Previous Page of 3Next Page

My Gangster Husband. (ON-HOLD)

Dedicated to
CristineReyes
spinner.gif

 

Hello lovelies! An update! Summer is finally here! I'm not sure tho if I can update regularly. I will take some classes this summer and I will be a little busy.

 

 

------------------

 

 

HANNAH'S POV

 

 

Three days have passed at wala pa ring Dylan na umuuwi sa bahay. I want to call him kasi nag-aalala rin ako kahit papaano pero hindi ko alam yung number niya. Pwede ko namang tanungin yun kay Dara but still, nakakahiya. Asarin pa ako nun.

 

 

Baka naman hindi alam ni Dylan na may bahay na kami? Pero it's impossible since siya pa nga nagsabi kay Dara na mag-sleepover muna dito at samahan ako nung isang araw.

 

 

Teka lang. Nakakainis naman kasi!

 

 

I mean, okay. Hindi ba pwedeng sabihin niya sakin kung nasaan siya? I'm worried!

 

 

Ewan ko sa kanya. Hmp. Bahala na siya sa buhay niya! >_<

 

 

Naglakad na lang ako papuntang school. May car naman ako kaso hindi ako marunong magdrive.

 

 

Yes, nalaman ko na nakuha na ni Dylan yung mga pinamana samin. At ang mga papeles ay nasa kanya. Hindi niya naman itinago sakin yun pero kasi diba? Uso kaya yung kausapin man lang ako tungkol dun.

 

 

Pero mas okay na siguro yun. Sa school, wala namang nakakaalam na kasal na kami. Ayoko maging trending topic. Huhuhu.

 

 

I was walking while thinking kaya siguro hindi ko napansin na may sumusunod na sakin.

 

 

In my peripheral vision, the one who's been following me is wearing all-black.

 

 

What the. A gangster?

 

 

Binilisan ko ang paglakad ko. Baka kasi nagkataon lang talaga na nakasunod siya sakin.

 

 

Pero parang may mali? Nakaramdam na ako ng takot.

 

 

Nagmadali akong maglakad. At napansin ko na sinusundan pa rin ako nung lalaking yun at binibilisan niya rin ang lakad niya.

 

 

Humarap ako sa kanya at binato yung book bag ko.

 

 

"Who are you?! Why are you following me?!" pinagpapalo ko siya causing him to fall on the ground.

 

 

"Shit! Ow." nakacross-arms lang ako habang nakatingin sa kanya. Sino ba to?!

 

 

Inangat niya yung tingin niya sakin and he smiled.

 

 

"Hindi ka pa rin nagbabago. Nana."

 

 

"Mac?!"

 

 

Si Mac Alexander Salvador. Childhood friend ko na hindi ko nakita for almost 5 years. Ay nasa harapan ko?

 

 

Ngumiti lang siya sakin, at tumawa ng mahina. "Gulat na gulat ka ata?

 

 

"Mac!" napaupo ako para yakapin siya ng mahigpit. "Namiss kita Mac! Bakit di ka nagpakita sakin?"

 

 

"Kahit kelan, para ka pa ring bata Nana." he chuckled.

 

 

"Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin ha? Alam ko na bumalik ka na sa Pinas last year pero bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? At nanggulat ka pa! Akala ko tuloy sinusundan mo ko!"

 

 

"Technically. Sinundan talaga kita. I'm just waiting for your reaction. Sakit ng pagkabato mo sakin ng book bag mo." tumawa ako nun. "Nana, tumayo kaya tayo?"

 

 

"Haha! Okay!" tumayo na ako nun at hinila siya papatayo. Nagpagpag ako ng uniform ko.

 

 

"So Mac, paano mo ko nakilala? Eh nag-iba na kaya itsura ko!" ^o^

 

 

Ginulo niya lang ang buhok ko. "Ikaw pa rin naman yung uhuging bata na laging umiiyak dati. Atsaka, nag-iba? Hindi ah. Pero mas gumanda ka." kinurot niya yung pisngi ko. "Ang cute mo ah!"

 

 

"Baliw! Pero teka, saan ka nakatira? Si Tita Lia? At nag-aaral ka ba?"

 

 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (402)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 9. [2 Gangsters?!]

Cast

Lee Min Hoas Dylan Dela Cruz
Park Min Youngas Hannah Lee

Who's Reading

Recommended