Six ♥

18.6K 235 8
                                    

Change

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makarating kami dito. Binuksan ko ang bintana nt kotse para salubungin ang Guard.

"Goodevening po, maam!" Bati niya sakin at ngumiti ako.

"Hello po, bibisitahin lang namin si mommy." sabi ko.

"Sige, Maam, diretso niyo lang po." Tumango ako at umandar ang kotse. Alam na ni kuya Nico kung saang part kami dapat pumunta.

Bumaba ako at naglakad papunta kay Mommy. Feeling ko maiiyak nanaman ako, paulit ulit ko lang naaalala yung nandyan pa siya, nung buhay pa siya.

Is there any chance of someone being ressurected, if she really matters to the world, she matters to me, to my papa, to my lola, I need her.

Umupo ako sa damuhan at nilagay yung bulaklak sa may gilid, mukhang pumunta si daddy dito dahil may mga fresh pang bulaklak sa gilid.

Hinawi ko ang konting dahon na nakakalat sa naka-ukit niyang pangalan.

"Ma.." Pagkatapos ko iyong sabihin, my tears fell down, I wish that we could bring back time, I wish that I can feel a mother's love right now, I wish that I can hug her, I wish that I can feel her warm body.

"I love you po." I said and stuttered, I'm such a cry baby. "Sana nandito para matulungan mo ako. Alam mo po kasi ang hirap pala ng pakiramdam na ganito, para akong sinasakal ng sakit, para akong kinukulong sa kanya, sana talaga nandito so you can help me because I don't know if I can take this all by myself, this is the hardest game, I don't know if I'll end up being the winner or the loser, I don't know if I can risk anything, I don't know if I can handle it." After saying that, I cried harder.

Sa mga nababasa ko sa stories, palaging walang magulang ang bida, I'm okay with being a kontrabida basta kasama ko si mommy, I just want her back, please..

"I love you po and I miss you." I said and wiped my tears.

I stayed there for a few minutes, quiet but with a lot of thoughts rolling in my mind.

Naglakad na ako paalis. Yung araw na yun, bumalik lahat ng sakit, lahat ng mga nangyari, yung paghahanap ko ng pagmamahal, yung mga oras na wala akong kaalam alam na may sakit na pala siya, I wish I knew it so I cherished the moments being with her, na bawat minuto sana yinakap ko nalang siya at hindi na ako bumitaw.

Dumiretso kami sa mall. Sanay na din naman akong magisa sa Mall. Since gradeschool palagi na akong mag-isa, no one was real to me back then, kahita bata palang, people like to gossip things about me kaya sinanay ko nalang ang sarili ko na mag-isa sa school, magkaiba kami ng school ni Mason, sa public school lang while I'm loyal to a private school.

Dumiretso ako sa Topshop to buy new clothes, I want another style, I'll try fitted dress or pencil cut skirts, I'm done with colorful dress.

Nagtingin-tingin ako and I found a black pencil cut skirt, sinukat ko iyon and it suits me.

Biglang nagvibrate yung phone, Mason is calling, tuwing nawawala siya sa isip ko, kung kelan masaya na ako, susulpot nanaman siya at manggugulo, can he just talk to her Elisa, diba siya naman ang nililigawan?

Sinagot ko naman agad, huminga muna ako ng malalim bago nag-hello.

"Hello, anong kailangan mo?" Pambungad ko, narinig ko ang maliit na halakhak niya.

"Bukas, may party, punta ka." He said and I can sense his excitement.

"Anong Party?" I asked even if I thought of something.

"Elisa's birthday! You should go to know her more, you'll enjoy! Actually, she can't stop talking about you, she's interested on knowing my long-time bestfriend, she finds you very pretty too, sabi pa nga ay handa siyang iwan ako para makatuluyan ka." Sabi niya, alam niya bang nasasaktan ako? She likes me when I don't know if I like her! Like hello, siya lang naman ang gusto ng taong mahal ko, I feel so small when I'm looking and thinking of her.

"Is she bisexual?" I asked.

"No, its just a joke, pero maganda ka naman talaga eh." He simplh said that almost rocked my soul.

"She invited you, at hindi pwedeng mawala ang bestfriend ko sa isang mahalagang event para sakin." Elisa's part of him now at kung dati birthday ko lang and every basic events lang ang importante sa kanya ay ngayon nadagdagan na.

"Okay, fine, but don't leave me alone there, wala akong kakilala." Sabi ko.

"Yes! See you bukas, I miss you." Sabi niya sa masayang tono.

"I miss you too." then I ended the call.

I'm gonna buy another clothes here, I think. Nagtingin tingin ako at halos wala akong mapili dahil gusto ko nga ng panibago, because I want something that will suit my short hair.

Nagexplore ako sa buong shop to find another pencil cut skirt and a one piece, nakapili ako after walking nonstop to the store for like 20 minutes at binili iyon.

Isama ko kaya si Marco, baka kasi si Elisa lang ang kasama ni Mason magdamag, ayaw ko ring ma-out of place sa lugar, and siguro its time to reach out, I need someone new in my life, a new friend, para hindi lang kay Masom umiikot ang mundo ko and to have someone to talk to when my world is falling apart because of my bestfriend, lol.

I dialed Mason's number at sumagot naman siya kaagad.

"Pwede mag-sama bukas ng kaibigan?" I asked him.

"Sino?"

"Basta!"

"Sino nga?" he sounds irritated, napairap ako.

"Wag na nga, hindi nalang din ako pupunta." Sabi ko with angry tone, I know he'll jump to my trap, tss.

"Sige na! Sige na!" He said and I laughed, time for a change, ha.

// √

Loving Universe // EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon