THIRTY-EIGHT </3

11.8K 170 32
                                    

Babala: Capslock talaga ang Thirty Eight, dahil instense ang mga magaganap, at sorry kung may maiiyak man. Madaming mangyayaring hindi inaasahan.

Third Person

Buong magdamag na binantayan ni Universe ang walang malay na si Meteor, inaantay niya ang paggising nito kahit na sinabi pa ng doktor na baka hindi na ito magising.

"Meteor, Please? Babe! Gumising ka na, tangahali na! Kakain pa tayo sige ka, manglalaki ako! Parang awa mo na wag mo naman kaming saktan ng ganito, masyado ka bang napagod sa isang linggo at gusto mo matulog ng sobrang tagal? Hanep ka naman eh! Nakakairita, magtatampo ako sayo pag di mo sinunod ang sinasabi ko!" hinawakan ni Universe ang kamay ni Meteor.

"Sige na, Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi ka gumising iiwan kita." Pumikit siya at nagumpisa.

"Isa.." Tumulo ang unang luha niya

"Dalawa.." tumulo ang mga luha sa parehas niyang mata

"Tatlo.." pinunasan niya ang mukha niya habang nakapikit.

"Didilat na ko, kapag hindi ka parin gising, patay ka sakin!" Unting unti niyang dinilat ang mga mata niya.

Humagulgol siya, pinaglalaruan niya lang ang sarili niya.

"Ano bang kailangan kong gawin, ha? Para lang magising ka?" yinakap niya ito saka umiyak.

"METEOR, BABE! mahal kita.." umiyak lang siya

Tumulo na din ang mga luha ng kasalukuyang nakasilip sa pinto.

Naglakad na ito palayo, hindi niya na kayang makita ang babaeng minamahal niyang may mahal ng iba.

"Gerald, anak? Ayos ka lang ba?" tanong ng nanay niya sa kanya ng makauwi siya

Napayakap nalang ito sa ina niya.

"Ma, Ang sakit sakit po!" umiyak na ito ng umiyak.

"Anak hindi mo naman kailangang gawin ito para saamin." Bumitaw si Gerald saka tumalikod

"Ma, Kayo ang pamilya ko kaya hindi ko kayo papabayaan, ako nalang ang nagiisang lalaki dito, at gagawin ko lahat para sainyo, Nangako ako kay Papa, Ma. Mahal ko kayo at ayokong makitang maghirap kayo ng dahil sakin." Napaiyak ang nanay niya sa sinambit ng anak niya.

"Anak.." Yinakap ng ina niya si Gerald mula sa likod.

"Hindi talaga kami nagkamali ng pagpapalaki saiyo." Nagsipuntahan narin sa kanila ang mga kapatid niya at sumama sa yakap.

"Kuya kahit na inaasar mo ko, I can call you a "Best Kuya Ever" kasi nagawa mong magsacrifice para sa pamilya mo, kahit na masaktan ka pa wag lang kami ginawa mo." sabi ni Melanie

"Kuya, naiiyak ako! Kahit na meron akong hindi naiintindihan sa mga bagay bagay alam ko kung anong ginawa mo para saamin, Your my hero kuya, Hero ka ng lahat." sabi ni Alexis

"Hoy brotha! Kahit naman ang panget panget mo, mabait ka rin pala! Pero di bale ng panget diba? Atleast ginawa ang lahat para sa pamilya, Mahal ka namin, Brother." nagiyakan ang lahat.

"Ikaw Melanie, wag magboboyfriend ah. Ikaw naman Alexis, wag masyadong magcomputer, ikaw Ate wag mo na akong sabihan ng panget kasi pogi talaga ako, at ikaw mama alagaan mo ang sarili mo.. Basta ito ang tatandaan niyo, mahal ko kayo kaya ko ginagawa to." Mas lalo silang nagiyakan.

Dumaan nananaman ang isang linggo.

"Akala ko ba Halfcoma? Bat di nagigising?" sabi ni Maddie sa mga kaibigan.

Loving Universe // EDITINGWhere stories live. Discover now