Charm 45 ❀ Lost Princess

59.2K 1.1K 113
                                    

I remember tears streaming down your face when I said, "I'll never let you go."

***

Louie Blake's POV

Tahimik lamang kaming lahat kahit paminsan minsan ay narinig ko ang hikbi ni Charlene at Vien.

"Mukang pati, panahon nagluluksa." Walang buhay na wika ni Bella. Napatingin ako sa kaniya. She's not crying. Hindi ko pa nakikitang umiyak sya mula kanina. Subalit, mababakas mo sa muka niya ang sakit na dinaramdam ng puso niya.

"Bakit ganito?" Umiiyak na sabi naman ni Charlene. Inalo naman siya ni Vien na umiiyak din. Samantalang si Kyle ay tahimik lamang na pinipigilan ang mga luha. Kanina nakita kong pumatak ang mga iyon, habang magkayakap sila ni Bella.

Buhat-buhay ko ngayon ang walang buhay na katawan niya. Andito na kami sa labas ng andonadong gusali at makulimlim ang langit, parang may nag-babadyang ulan.

Nakatulala lang ako habang karga ko si Ryleen. Nakokontrol ko na ulit ang emosyon ko kaya't hindi ako nag-wawala. Pero,kahit ganoon, nakakaramdam pa din ako ng magkahalong galit at sakit. Hindi pa din ako makapaniwala na iniwan na niya kami. Masyadong mabilis iyong mga pangyayari na matutulala ka na lamang imbis na paniwalaan iyon.

May pumatak nanaman na luha mula sa mga mata ko at kasabay noon ang pag-patak ng malakas na ulan. Hindi namin ininda ang ulan na iyon, bagkus ay hinayaan lamang namin dahil parang nagdadalamhati din ang langit sa pagkawala niya.

Naalala ko iyong boses niya at pagiging madaldal niya. Nawawarak iyong puso ko. Kahit gaano pa siya kadaldal o kakulit pagtitiisan ko lahat iyon, bumalik lamang siya sa akin.

Ryleen, please gumising ka na, masamang biro iyang ginagawa ko. Namimiss ko na agad iyong kakulitan mo. Iyong mga panahong nangunglit ka pati na din kapag tahimik lamang tayo sa tabi ng isa't-isa. Hindi na talaga kita aawayin bumalik ka lang. M-Mahal na kita saka mo naman ako iniwan...

Hindi ko napansin nasa may highway na kami. Tumawag si Vien ng pegesus. Hindi ko pinansin iyon at ginamit ko ang sarili kong kapangyarihan para makalipad. Na-una akong umalis habang buhay buhay ko pa din si Ryleen.

"Gumising ka na, mahal kong reyna. Ang bigat mo oh." Mahinang banggit ko sa kaniya, umaasang babarahin niya ako o di kaya naman ay babatukan. Ngunit walang nangyari, napapikit na lamang ako ng madiin. Ang sakit, sobra.

Hindi ko alam kung saan kami napadpad. Pero, nakita ko na lamang nasa harapan kami ng bahay ko. Kaya't napag-pasyahan kong pumasok kami sa loob dahil sa malakas na ulan. Inihiga ko siya sa kama ko. Ginamit ko din ang charm ko para matuyo siya. Her face is blank.

Tinitigan ko iyon, umaasang mumulat din sila. Lagi kong nakikita ang ganitong klaseng itusra ni Ryleen. Lagi komsiyang pinanunuod noon kapag nakakatulog siya, tuwing pinagmamasdan ko ang mukang ito, wala akong ibang maramdaman kundi magiging masaya at kuntento. Siya lamang ang nakapag-paramdam noon sa akin, kahit simpleng pagtitig lamang ang ginagawa ko.

Pinaalam ko din agad kayna Bella na nadito kami dahil mamaya baka mag-hanap sila.

Tinuyo ko na din lamang ang sarili ko ay patuloy siyang pinag-masdan. Ang amo talaga ng muka, mukang anghel. Nakakagaan sa pakiramdam pagmasdan, sa,antalang ngayon bakit bigat ng loob ang nararamdaman ko?

Napatungo na lamang ako sa kama habang hawak hawak ang kamay niya. Pagkatapos may biglang nag-flashback na ala-ala sa akin. Iyong pagkakataon na dito siya natulog ang cute ng reaksyon niya noon. Naalala ko din iyong unang pagkakataon na nahalikan ko siya sa labi. Napakasaya noon, subalit ngayon naghahatid ito ng kalungkutan sa akin.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now