Special Chapter- 7

119 5 16
                                    

JS Prom..

Pauline's POV

February 14,2014

Nandito na kami ngayon sa loob. Actually, nagsasayawan na nga ang lahat eh.

Ako? Eto nakaupo. Yung crush ko ba hanap niyo?

Ayun. May FIRST DANCE NA!

Hayy.

Wala tayong magagawa eh. May iba siyang gusto, eto naman akong si tanga.

Buti nalang sinayaw ako nung mga kaklase ko. Hinihintay ko pa nga din yung crush ko eh.

Hanggang sa..

Hahahahahaha! Niyaya ako ni Kapatid. Oo, ni francis.

Papunta palang kami dun sa dancefloor ng sinabi niyang

"Ba't ang lungkot lungkot mo? JS Prom oh. Wala akong malungkot na kapatid."

Hayy. Ang sweet talaga ng kapatid ko, buti pa to. Samantalang yung isa, nagpapakasaya pa.

"Ngumiti ka naman."

"Wala ako sa mood eh."

"Puro ka kasi kpop, magkakamukha naman yun sila."

"Puro si Ivan nga laman ng phone ko eh."

"Ano ka stalker?"

Kita mo to, pagkamalan pa ko.

"Hindi, may nagbigay sakin nun."

Usap kami ng usap, tapos nasa gilid lang pala namin si Ivan. Kasayaw niya yung kaibigan ko, si Dom.

Hayy. Swerte ni Dom. :(

Natatawa na nga lang ako dito sa kapatid kong to eh, ang sweet sweet masyado.

Gusto ko tuloy magkaroon ng totoong kapatid na lalaki, yung matatawag kong Kuya.

Nakikita ko naman sa kanya yung katangiang yun, pero iba pa din yung kapag kadugo mo talaga.

Patapos na kami sa pagsayaw, sabi niya,

"Ngumiti ka ah."

"Pinapatawa mo na nga ko eh."

"Mukha ba kong clown?"

Oo mukha kang clown kasi nga pinapatawa mo ko. Buti pa talaga to.

Nung ihahatid na niya ko sa table, sabi niya ulit,

"Ngiti na, pag ikaw di ngumiti lagot ka sakin."

Hayyy! Ang sweet talaga.

Pagkatapos niya kong isayaw, may lumapit naman ulit sakin. Guess who?

Si Crush. Si Ivan.

Pagdating naman sa dancefloor, alam niyo ano lang sinabi?

"Sorry."

Oh, wala kayong alam no. Basta meron lang kaming napag usapan tapos nasaktan ako, nahurt ako.

In short, na friendzoned ako hahahaha!

Pero buti nalang talaga may thoughtful akong kapatid.

Bago kasi ako isayaw nitong crush ko, kinalbit pa ko sabay pose ng mr. pogi tapos nakasmile.

Feeling pogi masyado, hahaha joke. Gwapo tong kapatid ko oy.

Isa nga siya sa mga nakapagpasaya ng gabi ko eh. Wag kayo, daig pa ang crush ko.

Made my night. Thank you kapatid :)

Addicted to that Guy with Braces!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon