Chapter 25: Forest of the Lost Souls

633 22 0
                                    

Rachelle's POV

hindi namin alintana ang lakas ng ulan,habang nag lalakbay kami sa gubat na papuntang Ghoul Forest.

"nangingitim ang bawat patak ng ulan, hindi maganda to" sabi ni Rebecca habang naka tingala sa langit.

"paanong hindi maganda?lasang ulan pa naman to ah" sabi ni Renze,

"baka nakakalason" nang sabihin ni Rebecca yun, namutla si Renze.

"WAAAAH!!!!" sigaw na at sinundok ang lalamunan nya para isuka ang tinikmang ulan.

"bilisan nalang natin" sabi ni Nichole

"so ganun nalang! wala kayong pakeilam kung mamamatay ako!" sigaw ni Renze na nangingiyak ngiyak.

pero walang pumansin sakanya.

"parang may mali" narinig kong bulong ni Rebecca habang tinitingnan nya ang paligid.

pakiramdam ko ay may nagmamasid sa mga galaw namin, tumataas ang balahibo sa batok ko.

"becca nasaan na tayo?" tanong ni Nichole at medyo nangilabot ako dahil napaka seryoso ng mukha ni Rebecca

"Forest of the Lost Souls" nang banggitin nya iyon nakarinig ako bigla ng hagikgik ng isang bata na sa aking palagay ay isang babae.

"wag na wag kayong makikipag usap sa kahit naanong makita niyo" bilin ni Rebecca, napalingon naman ako kay Nichole na medyo namumutla dahil takot ito sa mga ganito.

parang may nakakalimutan kami.

"si RENZE!"sigaw ko at agad kaming nataranta.

"teka siya yun diba?" turo ni Nichole sa may bandang malaking puno.

"sa lahat ng pweding kausapin niya siya pa!" naiinis na usal ni Rebecca, may nilabas agad siyang isang hand book at binuklat ito, hindi siya tumigil hanggat di pa siya napunta sa medyo dulo ng libro.

"bakit Rebecca anong nangyayari?" tanong ko pero parang hindi niya ako narinig.

Renze's POV

hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Rebecca dahil may nakita akong isang magandang babae.

ohhg shit may chics!

naka tayo siya sa tabi ng isang malaking puno, kung tingin nya ay parang nang aakit, grabe parang may glow sa boung katawan nya at parang may sariling isip ang nga paa ko kasi nag lalakad na ako papunta sakanya at hindi ko rin mapigilan ang ngitian nya.

parang bale wala na sakin ang lahat ng mga nasa paligid basta ang mahalaga sakin ay malapitan sya at mayakap.
narinig ko ang mga boses ng mga kasama ko pero hindi ito pumapasok sa utak ko, parang wala akong maintindihan sa nangyayari, hanggang sa sumigaw nalang si Rebecca

"Renze! DAPA!!!" sigaw nya at bigla nalang akong nataranta sa pag dapa at napasubsub sa putik.

"aaah! pakeilemera!" sigaw nung babaeng nakatayo sa tabi ng malaking puno ng may itim na bagay ang sumugod sakanya.

"halika na Renze si Zero na bahala sakanya" sabi ni Rebecca at hinila ako paalis sa kinalalagyan ko, nilingon ko yung babae, nag iba na anyo nya, yung mahaba nyang makintab na itim na buhok ay naging parang mga galamay at yung mga mata nya ay lumaki at halos lumabas na sa eye socket nya yung mga kamay at braso naman nya humaba at naging matalim ang mga kuko.

Nang ibalik ko tingin ko sa mga kasama ko lahat sila tumatakbo, parang may kung anong bagay na ayaw mag patigil samin sa pag takbo, dahil siguro sa kagustuhang makalayo na sa lugar na ito. Habang hawak hawak pa ako ni Rebecca sa kamay at hinihila napaisip ako sa mga nang yari saming dalawa noon, she's gentle yet passionate, madalang syang magalit pero pag nasa delikado na kaming kalagayan nagiging seryoso sya at nakakatakot. Narinig ko nalang bigla ang pag tigil ni Rachelle at napasinghap sya ng malakas parang de ja vu lang dahil bigla nyang napaluhod at napa tingala, nag iba din kulay ng mata niya,naging Gold ito.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon