Epilogue

122 4 2
                                    

UNHAPPY ENDING!

Pauline's POV

Eto na talaga ang tamang araw para sumuko na. OA man ako sa paningin ng iba. Pero hindi naman masama maging ganito kapag nasaktan ng SOBRA diba?

Nabasa ko nga sa sa facebook, isang quote. Ang sabi dito, "The hardest thing you'll ever do is watch the one you love, love someone else."

Naniniwala ako diyan. Dahil napatunayan ko na mahirap talaga ang nagawa kong yun. Hindi ko alam na makakaya ko pala talaga ang mga bagay na mahirap gawin. Yun bang hanggang tingin ka nalang habang sila ay masayang magkasama?

Kanina nga pagpasok ko sa school, nakita ko siya. Pero agad din akong umiwas ng tingin dahil gusto ko na talaga siyang kalimutan. Nung lunch time, nasa room namin siya kaya hindi muna ako pumasok dun. Hanggang sa lumabas sila, dun ako sa kabilang pintuan dumaan dahil ayoko siyang makasalubong.

Inunfriend ko na nga sa facebook, Inunfollow ko pa sa twitter. Oh diba? Hindi ba halatang nasaktan? Oo, bitter na. Ayoko na kasi talagang makita lahat eh.

Kanina nga sa room, may nagbanggit ng pangalang Francis, yun pala ay yung isang kaklase naming kapangalan niya. Napasigaw tuloy ako.

"Wag niyo na ngang babanggitin yung pangalang yan." Sigaw ko sa kanila.

"Buti pa nga si Francis eh, may pakialam. Eh yung francis na kilala mo, wala." Sagot naman ng kaibigan kong si Shem at agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko.

Grabe talaga. Hindi ko kinakaya. Kaya nga parang binabaling ko nalang yung love ko sa iba eh. Tapos sa nabasa ko sa wattpad, yung pangalan niya ay ginawa kong isang bad word para maiwasan kong masabi at lahat ng personality niya ay iisipin ko nalang pa puro negative.

Kaso kahapon sabi ko pa naman, sana hindi ko siya makasabay, pero sa di sinasadya nga naman, nakasabay ko pa diba? May side na nasayahan ako pero mas gusto ko pa din umiwas. Mahirap na at baka ma fall pa ko ng husto.

Sa twing magkakasalubong nga kami, takbo lang ang ginagawa ko. Kapag nakatambay siya sa isang pinto, dun ako sa kabila dumadaan kasi nga ayokong malapit sa kanya.

Kahit na unfriend ko na siya sa fb, minsan di ko maiwasan na hanapin ko pa din yung pangalan sa chatbox ko kaso imposible na nga pala kasi hindi ko na siya friend.

Literally? Hindi na siguro. Ni hindi nga kami nag uusap nun eh. Ay ewan. Sawang sawa na ko sa mga naririnig ko tungkol sa kanya.

Pero hindi naman talaga natin madaling makalimutan yung nararamdaman natin diba? Syempre meron pa din, magulo kaya ako. :) Pero hindi na siguro tulad ng dati.

July (Pagkatapos ng 11, ano na? Yun ang date ngayon.) 2013.

Pasensya, BITTER daw ako sa date na yan eh. Sabi lang nila yun, ahahahaha. HINDI PO TALAGA. IBA ANG MEANING NG BITTER SA NARARAMDAMAN KO NGAYON.

"Meron akong nalalaman pero di ko lang sinasabi." Isang quote din yan na nabasa ko sa twitter. Oo nga, meron akong alam at hindi ko pwedeng sabihin. Bakit? WAAAAAR.

Natatawa nga ako sa mga kaklase ko eh. Kasi kanina, exam namin sa math. Tapos niloloko ako, sakin nila tinatanong kung ano daw date ngayon,

CLASSMATE: PAULINE, ANONG DATE NGAYON?

AKO: PAGKATAPOS NG 11

~~~~~

CLASSMATE: PAU, ANO NGA ULIT DATE NGAYON?

AKO: PAGKATAPOS NGA NG 11~

Ayun, napapatawa nalang din ako. Eh paano, tinatawanan nila ako. Ahahahaha.Eh kasi naman pinagkaisahan nila ako.

EH ANO NGA BA ANG MERON SA DATE NGAYON? ALAM NIYO NA YUN. YUNG DATE NG MGA NAG-IIBIGAN, AHAHAHAHA.

HINDI KO ALAM TAWAG DUN EH. :D

Oo na. Umiiwas na kaya ako. Ni hindi ko na nga tinetext yun or chat. Kasi nga, hindi ko na siya friend sa fb, and wala na din siyang number sakin. Grabe ko no?

OA sa Iba. Pero eto paraan ko eh, walang basagan ng trip ahahaha.

PANAHON NA PO KAYA.

PANAHON NA NG PAGTIGIL..

PANAHON NA NG PAGSUKO.

PANAHON NA PARA MAPAGOD.

PANAHON NA PARA MAG MOOOOOOOVE ON.

PANAHON NA PARA MAKAALIS AKO SA PAIN NA NARARAMDAMAN KO.

I'TS TIME.

So babye na ha? Hanggang dito na lang kasi talaga ko eh. Hindi na po kasi pwede, kahit gusto ko, hindi na nga kasi pwede.

HINDI NA. :)

MASAYA NAMAN AKO NGAYON, PERO MEDYO MASAKIT PA DIN.

Every day, in every way, I'm getting better and better.

I've got to admit it's getting better. It's a little better all the time.

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now