Ten ♥

17.8K 222 28
                                    

Innocent

Kumatok ako bago pumasok sa hospital room ni Mr. Campos, bumungad sakin si Marco na naka-panjama at simpleng tshirt lang at mukhang kakakagat lang sa hawak niyang mansanas, napangiti ako ng manlaki ang mata niya ng makita ako.

"Hello po." Bati ko kay Mr. Campos na gising naman at nakangiti saakin, mukhang ayos naman na siya.

"Pasok ka, Universe." Sabi ng katabi niyang babae na mukhang kanyang asawa, may hawig rin siya kay Marco kaya ko iyon napansin.

May nakita rin akong isang teenager na babae at isang maliit na batang lalaki sa isang sulok, mukhang naglalaro sila ng games sa Ipad.

Iniabot ko ang dala kong prutas kay Marco, sa may restroom ay may lumabas na lalaking medyo matanda sakin, he looks mature, maybe he's 25 above.

"Kamusta po kayo?" Tanong ko kay Mr. Campos.

"I'm a bit okay, sobrang init lang talaga sa site kahapon, I collapsed and now I'm here." Sabi niya natawa pa ng kaonti bago isubo ang ubas na hawak ng kanyang napakagandang asawa.

"The doctors said that he should rest for three weeks, mabuti at ganito lang ang nangyari, baka rin hindi makapagtrabaho si Daddy hanggang sa susunod na buwan." Sabi ni Marco at nilingon ang kuya niya.

"Don't worry, Marc, I'll handle it." Sabi sa malalim na boses ng siguro ay kuya niya?

"Uh, Universe, this is my older brother, Mackenzie." Sabi ni Marco sabay turo sa kuya niya, I flashed a smile but he stayed straight face but offered his hand to me, medyo kinabahan tuloy ako sa asta niya.

"Hi, Mackenzie." Ulit ko sa kanyang pangalan at tinanggap ang kamay niya.

"Call me 'Ken." He said at unting unting ngumiti when we shook our hands.

Bumitiw naman agad ako ng humawak si Marco sa braso ko.

"Can you join me? I'll buy our food, dito ka na magtanghalian." Sabi niya at tumango ako. I don't mind to it in a private hospital room, anyway.

Nagpaalam naman kami sa kanila at lumabas kami.

"Wag kang lalapit sa kuya ko, he's known as playboy, I don't want him to flirt with you, wawasakin lang non ang puso mo." Panimula ni Marco, I giggled at the image of him warning me to stay away from his brother.

Same ang features nila ng kuya niya, but his brother is taller and more masculine, mukhang marami naring karanasan sa business at sa mga babae..

"Ganyan ba ang kapatid? Sinisiraan ang kuya?" Sabi ko at tumawa, he don't even look pleased so I stayed quiet.

Hindi kami sa Canteen bumili dahil ayaw daw ng daddy niya roon, he prefers fastfoods like KFC.

We bought two buckets of chicken.

"Ako na sa isa." Sabi ko at nakiagaw sa kanyang dalawa na paper bag.

"No, just hold my wallet and cellphone." He said since wala siyang bulsa, his panjama is abnormal, walang bulsa?

"Do you want an ice cream, natikman ko iyan ng bumili yung dalawa kong batang kapatid and its 10/10, treat ko." Sabi niya at tumigil kami sa tapat ng isang ice cream truck, at meron namang mga table sa tapat nito kaya nilapag niya ang dala don. "Chocolate ang akin, ikaw?" He asked at kinuha sakin ang wallet niya pero hindi ang kanyang cellphone.

"I want that rainbow ice cream." Sabi ko at tinuro ang nasa poster, ngumiti naman siya at tumango bago pumunta sa counter.

Nagvibrate ang cellphone ni Marco at umilaw iyon, nakita ko ang kanyang lockscreen, its his sister and his younger brother, mukhang dito ang picture na yon, madungis ang batang lalaki samantalang natatawa ang kanyang babaeng kapatid.

Loving Universe // EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon