Twenty-one ♥

15.1K 158 20
                                    

into pieces

-Universe-

"Ako? Plastik?" Tanong ko sa kanilang lahat

"Jane? Ano bang pinagsasabi mo? Wala namang masamang ginagawa yung tao a." Sabi ni Moniq

"Para lang naman sakin..." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko

"Plastik ako? Bakit inagaw ko ba si Gerald kay Elisa, kinainisan ko ba si Elisa? Inaway at pinagbantaan ko ba si Elisa? Hindi naman diba? Kaya paano ako naging plastik? Nagkagusto lang naman ako kay Gerald, mapipigilan ba yon? Kaya nga gumagawa ako ng paraan para makalimutan ko siya, para mapalitan siya! NGAYON SABIHIN MO SAKIN! PLASTIK BA YON?!" Tinignan ko siya ng masama.

Napaiwas siya ng tingin.

"Sorry, Universe.."

"Wala kasi kayo sa posisyon ko kaya hindi niyo alam yung nararamdaman ko." Tumayo na ako at kinuha yung bag ko

"Mauna na ako, Moniq, Kristel, Trina at ..... Jane." Ngumiti ako ng parang walang nangyari

Sumakay ako sa kotse ko tapos dumiretso ako sa isang bilihin ng alak.

"Miss, may Jack Daniels kayo?" Sabi ko habang iniikot ang tingin sa mga alak

"Meron po ma'am." Inabot niya sakin ang isang bote na yun.

"Sige, babayaran ko na." Binayaran ko yun tapos pumunta ako sa isang park.

Madilim na at walang tao nung nakarating ako.

Pero may mga ilaw naman sa gilid.

Pumunta ako sa playground ng park.

Umupo ako sa isang swing dun tapoa binuksan yung Jack Daniels.

Uminom ako ng konti tapos bigla nalang akong napaiyak.

"Ano bang buhay ang meron ako? Tae, nasa akin na nga lahat ng yaman, ganda, at talino pero what happen sa Lovelife ko, mas masahol pa sa mahirap, maganda, at bobo." Uminom ulit ako

Loving Universe // EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon