Epilogue

399 7 0
                                    

After a few weeks

Third Person's POV

Time had passed, the war zone has been restored to it's former glory, the kingdom recovered, the injured had been healed pero ang sugat nang pag kawala ng taong minamahal mo ay mas malalim pa sa kahit anong sugat.

Ang Seer na si Janelle ay ilang araw ng nanghihina, dahil sa biglaang pag gamit ng kaniyang kapangyarihan, pero ang sabi ng mga kasama niya sa coven ay babalik pa ang dati niyang lakas kaylangan niya lamang mag pahinga.

Si Rachelle at ang kaniyang bagong silang na anak ay malayo na sa kapahamakan, si Rebecca naman pag katapos ng gera ay bigla na lamang itong umalis ng walang paalam, hindi na ito sinundan pa ni  Renze dahil sa pakiramdam niya ay  wala itong halaga sa babaeng mahal niya.

Nichole's POV

"Yves, san ka pupunta?" Tanong ko ng makita ko ang bag na laman ay damit niya.

"May aayusin lang ako sa Snow Claw pack, ilang araw lang ako", malamig niyang  sagot, simula ng magising ako at malaman ang pag kawala ng anak namin  ay pakiramdam ko ako ang sinisisi niya, tama naman siya kasalanan ko talaga kung hindi ko siya pinilit na sumama ako sa gera ay malamang buhay pa ang anak namin, ang masakit pa dito kahit sila Hix malamig ang pakikitungo  sakin, lahat ng nasa pack ay ganun din, ang sakit para sakin. Tinalikuran nila akong lahat, umalis siya ng walang sinabi sakin ulit. Hindi ako labas sa kwarto ko upang kumain o kahit anong dahilan, parang wala na akong gana sa lahat. Kahit anong iyak ko ay walang may pakeilam, kahit na ilang beses ako humingi ng tawad kay Yves ay nag mumukha lamang akong tanga. Isa nalang ang paraan para matapos na ito, kinuha ko ang aking bag at nilagay lahat ng mga importanteng bagay  roon, hindi na ako nag dala ng damit dahil makakabili din ako sa pupuntahan ko. Pag ka labas ko ng bahay namin ay  nasalubong ko si Hix, parang hindi niya ako nakita, noon pag nasasalubong niya ako babatiin niya ako, hindi din ako pinansin ng mga kasama niya. Lakad takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa palasyo na tinirhan ko din noon. Nakita ko agad si Rachelle sa may gate na mukhang kagagaling sa pamamasyal. Di ako nag atubiling lumapit sakaniya.

"Nichole? Anong nangyari? Bat ganyang itsura mo?" Tanong niya at umiwas ako ng tingin, karga  niya ang sanggol na anak niya, may naramdaman akog kirot sa dibdib ko ng makita ko ang sanggol.

"S-si Cyrus? May kaylangan lang ako sakaniya" sabi ko ag iniwas ang tingin ko sakanilang mag ina.

"Bat mo ako hinahanap?" Narinig ko siyang nag salita, nilingon ko ito.

"May hihingin sana akong pabor sayo", sabi ko at nakakunot ang noo ng mag asawa.

"Ano yun Nichole? Alam mong hindi ka namin magagawang tanggihan", sabi niya at nag  papasalamat ako at hindi ako mahihirapan sa balak kong mangyari.

"Gusto kong mamalagi sa mundo ng mga tao, alam mo ang daan papunta doon diba? Kahit ito lang Cyrus, kahit ito lang ang gawin niyo para sakin", sabi ko at pinipigilan kong maiyak, di napigilan ni Rachelle ang umiyak dahil sa alam niya ang nangyayari saamin ni Yves, sinisisi nya ang sarili niya sa nangyari.

"Sigurado kana ba sa disisyon mo?"tanong niya at tumango nalang ako.

"Yung susi ng bahay ko nakasiksik sa paso sa tabi ng pinto, pwede kang mamalagi doon, sorry talaga Nichole" sabi niya at tumango ako.

Nag lakad kami ni Cyrus papunta sa portal, nag tataka ako, dapat hindi niya ito maalala diba?

"Bumalik na ang alaala mo?" Tanong ko at ngumiti siya.

"Nang mapatay ni Janelle ang halimaw na iyon ay biglang bumalik lahat", sabi niya at tumango ako.

"Di mo pa ba nasasabi kay Rachelle?" tanong ko, umiling siya.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon