Charm 30 ❀ Stalker

80.7K 1.4K 191
                                    

Jealousy can make you a stalker.

***

Naka-upo ako ngayon sa isang sulok ng halos masirang training room. Katabi ko din si Louie at parehas kaming hindi nagsasalita. Pakiramdam ko rinig niya ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa pagod at iba pa. The silence between us was comforting, it's the kind of good one. Hindi awkward, hindi din nakakabingi. Parang nag-iintayan lamang kami na kumalma at mawala ang lahat ng iniisip namin, saka kami mag-uusap.

Ang gulo din ngayon sa training room, iyong maputing pader at kisame nito naging kulay abo at mukang sinunog.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Saka ko napagpasyahan magsalita. "Iyon pala ang kapangyarihan ng mga mata mo?" Mahinang banggit ko. Ngayon lang ako natakot ng sobra sobra, kakit kasama iyong lalaking nakakapagparamdam sa akin na safe ako sa tabi niya.

"Hmm-hmm." He retorted while nodding his head. Tumingin siya sa akin gamit ang maamong ekspresyon, mukang guilty at nagsisi talaga siya sa nagawa niya kanina. Lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

Ganoon pala iyong kapangyarihan ng mga cursed eyes niya. Ang higupin ang charm ng iba.

"Kapag hindi ko na makontrol ng tuluyan ang sarili ko at parang may sarili ng isip ang charm ko, doon nag-sisimula ang kasamaang hatid nito. Kung anong charm ang nasa range niya, at kaya nitong higupin makukuha ito mula sa'yo. Kaya sinabihan kita kanina na huwag gamitin ng charm mo, dahil mawawala lamang ito sa'yo kapag tuluyang nahigop iyon ng charm ko." He explained mellowly.

"Ilang beses na nangyari ito sa iyo?" I asked.

"Madami na, bata pa lamang ako, ganoon na ang nangyayari, minsan napapatigil ito kapag nangingialam na ang mga gods at goddess, minsan naman hindi kinakaya ng katawan ko at nahihimatay ako kaya kusa itong tumitigil." Mahinang wika nito.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. So, bata pa lamang siya ang laki na ng burden na dinadala niya. Kaya siguro minsan napaka-ilap niya sa tao, dahil kailangan niyang kontrolin ang emosyon niya, na kailangan niyang isakripisyo ang pagkakaroon ng kaibigan para maging ligtas ang mga ito. Hanga ako kay na Bella, Kyle, Charlene at Vien. Nagawa nilang maging kaibigan si Louie.

"I'm monster. You should be afraid of me." Nasaktan agad ako dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang kalungkutan at pagiging isolated niya sa mga salita niya.

"Why would I be afraid of you, when I'm the one who can kill the monster inside you?" I replied euphoniously.

Napatingin agad siya sa akin ng nagtataka dahil sa sinabi ko. Parang tinatanong ng mga mata niya, kung ano ang mga sinasabi ko.

"Noong una nagtataka ako, bakit nga ba may mata akong kulay kahel? Bakit nga ba parang kakaibang lakas ang nararamdaman ko kapag taglay ko ito. Nasagot na ang mga tanong na iyon kanina, Louie. If you have the eyes of cursed fire, I have the eyes of the serene fire. Ang mga matang ito," Tumigil muna ako sandali at ipinakita sa kaniya ang orange na mga mata ko. "Ang nagpakalma sa'yo. Ang nagtanggal ng galit sa puso mo." I continued while smiling at him genuinely.

Napatingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. "You mean... That's the counterpart of the cursed eyes? Iyang mga matang iyan ang magpapakalma agad sa akin kapag lumalabas ang mga apoy na mata ko?" He queried unbelievably.

I nodded mutely. "Oo. Kaya huwag ka ng matatakot sa mga nararamdaman mo, huwag mo na i-isolate ang sarili mo. Every time you feel overwhelming emotions, just look at me, and these eyes will calm you down." Matapos kong sabihin iyon, nagulat ako noong bigla niya akong yakapin.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now