#LoversInSubic

5.9K 207 6
                                    

"Ba saan ko kukunin yung sando?" I shouted as I went through Kathryn's closet. She asked me to get her some spare clothes while she's busy working out.

"Magkakasama sila ng undies ko!" She shouted from the gym of our house. "Do not touch my undies!!!" She added.

I giggled as I saw my favorite panty of hers. Yung may design na mga bola ng basketball, "Sorry, cant promise!"

"Daniel John!!" Pananakot niya na di naman umepekto nang maimagine ko na ang itsura niya habang suot ang pantyng hawak ko.

"I love you!" I shouted which she only replied with a groad mixed with my name.

Isasara ko na sana ang cabinet niya nang makita ko ang blue box na nakatago sa ilalim ng mga damit niya. "Lovers in Subic?" Pagbabasa ko ng malakas sa nakasulat sa box.

Bilang sa asawa ko lang naman lumalabas ang yabang sa katawan ko, inisip ko agad na kami ang laman ng box na to. At tumama nga ako nang bumungad sa akin ang picture ko. Tulog habang nakasandal sa noon ay girlfriend ko palamang na si Kathryn.

Napahalikhik naman ako sa sumunod na litratong nakita ko. Balot na balot ng twalya si Kathryn habang ako nama'y ngiting ngiti.

"Asan na ba tong si Kathryn?" Mahina kong bulong sa sarili ko habang tinitignan ang mga ka-kwarto niyang nagkalat na dito sa labas.

"..dapat kasi ako nalang ang kakwarto para di nawawala." Pagpaparinig ko kay tita Min na papalapit na sa akin.

"Ano yon, Dj?" Natatawang tanong ni tita Min sakin.

"Wala Ma." Napakamot ako sa ulo ko bago yakapin ang nanay ni Kathryn na magiging nanay ko rin. "Asan po yung girlfriend ko?" Paglalambing ko.

"Nasa kwarto pa nagpapalit. Pasukin mo na." Sabi ni tita Min sa akin bago siya umalis papunta sa ibang mga bisita.

"Pasukin ko na tita?" Bulong ko nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.


"Ba." Katok ko sa kwarto nila Kathryn. Kakatok sana akong muli nang may marinig akong mahulog mula sa kwarto nila Kathryn.

"Puta, ano nangyayari jan Kathryn?" Mas nilakasan ko ang pagkatok at bumungad sa akin si Kathryn na, Panginoon Ko, naka-bikini lang.

"Hi Pot!" Tangina nakangiti ka pa.

"You are so not wearing that." In-english ko na with matching kunot noo para tumalab pero putanginang buhay niyakap lang ako mukhang tumiklop nanaman paniniwala ko.

"Babe.." Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin kaya mas naramdaman ko ang hubad niyang katawan.

"Oo na! Oo na! Baunin mo lahat ng tuwalya sa kwartong to." Pagalit kong sabi pero paano ba to maniniwalang galit ako kung nakayakap naman ako sakanya?

Pumasok ako sa kwarto niya at nakitang mga Victoria's Secret paper bags pala ang nahulog kanina, "Magdala kang anim na tuwalya Kathryn!"


Napangiti ako sa sumunod na litratong nakita ko. Si Kathryn na mukhang naiirita.

"Pero ba, kinilig ka no?" Nakangisi kong tanong sa girlfriend ko habang nakababad ang mga paa namin sa dagat.

"Ha? Where?" Napatawa ako sa painosenteng sagot ng girlfriend ko.

"Wala." Natatawa ko paring sagot. "If I fell in I love you." Pagu-ulit ko sa lyric change ko kaninang surprise birthday prod ni Kathryn.

"Pottie!" Pinalo ako ng namumulang Kathryn.

"Oh bakit? Masama bang ulitin?" Nakangisi kong sabi habang patuloy na kinakanta ang If I fell ng The Beatles.

"Bakit kasi may ganun pa?" Nakangusong bulong ni Kathryn habang inalalayo ang tingin sakin.

"Tingin nga dito, ba. Dali." Natatawa akong humawak sa pisngi niya para iharap sa akin.

"I love you." Bulong ko nang maiharap ko na ang mukha niya sa akin.

Inilapas ko ang cellphone ko't kinunan ng litrato ang magandang mukhang nasa harapan ko.

"Pottie!" Irap ni Kathryn na nakapagpatawa sa akin.

Patuloy kong tinignan ang laman ng box nang may makita akong picture na nakatupi. Binuklat ko ito at halos mabanat na ang labi ko sa ngiti ko.

"Happy birthday, Ba." Bulong ko nang itakbo ko siya mula sa mga bisita. Hindi ko alam kung tumalab ang 'nawawala ang isang hikaw ni kathryn hahanapin lang po namin' na palusot ko o pinagbigyan lang nila ako.

"Thank you, Pot." Nakangiti niyang sabi bago ako halikan sa pisngi.

"Malapit nang mag-18 ang baby ko." Paglalambing ko habang nakahalik sa noo ni Kathryn.

"I'm still your baby." Nakangiti niyang bulong habang mahinang tumatawa.

"Oo nga, kahit magka-baby pa tayo, ikaw parin ang baby ko."

"Pottie!" Natawa ako nang paluin ako ni Kathryn habang namumula ang pisngi.

"May ibibigay ako." Nakangiti akong tumingin kay Kathryn.

"Ha? Diba yung bag na yung gift mo sa akin?" Nagtatakang tanong ni Kathryn sa akin.

"Eto," Sabi ko sabay labas ng cellphone ko at halik sa labi ng girlfriend ko.

"Baaal!" Sigaw ni Kathryn mula sa baba. "Ang tagal!"

Ibinaba ko naman agad ang box at kinuha ang sando na ipinapakuha niya sa akin. "Eto na nga po, Maam!"

Rinig ko ang mumunti niyang pagtawa habang pababa ako, "Anong meron mahal?" Pagtatanong ko.

"Look! Parang may throwback episode ang ASAP and nir-replay yung 17th birthday prod ko." Excited na sabi ni Kathryn sa akin.

Tumingin ako sa TV at sumaktong patapos na ang kanta. Pinanuod ko lang ang disi-siyeteng Daniel na humalik sa noo ng disi-siyete ring Kathryn bago tapusin ang kanta.

"If I fell in I LOVE YOU..."

----------
"@fordkathryn: *video of dj saying 'if i fell in i love you'* If I fell in I love you too 😽"
-------

Just coz I had a little KN marathon thru pictures and alot of it are from their subic adventures. 😂 Not proofread. Thank you everyone. :*

PS. Keep on voting! Tiwala lang :) #VoteKathrynFPP #KCA

LettersWhere stories live. Discover now