Chapter 13

2.1K 59 7
                                    

"A true friend is someone
who has your back when
things are going wrong
ing your life"
-Idle Hearts

Rachelle's POV

Ni idlip hindi ako makaidlip kagabi, ang damig tumatakbo sa isip ko, naguguluhan ako, isa na dun ang mama ko. Bakit hindi siya nag pakita sakin? Tapos si Cyrus, hindi ko maintindihan nararamdaman ko para sakaniya, ang mga pinapakita niya sakin, mga pinaparamdam niya sakin. Gusto ko mag assume na parehas kami ng nararamdaman pero alam kong hindi ako kayang mahalin ni Cyrus, may mahal na siyang iba at hindi ako iyon.

The wedding, bukas na yon, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, nag aalala ako para sa mga tao sa paligid ko, nitong mga nakaraan pag nagagalit ako or kahit anong matinding emotion ay hindi ko nakokontrol ang kapanyarihang lumalabas sa katawan ko, that surge of energy. Baka makasakit ako sa susunod.

Bigla kong naisip na lumabas muna ng kwarto kaya nag bihis ako ng sundress na may built-in bra, may manipis na strap ang dress tas may pa ekis ito sa likod which shows a full view of my back. It reaches above my knee kaya nag sandals nalang ako na may skin color kaya ng dress ko na may pag ka parehas sa kulay ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa garden, nakita kong nag uusap si Piolo, Kyle, Renze at Cyrus, nag tatawanan ang mga ito at biglang hinampas ni Renze sa ulo si Kyle na para bang mag sinabing kalokohan. Cyrus can be cold, intimidating and sometimes a jerk pero kahit ganun alam niya paring tumawa, mang trip at makipag lokohan. I started to walk away from them para hindi ko sila maistorbo, umupo ako sa sementadong bench at pinag masdan ko ang pag agos ng tubig mula sa fountain, bigla kong naalala si Nichole, makakapunta kaya siya bukas? Papayagan kaya siya ni Yves? Ang tawag ng lahat dito kay Yves 'Alpha King', tae niya Yves lang siya sakin at pag di niya pinapunta si Nichole bukas magiging bulldog siya sakin.

Napabuntong hininga nalang tuloy ako, bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko, nilingon ko kaagad ito. Napakunot tuloy noo ko, tinitingnan ko siya nang mabuti, parang napaka pamilyar niya saakin. Tiningnan niya din ako.

"Mag kakaibigan kaming lahat dati pero dahil hindi sila naka pasa sa training pati pag kakaibigan namin tinalikuran nila", narinig ko bigla boses ni Renze sa isip ko.

Tama! Ito yung sinasabi niyang isa sa mga kaibigan nila dati na iniwan sila dahil lang sila hindi sila nakapasa sa training.

"Hi, bat ka mag isa dito?" Tanong niya agad, pinipigilan ko kilay kong tumaas badtrip to ah! Tumayo nalang ako at umalis pero bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Sungit mo naman", sabi niya na nakangisi, sarap niyang bigyan ng upper cut.

"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Sigaw ko at natawa nalang siya pero hindi niya parin ako binibitawan.

"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo eh, tapos ang suplada mo", sabi niya, as if naman kaylangan ko siyang pakisamahan eh may bad record na siya para sakin.

"A-aray!" Napasigaw ako ng mas higpitan niya ang pag kakahawak niya sa braso ko feeling ko tuloy papasa na yun dahil sa pale complexion ko mahahalata agad ang mga pasa. Tumatawa siya, bigla akong nakaramdam na may gustong lumabas sa loob ng katawan ko, parang gusto niyang patayin itong lalakeng nananakit saakin. Bigla akong natakot, natakot na baka makasakit ako, or may madamay nanaman. Sinubukan kong hilain braso ko, pero mas hinigpitan niya tapos mag kabilang braso ko na ang hawak niya, sinusubukan niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko, sinubukan ko ding mang laban, sipain siya, suntukin siya pero mas malakas siya dahil lalake siya, may laban naman ako kung gagamitin ko kapangyarihan ko pero pag ginawa ko yun, baka mapatay ko siya at wala nanaman ako maalala sa mga nagawa ko.

"Hoy! Gago ka ah!" Sigaw ng pamilyaw na boses, biglang nangisay ang lalake sa harap ko at lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"N-nichole!" Sigaw ko at napa takbo ako papunta sakaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit, dahil sa takot at saya. Takot sa lalakeng kanina ako sinasaktan ako at saya na nandito ang isa sa mga kaibigan ko.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon