Forty-two ♥

10.1K 163 14
                                    

Key of continuation

Ang bigat ng loob ko. Gusto ko na talaga siyang mayakap. Pero wala akong magawa.

Tinitigan ko ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin. Ang daming nagbago sakin, hindi lang yung physical kasi pati yung attitude ko. Lahat sila pinapranka na ako na ang moody ko na daw, paiba iba ang mood ko lagi nalang din ako nagmumukmok sa isang tabi.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganito. Ano bang nangyare sakin? Naiisip ko nalang yung dati, yung lagi pa akong nakangiti.

"Alam mo, Universe. Try to change again, walang limitation yan. Pwede ka pang bumalik sa dati, hindi lang para samin kundi pati sa sarili mo. At hindi porket iniwan ka niya, iiwan mo narin ang totoong ikaw. Go and fight lang, wag maggive up kasi yang giving up na yan ay para lang sa walang tiwala at sa mga loser."

Huminga ako ng malalim. Kinalkal ko ang make up kit ko at hinanap ang light color na make up.

I am back. I will try to come back.

Tinext ko si Maddie bago ako lumabas ng kwarto.

To: Maddie

Hi, Mads! :)

Nakangiti akong bumaba, pumunta sa sala. and yes.

Maddie is here, waiting for me?

"OMG! Like OMG! Universe, parang may iba?" Tinitigan niya ako

"Omg, Your lipstick, your eyeshadow, your cheeks, your dress, and look your smiling Universe!" Napayakap siya sakin. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko.

"Its unlimited and free. Maddie!" sabi ko at yinakap din siya.

"Ahm. Wait! Samahan mo ang dyosa sa mall, Please? Please? Please?" Nagtaka naman ako

"Bakit?" sabi ko at umupo muna sa couch

"Because.. Basta! Please? Pag hindi ka sumama, lets end this friendship." Nagulat naman ako, masyado akong binablackmail nito

"Sige na nga!" Nagtatalon naman siya sa tuwa. Agad akong nagpaalam kay Papa at sumakay na kami sa kotse ko.

Pero habang nagdadrive ako, tahimik lang siya.

"Maddie, may problema ba?" tanong ko, nakatulala lang siya sa bintana ng kotse at nakangiti.

"Wala.. Excited lang ako!" pinalo palo niya pa ako, ang weird.

Nakarating naman kami kaagad sa mall.

"Ah, Universe! May pupuntahan lang ako saglit ah."

"Ha? Samahan na kita."

"No, wait me here." Wala na akong nagawa, tumakbo na siya palayo saakin.

Ang weird niya ngayon. At napansin kong tinititigan ako ng bawat tao na nakakasalubong ko.

Napalingon ako sa isang lugar. Ang liwanag doon at unti unti akong nakakita ng isang babae at lalaki na palapit ng palapit.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ako makahinga, iba ang nararamdaman ng tiyan ko. Ito na siya, palapit na.

Tila bumagal ang mga taong nasa paligid ko. Ito na ba? Mayayakap ko na ba siya?

Unting unting nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Loving Universe // EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon