Fourteen ♥

17.5K 187 26
                                    

Explain, now.

-Universe-

Nagayos na ako ng sarili ko, may lakad ulit kami ni Gerald, sabi nga niya walang oras ang dapat masayang.

"Ready?" Rinig kong sabi ni Gerald, habang nakatok

"REAAAAAADY!" sabi ko sabay bukas ng pinto

"Ganda talaga ng bestfriend ko..." sabi niya at inakbayan ako

"Matagal na..." Yun na nga eh, maganda naman ako pero bakit hindi mo ako magustuhan?

"Hay nako, Samantalang dati, ikaw yung batang umiiyak lagi!" Nangasar pa, kasalanan ko bang iwan ako ng nanay ko?

"Matagal na yun, Gerald, hindi na dapat yun binabalikan..." pabulong kong sabi

Napansin niya atang tahimik lang ako habang pababa kami ng hotel

"San mo gusto pumunta?" pagiiba niya

"Gusto ko, Gusto ko?" Ikaw.

"Oo, san mo ba gusto?"

"Mall tayo?" tanong ko, umiling naman siya

"Kailangan nating puntahan yung mga lugar na wala sa Pinas." Eh saan?

"Saan?"

"Sige, magmall ka muna, sunduin nalang kita... May pupuntahan lang ako" bigla nalang niya akong iniwan pagkababa namin ng hotel

"Sira ulo!" sabi ko, pero alam ko hindi niya nayun maririnig kasi Nakaalis na siya

Sumakay ako sa kotse tapos dumiretso ako sa mall

Hongkong, Masyado kang magiging memorable para sakin...

Nakarating ako sa pinakamalapit na mall

Nagpark na ako tapos dumiretso na sa loob

"Shoes..." napangiti ako, Gusto ko ng SHOES!

Tumakbo ako sa mga store ng shoes.

Tss, wala naman sa uso yung iba.

Ang dami kong napuntahan na shop pero wala akong nabili kahit isa

Dumiretso nalang ako sa Hongkong Restaurant dito.

Nagorder ako at kumain

Ang hirap maging magisa.

Sanay nanaman ako, pero yung atmosphere dito, iba, mas nakakalungkot kasi wala namang Pilipino

"Hay Buhay!" sabi ko at uminom ng iced tea

"Ay, Maam ! Sabi ko na nga ba, Pinay ka!" sabi nung waiter dito

Loving Universe // EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon