Chapter 5

2.5K 77 8
                                    

"A father's job isn't
to teach his daughter
how to be a lady, it's
to teach her how a
lady should be treated"
-Unknown


Nichole's POV

Hindi nakatulog buong Gabi si Nichole dahil ang laman, lamang ng kaniyang utak ay ang lalakeng sinasabing siya ay ang kaniyang soulmate, hindi niya lubos akalain na ang nilalang na kinamumuhian niya ay magiging kahati ng kaniyang kaluluwa.

Napabangon siya ng makita ang oras, ngayon gaganapin ang welcome Ball para sa Anak ng hari kaya kaylangan niyang mag handa, at ibigay kay Rachelle ang kaniyang isusuot at iba pang kaylangan kaya kinuha niya na ang mga ito at tinahak ang papunta sa silid ni Rachelle, kakatok na sana siya ngunit naiwang nakabukas ni Rachelle ang pinto ng kanyang silid at nang sinilip siya ay wala siya doon, kaya iniwan niya nalang ang mga ito at nag iwan ng note.

Habang nag lalakad siya pabalik sa kaniyang kwarto naalala niya ang sinabi ng lobo kagabi, na babalik siya upang kunin siya, may parte niyang gusto niyang sumama pero kinamumuhian niya parin ang mga lobo dahil galit siya sa mga ito.

Pero hindi niya maitatanggi sa sarili ang atraksyon na nararamdaman niya para dito, dahil sa laki ng katawan nito at ang magandang mukhang taglay niya na para bang gusto niyang mag laway. Agad niyang iwinaksi ang kanyang pag papantasya at bumalik sa kaniyang kwarto, dumeretso siya sa kaniyang balkonahe upang makasagap ng sariwang hangin ngunit napangiti siya sa kaniyang pinapanood.

Si Rachelle ay may kasamang lalake at sa wari niya'y isa ito sa nga bisitang kanina lamang dumating, tumigil sila sa pag lalakad at napataas ang kaniyang kilay nang halikan ng lalake ang ibabaw ng kamay ni Rachelle, mukhang nagulat si Rachelle dahil agad niyang binawi ang kaniyang kamay, para bang may sinabi ang lalake dahil tumawa ito at nag tatakang nakatingin sakaniya si Rachelle.

Iiwan niya na sana ang balkonahe para itigil ang panonood niya sakanila pero mukhang mas naging maganda ang palabas. Biglang dumating si Cyrus at kinuwelyuhan ang lalake nangahas na halikan sa kamay si Rachelle, tila namutla ang lalake at ng bitawan siya ni Cyrus ay kumaripas ito ng takbo.

Nagulat naman si Nichole ng biglang sinigawan ni Rachelle si Cyrus, isang bagay na wala pang nakakagawa, kaya napailing na lamang siya at nag simula ng seremonyas upang ayusan ang kaniyang sarili.

Rachelle's POV

Nag tataka ako kung bakit mukhang abala lahat ng tao ngayon, ang mga maids ay may iba't ibang pinag kakaabalahan, nang may dumaan sa harap kong babae ay hinablot ko ang braso niya agad siyang napatingin sakin at nagulat ito.

"Mahal na prinsesa" bati niya sakin at yumuko ito, agad akong umiling

"Wag mo akong tawaging prinsesa"sabi ko at ngumiti lang ito saakin.

"Ano palang nangyayari at parang may okasyon?" tanong ko at parang nag taka ang babae.

"May gaganapin pong sayawan mamaya upang ipag pugay ang inyong pag babalik" sabi niya at napatanga ako.

Pugay? uso pala yun dito, nasan ba talaga ako?Nag pasalamat na ako sa babae at lumabas ako sa garden na kitang kita ko sa balkonahe ng kwarto ko, uupo sana ako sa bench na naroon pero may nakaupong lalake na naka Blue Armani Suit.

Babalik na sana ako sa loob pero narinig ko ang boses niya.

"If I would dare guess, You'd be the royal princess"sabi nang lalake na ngayon ay nakatayo sa harap ko.

"I wouldn't call myselg that", yun lang nasabi ko sa pag kabigla, ano bang meron ngayon at ang daming pasulpot sulpot sa harap ko.

"Ako pala si Hans Salazar, inimbitahan ako ng iyong ama" sabi niya at nginitian ko lamang siya, magandang lalake si Hans hindi ko itatangi yun pero hindi siya ang tipong lalakeng gusto ko. Tiningnan ko siya at halata sakaniya na isa itong babaero, isa sa mga ayaw ko sa lalake, at masyado siyang pormal, so uptight para bang napaka strikto nito, matangkad siya pero hindi parin yun ang nakaka turn on para sakin. Ano nga bang nakaka turn on para sakin? siguro yung lalakeng misteryoso, yung kakabahan ka pag mag kasama kayo, masungit at walang emosyon pero pag dating sakin proprotektahan ako kahit anong mangyari. Parang si Cyrus? Kung yun ba talaga pangalan nya, narinig kong may nag sabi ng pangalan nya pero di ako sigurado.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon