Charm 47 ❀ Fairytale

56.1K 1.2K 92
                                    

***

Ayisha Ryleen's POV

Matapos kong marinig ang mga katagang iyon ay nilamon ako ng liwanag napunta na naman ako sa madilim na lugar, para akong nakalutang habang nakahiga doon. Subalit imbis na maging magaan ang pakiramdam ko kabaligtaran ang nangyari, para kasing andami kong dinadala sa kalooban ko.

"Alam ba ng gods and goddess na dark sorcerer ako? Bakit pinili pa nila ako bilang elemental guardian kung  alam nila?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. Oo nga't maraming nasagot na kasagutan sa pagkatao ko, nalaman ko na din ang katotohanan, pero may pumalit naman na mga tanong.

"Bakit wala akong tattoo?" Isa pang katanungan ang lumitaw ulit sa utak ko. Kung dark sorcerer man ako, bakit wala man lamang patunay na isa nga ako sa kanila?

"Ang ina ko, si mama Shaysil? Nasaan na siya? Anong nangyari sa kaniya matapos noon?" Iyan ang isa pang gusto kong malaman. Ang tunay kong ina gusto ko din naman siyang makasama at makita, kaya't tahimik kong hinihiling na sana nasa maayos na kalagayan siya.

Habang paulit ulit kong naiisip iyong mga tanong, unti unti din na bumabagsak ang mga mata ko, dahil sa bigat ng pakiramdam na nararamdaman ko. Noong tuluyang pumikit ang mga mata ko, naramdaman ko ang pagoatak ng isang luha mula dito. Tsaka ako tuluyang nilamon ng antok.

***

"Ryleen, Ryleen... Please comeback to me." Hindi ko alam pero noong marinig ko ang boses na iyon, para akong ginising sa antok na kanina ko pa nararamdaman. Marahan kong iminulat ang mga mata ko, subalit dilim lamang ang pawang nakikita ko.

"Mahirap palang mawala ka sa tabi ko, pakiramdam ko ano mang oras mawawalan nanaman ako ng kontrol sa sarili ko." Tila musika sa pandinig ko ang boses niya, napaka-amo at nakakagaan ng pakiramdam.

"Ang dilim ulit ng mundo ko ngayon, hindi ba pwedeng paliwanagin mo ulit?" Nag-susumamong hiling niya. Patuloy lamang ang pag-echo ng mga katagang binitawan niya, at dahil sa mga salitang iyon nagkaroon ako ng lakas ng loob na maka-alis sa lugar na ito.

Tumindig ako kahit hirap na hirap ako maka-aninag sa dilim. Ilang sandali lamang, may nakita akong liwanag para itong malaking star. Pilit ko siyang inabot, pero gumalaw ito na tila ba nagpapahabol, kaya't hinabol ko ito.

Hindi ko ito mahabol, kaya't tumigil ako. Pumikit na lamang ako at nagconcentrate. Pagkatapos binuksan ko ang mga mata ko. I released the power of earth nakita ko naging kulay green na parang vines siya, at nanatiling nakahaba papalayo sa akin.

I released the power of water. Nagform siya ng waves at humaba uli papalayo saakin. Kasunod kong pinakawalan ang kapangyarihan ng hangin. A white fluffy cloud appeared. Matapos iyon, I released the power of fire at nagform sya ng pa habang fire. Huli kong pinakawalan ang kapangyarihan ng ilaw. Nagform siya na parang sign ng thunder.

Sabay sabay ko silang pina-ikot, kung titingnan mo mula sa itaas parang bumuo ako ng araw. Nasa gitna ako, at mabilis na umiikot iyong mga powers na ginawa ko na parang sun rays. Unti-unti lumutang ako at sumabog ang ginawa ko, at saka iyon nag-resulta sa isang malaking liwanag.

Bakit pa ko pa hahabulin ang ilaw na iyon kanina, kung kaya ko namang gumawa? Napangiti na lamang ako ng palihim. Lumapit ako sa liwanag na iyon at hinigop ako noon at parang umikot ang paligid ko.

Medyo nahihilo ako dahil sa nangyari subalit napasigaw na lamang ako noong maramdaman ko na para akong nalaglag.

***

Louie Blake's POV

"Umiyak ba talaga siya?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na may pumatak na luha sa mata niya kanina, gayong wala namang buhay ang katawan niya.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now