Chapter 6

2.2K 66 8
                                    

"The biggest coward is
a man who awakens a
woman's love with no
intentions of loving her"
-Bob Marley

Kyle's POV

Oo alam ko na o-overwhelm kayo kayo POV ko to, pero wag kayo ganyan! baka naman mahimatay kayo eh,problema ko pang alagaan kayo! Masakit parin ulo ko mula kagabi, napasobra yata ako sa alak eh. Kahit si Cyrus uminom pero di siya nag pahalatang lasing na siya kaya ayun nang inumin niya yun  pang 27th shot niya ng brandy, ayon bagsak ang loko, si Piolo naman? ha! ano pa inaasahan niyo sa isang yon? kapangyarihan niya makapag patulog ng kahit na ano pati narin sarili niya, kahit hindi naman siya lasing ang sarap ng tulog sa upuan, mabuti nalang konti nalang mga bisita ng kami na nag kalat.

Si Abiegail napansin kong seryoso siya kagabi, hindi siya lasing pero uminom siya isang bagay na hindi niya ginagawa kasi nakakahiya siya pag nalalasing, napansin ko din na buong gabi wala si Nichole, nakita ko siya bago lumabas si Rachelle pero bigla siyang nawala matapos yun. Si Renze naman? hay naku, wag niyo na tanungin, ano pa inaasahan niyo dyan! eh mas malandi pa kay Nicole sa 'The legal wife' yun eh!  Napabangon ako sa kama ko at napasapo ako sa ulo ko kasi nga masakit! grrr! Narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya ayun binuksan ko agad kahit bagong gising pa ako, talk about morning breath!

Bumungad saakin ang isa sa mga maids na nakayuko ng makita ayos ko, napatingin din ako sa suot, oo nga pala na boxers lang ako! hahahah di ko napansin! Pero kahit alam ko na yun di parin ako umalis sa may pinto at tiningnan yung maid.

"May kaylangan ka?" tanong ko agad sakaniya pero nakayuko parin ito.

"P-pinapatawag po kayong lahat ng mahal na h-hari" nauutal niyang sabi at tumango ako, umalis siya agad sa harapan ko na pulang pula,oh Ha! ganun ako kasexy wag kayo! baka mamaya mag laway din kayo pag ako nakita niyong ganito! Tumakbo agad ako sa shower at naligo, binilisan ko kasi nga diba pinapatawag kami ni sir Landon.

Nang matapos ako maligo, nag bihis ako agad ng Ripped jeans, V-neck na shirt at nag sapatos lang, di ko na inayos buhok ko at tumakbo sa opisina ni Sir Landon, nadatnan ko si Piolo na humihilik pa doon, si Abiegail na naka ayos na, si Renze na nakasimangot at si Rachelle na parang hindi nagising ng maaga kasi fresh na fresh ang hitsura niya. Teka nasan na yung masungit na leader namin?! Napalingon ako sa pinto dahil narinig kong may pumasok, nakita ko si sir Landon kasama si Cyrus na kakapasok lang, umupo ako agad sa tabi ni Rachelle kasi nag iba ang atmospere dito sa opisina. Nakatayo lang si Cyrus sa harap namin, nakakatakot hitsura niya pati yung pag titig niya parang gusto niya kaming patayin!

"Abiegail nasaan ang pinsan mo?" malamig na tanong ng hari sakaniya at napayuko siya, dahil nga nakakatakot sila.

"S-sumama po siya sa Alpha ng nga Lobo" pag kasabi niya nyan ay narinig namin ang pag balibag ng hari sa mga mahawakan niya, napakislot si Rachelle sa tabi ko at tila nagulat sa kinilos ng ama niya.

"Hinayaan mo siya?!!" sigaw ulit ni Sir Landon, di sumagot si Abiegail at nakayuko parin.

"Kusa po siyang sumama, at sabi rin po siya na babalik siya"sabi ni Piolo na nakatitig lang sa Hari namin.

"Papaano kung gamitin nila si Nichole laban satin?" tanong ulit ni sir Landon at tumayo si Piolo.

"Sa palagay ko po hindi sasaktan ng Alpha  ang kaniyang soulmate dahil mararamdaman niya din ang sakit nun" sabi niya at umupo ulit, para siyang nag recite sa tanong ng isang teacher, nababaliw na yata ako.

"Lahat kayo! Kapah kinausap kayo ni Nichole sabihin agad sakin!" sigaw niya ulit at umalis agad sa sariling opisina, ok! Hindi pa yata nakaka move on si Mahal na hari!

"Ganoon ba talaga si daddy?" Mahinang tanong ni Rachelle sakin.

Nakakatakot naman siya, paano nalang kung ako ung pagagalitan niya? Sasakyan kaya niya ako?

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon