3 ❀ Brand New Life

114K 2.2K 94
                                    



3: Brand New Life,

"Yzabella Fyzerille Gartone... Should I believe in everything that can be?" I almost whispered.

"Ayisha Ryleen Heartlock... Believe in everything that can be." Bella said with a genuine smile plastered on her face.

Suddenly, I felt like believing in everything.

Mahabang katahimikan ang namayani matapos sabihin iyon ni Bella, patuloy akong nag-isip. Kung tutuusin, tama siya. Wala nanaman akong babalikan sa mundong iyon. Wala na kahit isa.

Sigurado din akong kalat na kalat na sa buong paaralan ang nangyari, sigurado ipagtatabuyan at kung ano ano nanaman ang gagawin nila sa akin.

Tama naman siguro na hindi na ako bumalik doon di ba?

Somehow, I know that I will find the way into a brighter day. Ito na ba iyon? Kung dito ba ako mananatili, magiging maayos ba? Kakayanin ko ba? Matatanggap ko ba?

"Pwede ba pag-isipan ko muna?" I asked Bella.

Hindi naman kasi kailangan minamadali ang lahat, gusto ko muna maka-pag-isip isip. Kailangan ko pang pag-isipan ang gagawin kong desisyon. Mahirap na kung magiging padalos-dalos ako.

Paano pala kapag kailangan akong manatili sa mundo kung saan ako lumaki? Pero... Aish!

"Ayisha, don't you think that the fate itself is the one that brought you here?" She suddenly queried while beaming. Medyo natigilan ako doon.

Lahat ng bagay nangyayari dahil mayroong rason, naniniwala ako doon. Everything happens for a reason nga diba? Kaya siguro ako napadpad dito dahil may rason. May rason kung bakit hindi pa ako namatay kanina, may rason kung bakit ako napadpad dito.

"I don't know. Siguro nga, gusto ko din mag-stay, kaso parang ayaw ko din. Ang gulo ko ano?" Napatawa ako ng marahan doon. "Pasensya na ha? Ganito lang talaga ako, magulo mag-isip, may pagka in-denial din."

"Ano ka ba, okay lang iyan. Mahirap din na decision iyan ano." She joked. I shyly laughed a little.

"Teka nga pala, ano iyong sinabi mo kanina na digmaan ba iyon? May digmaan dito?" Takang tanong ko. Uso din pala dito iyon? Akala ko sa mortal world lang mayroong digmaan. Pati pala dito sa Charm World?

"Ah, iyon ba? May kalabang mundo ang Charm World, at iyon ay ang Beelzebub World. Kung kami ay ang mababait na charmers or sabihin na nating wizards, witches mga ganun. Sila iyong masasama, sila iyong gumagamit ng black magic, also, gusto nila sila ang mag-hari sa dalawang mundo, ayaw nila sa amin, gusto nila, kukunin din nila ang Charm World at sila ang maging mas makapangyarihan, gahaman sila sa karangyaan at kapangyarihan. Gusto din nila ang lugar kung nasaan kami. Kilala ang mga nakatira sa Beelzebub na mga dark sorcerers." Seryosong kwento niya, marahan akong napatango doon.

Mala fairytale pala talaga dito. Parang ang daming surpresa sa mundong ito. Para tuloy gusto ko na talaga manatili sa mundong ito. Wala namang maghahanap o mag-aalala sa akin o kung ano man.

Maybe, I'll be happy in here, or maybe I'll regret this sooner or later, but still... bad decisions make a good story, right? Maybe I'll take this chance to start a brand new life, maybe I'll take this chance to make a good story, maybe I'll take this chance to make myself happy.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now