Chapter 30: War Preparations

490 15 0
                                    

Janelle's POV

Ang daming malalaking truck na dumating kanina lang at gusto ko sanang tanungin si Paul kung ano ang mga iyon pero kahit anong libot ko sa lugar na ito di ko parin siya mahanap.

Nag tanong narin ako sa mga katulong at mga nadadaanan kong mga bampira pero tinitingnan lang nila ako na parang pagkain kaya napapa iling nalamang ako, hindi pa ako opisyal na pinakikilala ni Paul sa Kaharian ng bampira kaya iilan lamang ang nakakakilala sakin.

"Sebastian!" napasigaw ako ng makita ko ang Butler ni Paul na may inuutos sa isa pang lalake, agad niya akong nilingon at ngumiti bago yumuko, lumapit agad ako rito .

"Nakita mo ba si Paul? pag gising ko di ko na siya mahanap" sabi ko at parang nag isip pa siya.

"Tinignan niyo na po ba sa Library Ms. Leonor?" tanong niya ag umiling ako, come to think of it, baka nga nandon lang siya.

"titingnan ko nalang, salamat Sebastian!" sabi ko at tinahak na ang daan papunta sa Silid aklatan ng kmga bampira, sa bawat bampirang nadadaanan ko ay napapalingon sakin at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Pag dating ko sa harap ng double door na nasisiguro kong makapal dahil narin sa bigat ng itulak ko, pag pasok ko ay tahimik lamang, tiningnan ko ang paligid pero wala akong nakitang Paul lalabas na sana ako ng may marinig akong nahulog kaya sinundan ko ito, mukhang galing ito sa second floor na hindi ko agad napansin.

Doon ko siya nakita, ang sarap ng tulog niya sa isang mahabang sofa at mukhang nakatulugan na niya ang pag babasa, mukhang pagod na pagod siya.
Umupo ako sa sahig at pinagmasdan siya at hindi ko napigilang haplusin ang mukha niya.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinablot ang kamay ko at muntik na akong mapasigaw ng pumula ang mga mata niya.

"paul! wag ka manakot" saway ko sakaniya dahil alam niyang natatakot ako pag pula na ang mga mata nito at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"What are you doing here?" tanong niya ng umupo siya kaya naka tingala na ako sakaniya.

"kanina pa kita hinahanap hindi ka lang nag paalam" sabi ko at tumingin lang siya sakin.

"May ginawa lang ako dito" sabi niya at tumayo, tumayo narin ako at sinundan siya, parang wala lang ako sakaniya sa inaasta niya kaya naguguluhan ako.

"Paul? may problema ba?" tanong ko at tumigil agad ito sa pag lalakad at tumingin sakin, nakatitig lang siya sa mga mata ko.

"i was thinking about it" sabi nito kaya kumunot noo ko, anong iniisip niya na sinasabi niya.

"when the time comes, just leave, mas gugustuhin ko pang mamatay na alam kong your out there somewhere alive and happy instead of living and knowing i will never see you again" natulala ako sa mga sinambit niya sakin, naestatwa nalang ako dahil pakiramdam ko nag papaalam na siya sakin kaya hindi napigilan ang tuloy tuloy na pag tulo ng luha ko, tumalikod siya sakin at nag simulang mag lakad ulit.

"ang daya mo" yung lang ang lumabas sa bibig ko at nangatog ang mga tuhod ko.

"p-paano ka nakaka sigurong kaya kong mamuhay ng masaya pag wala ka? sa tingin mo madali lang yun? hindi mo ba naisip na mas gugustuhin ko nalang din mawala pag nawala kana? it would be torture kung pipilitin mo akong mabuhay kahit wala kana, napaka makasarili mo" sabi ko at tumalikod sakaniya. Tears are clouding my eyes kaya hindi ko masyadong nakikita dinadaanan ko pero balewala lang ito sakin dahil sa sakit na nararamdaman ko at bigla nalang akong nabungo sa isang pader pero ng tingnan ko ito hindi ito pader kundi si Paul.

"im sorry" sabi niya at hinila ako at kinulong sa bisig niya patuloy parin ako sa pag iyak ng walang tigil.

"im sorry please stop crying" sabi niya ulit pero tumahimik lang ako pero tuloy tuloy lang ang pag tulo ng luha ko.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon