Chapter 1

4.8K 112 6
                                    

"When you hate you feel Miserable,
When you love you feel wonderful.
It's your choice"

"I'm sorry Miss Arce, your parents passed away, their car was smashed against a Truck and unfortunately they didn't survive" Nang marinig niya ang sinabi ng mga pulis ay wala siyang maipakitang reaksyon, she is only 15 years old, too young to be alone pero wala naman siyang ibang kamag anak para alagaan siya, nang humingi ang mga pulis ng statement ay nanahimik lamang siya, napaisip siya, na magiging malaya at masaya na siya dahil wala na ang magulang na ginawang miserable ang buhay niya pero may parte parin niya ang nag luluksa dahil kahit papaano ay binigay ng mga ito ang mga pangangailangan niya.

Masaya siyang mag isa, araw araw ay gumigising siyang walang takot sa mga pweding mangyari, wala din naman siyang mga kaibigan dahil outcast lamang siya sa kanilang paaralan kaya taong bahay siya, hindi niya na nga namalayan na kaarawan niya na pala, pero ang kinabigla niyang talaga ay ang nga pag babago sakaniya. Malinaw ang p paningin kahit na napaka dilim ng kanyang paligid, pero napaisip lamang siya nabaka normal lamang ito, pero sunod sunod na ang mga nangyayaring pag babago, biglang tumalas ang pang amoy nito, napaka sensitive ng kanyang pang amoy, kahit na hindi mabaho ay masakit na para sa kaniyang ilong kahit ang kanyang pandinig, na kapag nasa klase siya ay kahit bulong ng nasa kabilang silid ay parang nag sisigawan na para sakaniya. Sensitive din siya sa kaniyang paligid, na para bang alam niyang may kasama siya o hindi at dahil doon napapansin niyang may isang lalake na laging nag mamasid sakaniya, nasabi niyang lalake ito ay dahil sa kaniyang pigura at amoy, nakakapang akit ang amoy nito pero hindi na inisip ni Rachelle iyon dahil kahit na mabango at gwapo kung serial killer naman ay wag nalang.

Kada gabi ay alam niyang may isang pares ng gintong mga mata ang nag mamasid sa kaniyang pag tulog, gusto niyang malaman kung sino ang lalakeng ito at kung anong pakay nito sakaniya. Nang papalapit na ang Pasukan, ay pumasok muna siya sa kanilang paaralan dahil mag papa enroll siya at gusto niya malaman ang kaniyang subjects at dahil required sa kanilang school na dapat naka uniporme at napalitan siya pero hind niya inaasahang may nangyari sakaniya sa gitna nang pag lalakad pauwi,Ginabi siya dahil may mga hindi pa pala siya natapos na pinapagawang mga guro niya, hindi niya ito inaasahan dahil ang nasa kaniyang isip ay makauwi na agad dahil ramdam niyang nasa paligid lamang ang lalakeng sumusunod sakaniya. Pero dahil trip siya ng tadhana ay naudlot ang kaniyang pag uwi dahil sa isang pangitain na di niya inakalang makikita niya, nakita niyang may mga kasama siyang mga tao, at least yun ang ang kanyang palagay, parang nag kakasiyahan sila at may lalakeng nasa kaniyang tabi na parang walang pakeilam sa mundo dahil sa masungit nitong mukha, napaka gwapo nito at hindi nakakasawang titigan, pero nang sinubukan niyang haplusin ang mukha ng lalakeng nasa tabi niya ay nag laho siya, hindi lang siya pati narin ang mga nasa paligid niya.

May narinig siyang pag tawa ng isang babae kaya kinabahan siya dahil nakakakilabot ito, nang sinubukan niyang tumakbo ay parang hindi siya makaalis sa kaniyang kinakatayuan.

Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay parang nananalamin siya pero hindi siya ang nasa harapan niya, ibang tao ito at hindi niya nasisiguro kung anong masamang maidudulot nito.

Bigla nalang siyang napabalikwas sa kaniyang kama, hingal na hingal siya at pawis na pawis, napatingin sa sa kaniyang paligid, ito ang kaniyang silid.

"It was just a dream", bulong niya sa kaniyang sarili pero naalala niyang papauwi palang siya kagabi at hindi niya maalalang nakauwi siya at natulog sa kaniyang silid. Papaano siya nakapunta rito? sino nag dala sakaniya sa kaniyang silid, and malala pa doon ay sino nag palit ng kaniyang damit!!! Napatayo siya mula sa kaniyang kama at tumakbo papunta sa bintana nag babasakaling makita kung nandoon pa ang maaaring nag dala sakaniya dito pero wala siyang nakita, ang nakita niya lamay ay dalawang batang nag hahabulan at nadapa ang isa dito, natulala siya dahil sa madaming dugong umaagos sa tuhod ng batang umiiyak, napalunok siya habang titig na titig sa dugong mula sa tuhod ng bata. Sinara niya bigla ang kurtina ng bintana at napasinghap, ano bang nangyayari sakaniya? bakit parang gusto niyang matikman ang dugong iyon at hindi siya nandidiri.

The long lost Dhampir Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon