Forty ♥

10.7K 182 16
                                    

More Reasons

Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak habang nagdadrive.

Ang sakit ng nararamdaman ko.

Tumigil ako sa pagdadrive ng makita ko na yung lugar na pupuntahan ko. Pumasok ako sa gate ng mansion na yon.

Bumaba na ako.

"Maam Universe! Napadalaw po kayo?" sabi nung guard na close ko simula nung bata ako.

"Wala lang, gusto ko lang. Pakidala nalang yung mga dala ko, nasa likod lang ng kotse." Pumasok na ako at binati na kaagad ako ng mga maids ni grandma

"Momski!" sigaw ko, nabigla siya ng yinakap ko siya.

"Omygod Apo! Anong ginagawa mo dito?" nakayakap parin ako sa kanya ng mapaiyak nalang ako.

"Apo, Umiiyak ka ba?" Pinunasan ko ang luha ko.

"Mi. Si Papa po." Napabitaw siya sa yakap.

"Anong nangyari sa papa mo? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Wala po. Siya po ang gumawa ng masama sakin, Mi. Sinaktan niya po ako, niloko niya ko." at nagsimula nanaman akong umiyak.

Pinatahan ako ni Momski at pinaupo sa sofa.

"Anong ginawa ng Daddy mo, Apo?"

"Remember Gerald?" Tumango siya at sinimulan ko na ang kwento.

Nainis siya kay Papa nagalit pero naintindihan niya ito.

"I know how much your Father loves you. Siguro sa sobrang pagmamahal niya lang sayo, kaya niya nagawa yon."

"I dont expect that." umiyak lang ako, pinakuha niya ng tubig ang maid at pinainom yon sakin.

"Nasaktan din ang kapatid mo ng pumunta siya dito." Napakunot ang noo ko.

"Kapatid?" tanong ko kay momski saka inabot ang wala nang laman na tubig na baso.

"She's broken that time, walang matakbuhan kaya dito siya dumiretso." she stop at ngumiti sakin, samantalang ako, nagaabang ng susunod niya pang sasabihin.

"May kapatid ka, Apo. Anak ng mommy mo bago pa niya makilala ang daddy mo, namatay ang daddy niya, nahanap ng mommy mo ang daddy mo at nagpakasal sila, tapos ikaw ang naging bunga, naiwan dito ang kapatid mong babae, pero sinabi ng daddy mo na mabuti daw kung ipaalaga nalang daw siya sa isang kaibigan niya, hindi ako nakaangal kasi gusto din ng ate mo ng pamilya." Nadagdagan pa ang mga iniisip ko.

"Sino siya? Momski?" Tinuro niya yung taong nasa taas ng hagdan.

Unting unti akong lumingon, kinakabahan sa makikita.

"Sissy." Tumulo ang luha ko, tumakbo siya papunta sakin saka yinakap ako ng mahigpit.

Umiyak ako ng umiyak pero siya, nakangiti lang habang yakap ako.

"Kaya pala magaan loob ko sayo eh, Little sister pala kita."

"Paano?" tanong ko, kasi naguguluhan parin ako.

"Si mommy or i can say na mommy natin ay nagkaron ng anak kay Daddy ko pero namatay si daddy dahil sa car accident at habang nagaagaw buhay na ang dad ko, sinabi ni dad na humanap daw siya ulit ng mapapangasawa kung mamatay na siya, at ayun nawala si daddy nahanap niya ang daddy mo at nabuo nanaman ang isang love story. Pero ako naiwan dito, kakapanganak palang ako at walang kaalam alam. and hindi alam ng daddy mo na si Elisang girlfriend ng bestfriend mo ay ang ang anak din ng mommy mo." Hindi ako nagagalit at naiinis kay Mommy dahil hindi niya sinabi na may kapatid pa ako.

Loving Universe // EDITINGWhere stories live. Discover now