakalabi nanaman—habang iniisip ko kung anong pinagkaiba ko sa ice cream na nasa ilalim ng sinag ng araw tuwing pinapakiusapan ako ni Kathryn patungkol sa isang bagay.

Totoo nga yatang siya yung araw ko, hindi lang dahil sakanya umiikot ang mundo ko pero dahil natutunaw ang paniniwala ko sa bawat paglabi at halik niya sa labi ko.

"Please? Please?" Pag-ulit niya sa pakiusap niya na para bang hindi pa niya ako nakukumbinsi nang mabilis niya akong hinalikan kanina sa aking labi.

Nakita ko ang pag-angat ng dalawang dulo ng labi niya nang umakto ako nag-iisip. Alam naman niyang nadali nanaman ako at nakuha nanaman niya ang gusto niya kahit pa di ko na sabihin ang dalawang letra.

Bumuntong hininga palang ako eh hinila na niya ako patayo sa sofa ng salas nila.

Gusto ko pa naman sanang sa sofa nalang siya landiin bago pa dumating si tita Min.

"Saan mo gusto?" Para saan pang binantaan ko siyang hahalikan ko siya sa harap ng nagtitinda ng ice cream kung halik rin ang ginamit niya para mapapayag nanaman ako.

"Cold stone!" Masaya niyang anunsyo at siya pa ang kumuha ng susi ng kotse ko. Akala mo naman papayagan ko siyang ayusin kahit yung side mirror lang ng kotse ko.

Napangiwi ako nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi, "I invited ate Wanna and Magui!"

Kaya nga ako pumayag para masubuan niya ako ng ice cream gamit ang labi niya tapos ang ending ako lang pala ang echapwera.

"Sana sinama mo nalang din si Arisse." Bulong ko kahit pa tumataba din ang puso ko tuwing nakikita ko silang magkakasama. Ang makita silang magkakasama ang personipikasyon ng singsing na bigay ko kay Kathryn.

"Baliw! Let's go!" Pagkaandar ko palang ng kotse ko parang andun na kami agad sa bahay ko. Syempre, kung pwede namang isang tawiran lang ang pagitan bakit ko pa lalayuan, diba? Naiisip ko palang na pwede akong magpaka-Daniel Bernardo tuwing gusto ko eh lumalaki agad ang ngiti ko.

Bumusina ako at bumungad sa akin si Margarette Ford na sa unang tingin akala mo naka-bikini. Ang ikli ng pambaba! Pagpasok palang niya ng kotse ko mukhang alam nanaman niyang pinagiinit ng ulo ko.

"Kuya, it's called shorts for a reason okay?" Sabay ngiti na sing tamis ng ice cream na kakainin namin sa akin.

Narinig ko agad ang bungisngis ni Kathryn sa tabi ko, tuwang tuwa na wala akong maisagot sa kapatid ko.

"Ikaw! Ginagaya ka niyan kaya dalas dalasan mo pagsusuot mo ng punit na pantalon." Nakangiwi kong bilin kay Kathryn at kinurot ang binti niya. Lihim kong pinasadahan ang katawan ni Kathryn, nagtatampo nga ako at kay Bok lang siya nagpapasalamat dahil sa ganda ng katawan niya ngayon. Bakit, wala ba akong kontribusyon sa bawat tagaktak ng pawis niya?

Sinagot lang ako ni Kathryn ng tawa bago balingan si Magui ng kindat. "You look nice." Kumunot ang noo ko sa pagpuri niya kay Magui.

Nice-sahan niyo nalang din talaga akong mag-ate kayo. Mag-ate. Agad din nabanat ang kunot ng noo ko sa naisip ko.

"Where's ate wanna, ate Kathryn?" Lihim lang ako napapangiti habang sakop padin ng mga daliri ko ang hita ni Kathryn.

"On the way na daw siya sa cold stone, baby girl." Aliw na aliw ako habang pinapakinggan silang mag-usap kahit si Justin Bieber pa ang madalas kong naririnig sakanila. Na akala mo kanta ng the Beatles ang pinapakinggan ko sa tuwing nagsasalita sila. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko pagdating sakanila.

Ngingiti ngiti lang ako habang pinapakinggan silang tumili dahil parehas sila ng sapatos.

"I think I can call you Bal na." Hirit na Magui na nakapag-pakunot ng noo ko. Napatingin ako kay Kathryn nang sumaktong sa pula tumapat ang traffic light.

LettersWhere stories live. Discover now