Charm 34 ❀ Training

71K 1.2K 65
                                    

***

Simula noong sabihin sa akin ni Louie na nagsisimula na siyang magka-gusto sa akin, nabagabag talaga ang isip ko. Humingi din ako ng payo kay Bella at Charlene, tungkol doon at imbis na tulungan ako, walang nangyari, mukang kilig na kilig lang sila. Aish. Ano ba nga bang aasahan ko.

Nilito talaga ni Louie ng bongga ang utak ko. Pero, kahit ganoon hindi nagbago ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hiniling kasi niya iyon sa akin. Para pa din kaming aso at pusa na ayaw doon ayaw dito, subalit nababawasan na iyon.

Ako naman, masaya ako kapag kinukulit ko siya, o kaya'y pinipikon niya ako. Sabi nga nina Bella, lambingan daw namin ang mag-away. Mabuti na lang talaga, hindi ako naiilang sa kaniya. Para kasi kaming tropa lamang. Kahit alam ko na nagsisimula na din akong may maramdaman para sa kaniya.

Ayoko na magpaka-denial. Ilang buwan na ata akong tumatanggi sa nararamdaman ko. Tapos na ang emotional days ko. Napag-isip isip ko na din ng kauntian na nakukuha na ni Louie ang loob ko. Paano, ang lakas ng charm ng bipolar na iyon.

"Iniisip mo ako?" Automatic na napataas ang kilay ko dahil sa narinig kong sinabi niya.

"Paano mo alam?" I retorted. Natawa naman siya doon. Alam kasi niyang niloloko ko lang siya, though, half joke iyon, dahil iniisip ko naman talaga siya. Medyo nag-space out din ako ng kaunti habang kasama ang barkada dahil sa pag-iisip.

"Idiot, babo, baka." Pang-aasar nanaman niya sa akin, kaya't inirapan ko siya.

"We are here!" Napalingon naman kami noong biglang mag-sumigaw si Vien. Dahil sa sinabi niya agad akong napatingin sa paligid noong makababa kami sa carriage na sinakyan namin papunta dito sa bahay nila Vien.

Dito naman daw kasi kami mag-stay dahil training ko na para sa air charm.

"Grabe, ang ganda." Mahinang sabi ko sa sarili ko. Palasyo ito. Literally, palace ang itusura ng bahay ni Vien. Malaki at sobrang garbo. Maging sina Bella natulala sa itsura nito.

"Kahit ilang beses na kaming nakakapunta dito. Nakakamangha pa din." Bella said while admiring the place. Katabi ni Bella si Kyle na nakangiti sa kaniya. Samantalang si Ash naman ay katabi ni Charlene at nag-kwekwentuhan iyong dalawa kanina, pero natigil na din.

"Pasok na tayo!" Masayang sabi ni Charlene na parang siya ang may-ari ng bahay na ito. Pagkapasok na pagkapasok namin. Sobrang elegante ng dating, akala mo dito nakatira ang mga hari at reyna. Hindi na ako magtataka na ganito ang bahay ni Vien, halata naman kasi sa kaniya.

"Ganto din ba itsura ng palasyo sa Enchanted Land?" Naisipan kong itanong.

"Mas dito." Kyle retorted. Napatango naman ako doon at ngumiti.

Kumain muna kami tapos, umalis na rin sila, papasok pa daw sa academy kahit late na, 10 am na rin kase. Sira talaga iyong mga iyon. But at least they're not like, those rich kids I know in mortal world na dahil lang mayayaman sila, kaya na ng pera nila na kontrolin ang pag aaral.

"Ready?" Natauhan ako, 'nung tinanong ako ni Vien.

"Eh?"

"Come on, let's go. Many lessons, and tricks to come." She said while smiling. Tumango ako sa kanya, tulad sa ginawa ni Charlene noon, may ginawa ring portal si Vien at pagkapasok namin doon, nakarating na agad kami sa patutunguhan namin.

Napatingin agad ako sa paligid at napa-isip kung nasaan kami. Teka, nasa air heaven land ba kami? Puro ulap o parang usok kasi ang nagkikita ko.

"You are right. We are here in Air Heaven Land. And we are also going to the training ground, here." Ngumiti ako sa sinabi ni Vien. Pagkatapos lumutang na siya sa ere. Nagulat ako noong hawakan pa niya ang kamay ko at bigla kaming lumipad. Muntik na kong sumigaw sa gulat. Buti na lamang at napigilan ko, knowing Vien. Baka mairita, bitawan pa ko nito, kidding aside.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now