Charm 12 ❀ Those Eyes

89.3K 1.7K 65
                                    

My true training starts now.

***

Yzabella Fyzerille's POV

"Ayisha, omygad omygad! Congrats, girl!" Bigla akong napatili at napa sigaw at napa talon sa sobrang saya! Kanina lamang ay natulala ako dahil sa paglabas ng mga apoy sa kamay niya, ngayon nama'y nagtatalon na ako sa saya! I can't believe it! Sa wakas.

Worth it ang aking pagiging napaka-galing na artista! Grabe! Nung sinasabi ko iyon kanina para kong tanga, puro kasinungalingan na labas sa bibig ko. Omg. Iyong titig ko pati sa kaniya, talagang ginalingan ko, iniisip ko siya ang karibal ko kay Kyle mylabas, kaya gumaling ang acting skills ko.

Muntik na nga ako umamin na joke lang iyon nung makita kong umiiyak na si Ayisha. I know, ang hard ko sa mga sinabi ko, pero kailangan ko siyang galitin ng sobra eh, kahit iyong limit ko lumampas na, na pati tunay niyang magulang. Omygosh, mapatawad pa sana ako ni Ayisha. Huhu.

"Omygie! Ayisha! Sa wakas!" Malakas na sigaw ko papalapit sa kanya, habang nagtatalon.

Samantalang nakatulala lang si Ayisha, habang maluha luhang nakatingin sa apoy sa kamay niya. Sigurado hindi pa nag-si-sink in sa utak nito ang lahat. Slow kaya siya. Haha.

"You can use fire? Fire Charmer huh?" Rinig kong sabi ni Louie, habang naglalakas papalapit din sa kaniya. Sa mga pagkakataong iyon, parang natauhan si Ayisha.

Bigla naman nanlaki ang mata niya nung marealize niya ang lahat, pagkatapos ay nagtitili at nagtatakbo. Pft.

"Omygosh, omygosh! Louie, alisin mo yung apoy! Baka masunog ako! Bawiin mo na iyong apoy mo! Louie!" Natatarantang sigaw ni Ayisha habang tumatakbo, at pilit napinapagpag iyong apoy sa kamay niya. Napatawa naman ako ng sobra dahil sa inasta niya.

"Hahahaha!" Tawa ko sa kaniya, nakadrugs ata ito. Haha.

"Bella! Louie! Baka, masunog iyonh kamay ko!" Hindi magka-intindihang sigaw niya, pagkatapos bigla siyang lumapit samin at pilit na pinapatanggal iyong apoy. Wala na mas humagalpak na tuloy ako ng tawa. Ang sarap kaltukan ni Ayisha, napaka-slow talaga.

"Ahahahahhahaha!" Tawa ako nang tawa kay Ayisha, para siyang bata na hindi alam kung mapapaihi na ba o hindi pa. Ang likot niya paikot ikot siya.

"Ryleen, clam down." Louie uttered, saka niya hinawakan sa balikat si Ayisha at alugin ng kaunti ng matauhan, sinamaan pa niya ito ng tingin, kaya't natahimik ang magaling kong kaibigan, hahaha.

"Pero pero--- Louie! Ano ba gusto mo ha?! Tanggalin mo na kasi, baka masunog pa yung kamay ko." Takot na takot na sabi ni Ayisha kay Louie, na parang maamong tuta. Kahit kailan talaga, itong si Ayisha tingin niya sa sarili niya ang hina hina.

"Hahaha!" Napahawak na ako sa tyan katatawa kay Ayisha, ibang klase comedy din pala talaga ang ma-emote na buhay nito, hahaha. Nagulat ako noong samaan ako ng tingin ni Louie, kaya't nag-fake cough ako at nagsalita ulit, "Ayisha, kung kay Louie iyang apoy na iyan, sana kanina niya pa tinggal. Saka kanina pa iyang apoy na yan oh! Bakit nasasaktan ka ba ha?" Pangangatwiran ko, nagtaka naman siya dahil doon.

Parang nag-loading sa utak ni Ayisha iyong sinabi ko, at saka lamang siya natauhan noong dahandahan niyang itaas ang kamay niya.

"Teka ibig sabihin? Ibig sabihin? Apoy mo ito Bella? Omygosh!" Face palm. Napa-poker face ako bigla bigla sa tinanong niya.

"Aray!" Agad napa-sigaw si Ayisha noong batukan siya ni Louie, haha. Tama iyan, ng mawala ang pagiging slow niya.

"Aray! Napaka mo talagang Louie na bipolar ka. Bakit ka namamatok ha?" Asar na tanong ni Ayisha dito, napalakas nga naman kasi batok ni Louie, ang gentledog talaga nito kahit kailan. Tsk tsk tsk.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now