Thirty-nine ♥

10.8K 197 26
                                    

Because

"Ano nang nangyari, Maddie?" tanong ko kaagad pagkapasok ko sa room no. 15

"Nakadilat lang siya, tulala, kinakausap namin pero hindi sumasagot, sabi naman ng doktor gising na daw talaga siya." Nilapitan ko si Meteor.

"Meteor.." Unting unting gumalaw ang ulo niya at tumingin sa direksyon ko at unting unti na inangat ang labi niya.

"Universe? Ikaw ba yan?" Tumango ako.

"Oo, nandito na ako." Biglang nagsituluan ang luha niya.

"I can't.." nagtaka ako sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo, Meteor?" Mabagal niyang inangat ang kamay niya ay kinapa ang braso ko.

"Hindi kita makita, ang dilim. Nasan ka?" Namula ang mga mata ko.

"Meteor.."

"Bakit ang dilim?! Buksan niyo na yung ilaw! Ayoko ng ganito, ano ba!" umiyak na ako at pinatawag na namin ang doktor.

Nagwala si Meteor kaya pinakalma muna siya ng mga nurse.

"May hindi maganda ang nakaapekto sa kanya, dahil sa stroke na yun, baka nakaaepekto yun sa mata niya, ichecheck namin kung pwede pa siyang makakita.

Tinitigan ko ang natutulog ng mahimbing na si Meteor.

Kinagabihan, nagpaalam na ang magulang niya at si Maddie.

Nagpaiwan nalang muna ako parq mabantayan ko siya.

"Naiwan ako pero hindi porket ganun mangiiwan na rin ako." sabi ko kay Meteor na natutulog parin.

Humigop ako ng kape. Hindi pa ako handang harapin ang ama ko.

Ayoko pa, masakit pa para sakin na malaman ang lahat ng yon. Masakit sakin ang pagiging selfish niya.

"Universe.." Napatingin ako sa nakapikit na Meteor.

"Oh?" hinaplos ko ang kamay niya.

"Hindi na ako makakakita?" ngumiti ako habang tumutulo ang luha ko.

"Sabi ng mga doktor oobserbahan ka pa nila."

"Pero alam mo, sa una lang pala masakit, ayos lang kahit madilim, mas ayos nga to eh diba?" Kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Kasi alam mo, natuto akong makiramdam at alam ko ngayon ang nararamdaman mo, kahit hindi ko nakikita yung mukha mo alam ko na nasasaktan ka." Yinakap ko siya.

"Meteor!" umiyak ako habang yakap siya, nagbago na siya, mas naging mature siya sa lahat ng bagay.

"Tapos na yung isang linggo na hinihingi ko. Tapos na yun. Pero gusto ko pa pero hindi ko ipipilit kasi alam ko naman eh."

Umangat na ako at tinitigan ang nakapikit parin habang tumutulo ang luha na Meteor.

"Alam ko namang siya parin eh, Alam ko namang si Gerald talaga ang gusto mo, ang mahal mo"

Huminga ako ng malalim.

Oo siya parin. Pero iniwan niya ako, hindi siya lumaban, Hindi niya hinarap pero naiintindihan ko siya, mahal na mahal niya ang pinagmulan niya, ang pamilya niya.

Kung ako din naman ang nasa posisyon niya ganun din ang gagawin ko pero masakit pala, at hindi ko maimagine kung gaano pa mas masakit ang nararamdaman ni Gerald.

"Meteor, Iniwan niya ako." Unti unti siyang dumilat.

"Bakit? Alam mo na ba?" Kumunot ulit ang noo ko, alam ko ang alin.

Loving Universe // EDITINGWhere stories live. Discover now