Chapter 14: Talk$hit

315K 2.5K 101
                                    

HALEY'S POV

I thought I will never cry again. Di mawala sa isip ko ang  eksenang nakita ko sa cafe kanina. Si Vince at ang flirt na yun. Magkalapit ang mga mukha nila. Habang yung flirt na yun sinusubuan pa si Vince. At nakangiti siya rito. Mukhang masaya naman siya.

I saw how the flirt kissed him. And he kissed back. Parang sila lang ang tao sa mundo. Pakiramdam ko umikot ang paningin ko. Parang wala lang sa kanya ang break up namin. Ako lang pala ang nasasaktan.

Habang tumatagal lalong nadadagdagan yung sakit. Gusto ko silang sugurin. Pero nanlalambot ako. Noong una akala ko si Vince lang ang hindi ko kayang harapin. Ngayon, mas hindi ko yata kayang makita silang magkasama. Na masaya sila.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa cafe nung time na yun. Inabot na lang ni Jessica saken yung mga gamit ko pagdating sa classroom. As usual hindi siya nangulit. Hinayaan lang niya ako.

I noticed hindi pumasok si Vanessa sa lahat ng subjects. Mabuti na lang at baka hindi ko na alam ang gagawin ko. I became paranoid again pag nag uusap ang mga classmates namin. I’m sure ako na naman ang topic. Imposibleng hindi nakarating sa kanila ang nangyari kanina.

Lumipas ang maghapon nang wala ako sa sarili ko. Hanggang kailan ako magiging ganito? Nanlalabo ang paningin ko dahil sa sunod sunod na patak ng aking mga luha. Umusad na sa wakas ang sasakyan na nasa harap ko.

May iba pa pala akong kailngang harapin. Napatingin ako sa relo ko. Past 6pm na. Medyo matraffic. Uuwi ako sa bahay. After almost 6 months magkikita ulit kami ni mommy.

Matagal din siyang nawala. What's the difference? Lagi naman siyang wala sa bahay kahit andito pa siya. Pero pabor na rin saken yun. Samen ni kuya.

Minsan kasi feeling ko masyado siyang in-control sa buhay namin. Kaya natuwa ako when I received my 18th birthday gift. The condo.

Buti na lang pumayag ito na dun ako tumuloy since malapit sa school. Of course may mga limitations. Masunurin naman ako kahit papano.

Wala naman akong nakikitang mali sa mga gusto niyang mangyari.  Yung iba pabor saken. At lahat ng kailangan ko binibigay naman niya so far. Wala pang instance na sumuway ako sa kanya ng bonggang bongga.

The last time we argued was before I enrolled in college. She wanted me to take up business course. And I strongly objected.

For some reason, ewan ko kung ba't napapayag ko din siya in the end. After nun mga petty quarrels na lng. Mga katigasan ng ulo ko ang dahilan.

Di ko namalayan ang oras. Nasa harap nap ala ako ng gate ng bahay. Bumungad saken ang isang C class na saloon sa driveway pagpasok ng kotse ko sa gate.

Andito na siya. Himinga ako ng malalim. Nag ayos ako. Baka mapansin niya na galing ako sa pag iyak.

Pagpasok ko sa sala nakita ko siya na nakaupo at nanood ng news. Di mo akalaing nasa fifties na ito. Parang nasa early forties lang siya. Minsan nga napagkakamalaan siyang nasa early thirtees ng mga kaibigan ng mga business partners niya sa Spain.

She's stunning. Fair skin. Matangos ang ilong. Bob cut ang hairstyle ng auburn nitong buhok. Bagets. Hindi nagkakalayo ang hairstyle namin ngayon.

Sabi ng iba hawig daw kami. Pero mas kamukha ko si dad. Napalingon siya. She smiled. I missed that smile. Wam and motherly. Yung bonding namin nakaka miss din.

That was before. Pero when I started college everything changed. She mostly talks about our business. She no longer asks what I wanted to do and what I want. Or how am I doing in school, those kind of stuff.

"Hi sweety!" bati niya saken nakalahad ang mga kamay niya.

"Hi mom!" I embraced her.

She kissed me. " I miss my baby!" sabi nito.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon