Charm 16 ❀ More Complicated

90.1K 1.7K 104
                                    

It's getting more and more complicated.

***

Yzabella Fyzerille's POV

Halos mapanganga ako, noong ipakita ni Ayisha ang pag-kontrol sa limang pinaka mahalaga at makapangyarihang charm. It's awesome. Hindi ko akalain, na ganun katindi at kalakas ang charm ni Ayisha. It's just magical... Mapapatulala ka na lamang sa makikita mo. 

Bawat araw na lumilipas mas humahanga ako kay Ayisha, yes maybe you can see her weakness, iyong tipong walang tiwala sa sariling kakayahan, hindi kaya ipagtanggol ang sarili, masyadong nag-o-overthink, may pagka-iyakin. Despite those, alam kong mas malakas siya, she may seem soft and fragile, nonetheless I can feel that, it's just---she's growing. Iyong tipong, hinuhubog pa lamang siya, para maging isang masterpiece na hahangaan mo. Hindi ko alam, pero iyon ang nakikita ko sa kaniya, iyon ang nararamdaman ko sa bawat araw na nakakasama ko siya.

Nakaramdam ako ng matinding pwersa mula kay Ayisha, hindi ko alam ngunit naging alerto ako. Hanggang sa nagulat at halos tumigil ang oras ko noong matumba ang mga shield charmers, mabuti na lamang at mabilis ang naging response ko at nakagawa ako ng light shield na mag-proprotekta sa lahat. Napaluhod din ako, dahil sa lakas ng impact.

"Damn." I silently cussed, because of the strong force. Parang hinihigop at kinakain nito ang charm ko, nanghihina na lang din ako bigla kaya't parang bumagsak ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.

Nahihilo ko. Nanlalabo ang paningin ko, dahil sa lakas ng impact ng charm niya, pakiramdam ko ay ano mang oras mapapahiga na lamang ako sa sahig. Shit, bakit ganun kasi kalakas iyon? Matutumba na sana ako, ngunit may bigla na lamang akong naramdamang bisig na sumalo sa'kin. Kahit hindi ganun kalinaw ang pag-iisip ko dahil sa matinding panghihina, pinilit ko pa ring magsalita.

"K-Kyle?" Mahinang bangit ko sa pangalan ng lalaking sumalo sa'kim.

"Careful." Nakangiting paalala niya, ngumiti naman ako sa kanya, pero nanghihina talaga ang katawan ko. 

"Pa-pasensya n-na." Mahinang sagot ko sa kaniya. Napalingon ako ng marahan sa stage. At doon ko nakita si Ayisha na tila nanghihina at papikit na rin, marahil ay napasobra ang paggamit niya sa kapangyarihan niya. Agh, baka matumba si Ayisha.

Kitang kita ko kung paano siya nawalan ng malay at saluhin ng isang lalaki. Noong mamgyari iyon, natahimik ang lahat, at nakahinga naman ako ng maluwag. Nasalo ni Louie ang walang malay na katawan ni Ayisha at buhat buhat na niya ito ngayon.

Samantalang naramdaman ko na umangat ako sa ere. Napatitig ako kay Kyle noon na nagtataka, binuhat kasi niya ako. "H-huwag na Kyle." Nauutal na banggit ko,mngunit binigyan niya ako ng isang ngiti.

"You can't stand alone, alam kong nanghihina ka, just let me carry you." He replied plainly. Hindi ko alam pero, kita ko sa mata ni Kyle ang lungkot at tila parang selos. Napasunod ang tingin ko sa kung saan siya nakatingin. 

Lalo akong nanghina sa nakita ko. He's looking at Ayisha and Louie, while his eyes are like saying, 'I should have done that, I should have carried Ayisha, not him.' Hindi ko alam kung guni-guni lamang ba iyon o hindi, ngunit malakas ang epekto sa'kin noon, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. 

The way he looked at Ayisha, it's the way I looked at him.

Dahil sa iniisip ko lalo akong nakaramdam ng panghihina at nakaramdam din ako ng lungkot. Si Kyle... Bakit hindi niya ako nakikita?

I'm the one who's always there to make him smile, I'm the one who knows everything he likes or dislikes, I'm the one who stays and never leaves, I'm the one who understands him, I've been here all along yet he can't see me. I'm a fool because of him, yet he didn't even laid an eye on me. Why? Why is it always unfair?

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now