Chapter 19: His Fiancee

328K 2.4K 352
                                    

HALEY'S POV

He left early. Pag gising ko wala na siya. Naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga katagang "can we start again?" At "can we give it a try?" 

So, kami na ba? Tinatanong pa ba yun? We are already engaged kahit wala pang formal announcement. Pero may mga engaged naman na hindi sila kasi hindi nila gusto ang isa't isa. Gusto na ba niya ako? O baka nagi-guilty lang siya kasi baka iniisip ko na pinagsamantalahan lang niya ako nung gabi na 'yun? Isa pa, pa'no si Vanessa? At yung babae na mukhang sandok na walang boobs? 

Ang boring ng klase, puro sulat si Ma'am sa board at hindi halos nagsasalita. Nakakatamad pumasok pag Saturday. Good thing I only have two subjest today. At ako lang mag-isa ngayon, walang klase si Jess pag Saturday. 

Buti na lang din at wala si Vanessa ngayon. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko siya haharapin. Hindi ko rin alam ang magiging reaksiyon ko pag nakita ko silang magkasama ni Russell. 

Si Russell kaya, may pasok ng Saturday? Eh ano naman ngayon? Ba't naman kasama na naman siya sa iniisip ko? 

I'll text Jess. Wala naman akong gagawin mamaya. Pupuntahan ko siya sa bahay nila after my class. 

 Tomorrow na lang. Tyler and I are going out, she replied.

Napangiti ako. May lovelife na rin ang bestfriend ko. Matagal din siyang walang boyfriend. Pareho kasi kami ng kapalaran. Kung ano yung nangyari saken, ganun din yung nangyari sa kanya. Ambrose cheated on her. Mag bestfriend talaga kami.

"We will not meet next Saturday. I'll be attending a convention. Prepare for an exam for the next meeting. I'll give you the scope." 

"We will not meet next Saturday. I'll be attending a convention. Prepare for an exam for the next meeting. I'll give you the scope." Salamat naman. Akala ko, wala nang katapusan ang pagsusulat niya. Nagmadali akong lumabas ng room. I'll stop by sa library. 

Ngayon ko lang napansin na marami-rami rin palang estudyante pag Saturday. May nagpa-practice pa sa soccer field. Nandito kaya si Russell? Tiningnan ko isa-isa ang mga nasa field. Wala siya. Bakit parang disappointed ako? 

"Haley?" may tumawag saken. 

Lumingin ako. Sino naman 'tong kumag na'to? 

"Haley, it's you!" sabi nito. Si ano....ano na nga bang pangalan nito? 

"It's Jason, we met at the bar," nakangiting sabi nito. 

"Ah, I remember."

Oo nga pala kasabay ko lang 'tong kumain nung isang araw."

"Nagkita ulit tayo!"sabi nito. Ngumiti lang ako. 'Di kasi kami nagkausap nang matagal last time. Paano kasama namin sa table sina Russell."

"Ano na nga ulit ang course mo?" tanong niya. 

"Psychology," kumunot ang noo niya. 

"Block section ka di ba? May pasok kayo ng Saturday?" 

Lahat kasi ng block section, walang pasok ng Saturday. Unless gusto mong kumuha ng mga advance na units o kaya may behind subject ka last semester. 

"Kumuha lang ako ng ilang advance na units." 

"Ah okay, ang sipag mo ah!" ngumiti na naman siya. 

"Hindi naman, gusto ko kasi next sem, konti na lang ang subjects ko para di ako mahirapan," ngumiti rin ako sa kanya.

Gwapo rin itong si Jason. Matangkad. Maganda rin ang built ng katawan. Medyo maputi. Mukhang masayahin. Hindi kagaya ni Russell na mukhang suplado. 

"Ikaw, practice?" tanong ko. 

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon