Chapter 15: Jessica

308K 2.3K 128
                                    

JESSICA'S POV

Eto naman kami. Balik naman siya sa dati anak ng tokwa naman. Akala ko okay na siya. Parang wala na naman siya sa sarili niya.

Nakita niya kasi si Vince at yung flirt na yun sa cafe. Maghalikan ba naman sa harap niya. I've seen that look in her face again. The pain in her eyes. Di siya makaiyak. Para lang siyang baliw.

She's my bestfriend. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Di ko siya masisisi. Almost four years silang magkasama ni Vince. Halos hindi sila mapag hiwalay. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

Medyo nag lie low sila last year kasi marami na kaming mga major subjects. Siguro mga thrice a week na lang sila kung lumabas.

And before the school year ended last year, nakakarinig na ko ng hindi magandang balita about Vince and that girl. Madalas silang magkasama. Halos everyday.

One time nakita ko nakapulupot yung braso nung flirt kay Vince. Hindi lang isang beses yun. I'm sure nakakarating din kay Haley ang balita. I tried to tell her but she just laughed about it.

I know she trusted Vince that much. So I trusted her judgement as well. Sino ba naman ako para pangunahan siya. Isa pa kung sino man ang nakakilala kay Vince wlang iba kundi siya yun. Hindi ko na rin pinansin yung iba pang tsimis.

Hanggang nakita na mismo ng dalawang mata niya. Awang awa ako sa kanya that time. Tulala lang siya. Di siya makausap. Di ko nga siya nakitang umiyak ng bongga gaya ko.

But I know she's hurting.

Ang masakit pa di man lang nagpaliwanag si Vince. Walang text o tawag man lang. Parang iniiwasan pa nito si Haley. Ang kapal nga eh.Yun ay sa abot lang naman ng kaalaman ko. Hindi kasi nagkukwento si Haley.

Alam kong nahihirapan si Haley. At alam kong ayaw lang niyang ipakita ito. I've known her bilang tough and palaban. Madalas siyang mag cut ng klase simula nun. Especially sa mga minor subjects. Para siyang walking zombie. After a week nagpagupit siya.

Halos lahat ng tao ganito.. ."Wooaaah!"

Yung parang habang dumadaan siya eh slow motion ang lahat.

"Shocks! Nagpagupit siya"

"Sayang ang haba kaya ng buhok niya dati hanggang beywang."

"Mas bagay sa kanya."

"Gosh para siyang cover model ng isang fashion magazine"

"Mas sophisticated siya ngayon"

"Ano ba yan ang iksi na niya manamit"

"Siguro nagrerebelde kasi ngbreak sila ng boyfriend niya."

"Pero gumanda siya lalo in fairnness"

"Nagmukha nga lang suplada"

Sari saring comment galing sa mga usiserot' usisera. May mga iba na humahanga. Yung mga iba naiinggit. Yung iba literal na napapanganga.

Isa na diyan si Vince, one time nakita ko siya, laglag ang panga niya nung makita si Haley. Siguro hindi ito makapaniwala. Sobrang iksi ng buhok nito. Ang iksi pa manamit. At siguro dahil sa sobrang ganda ng bestfriend ko.

Gusto ko siyang sigawan that time, "Maglaway ka loser!" with matching L sign pa gaya ng ginagawa ni Angelina sa Yaya niya.

Then 2 days na namang hindi nagpakita si Haley. Naka off pa phone ang niya. Nung second day na wala siya kinabahan na'ko.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala siya dun. Nagpunta ako sa condo niya wala rin siya. Nag antay hanggang madaling araw walang dumating. Di ako nakatulog ng maayos nung gabi na yun.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon