Chapter Four

230 6 4
                                    

First time texting him.

Pauline's POV

January 18,2013

Friday ngayon, kauuwi ko lang mula sa school. Syempre kailangan ko agad umuwi kasi ihahatid namin yung Tito ko mamaya sa NAIA. Aalis na kasi papuntang Qatar. Syempre kasama ako, kahit ba na ayaw ko pa talagang umuwi para makita ko lang ang minamahal kong crush. :">

Ligo ulit..

Bihis..

Ready..

"Tara na, baka malate pa ang tito mo." sigaw ng nanay ko saken.

"Opo, saglit na lang."

Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung ano isusuot ko, papalit palit na ko ng damit dito sa kwarto ko, kaya ayun. sa dami dami ng pinalitan ko, eto lang pala ang isusuot ko, simpleng T-shirt at simpleng maong pants lang. Hindi ako ganun ka fashionista para magsuot pa ng kung ano ano. Hindi ako ganun, sanay ako sa simpleng bagay. Gastadora man, pero dahil sa pagkain lang yun. hahahaha, eh sa laging gutom eh. :)

"Ano ba? Ang tagal mo, ikaw na lang hinihintay." galit na sigaw na naman ng nanay ko.

"eto na nga po, sabi ko nga pababa na."

"Sakay na, dalian mo, anong oras na."

"Opo, eto na."

Byahe..

Nakakaantok..

Pero makikinig na nga lang ako ng kanta, nakakamiss kasi si Crush eh. :)

One text message received.

Di ko na pinansin, GM lang yan. Wla akong boyfriend kaya wala akong gana sumagot sa mga text nila. hahaha.

Maitext na nga lang si Precious, eto na din yung tamang oras para sa aking kahilingang sana ay matupad.

To: Precious

Pre, pahingi naman number ni Francis. hahaha! pwede ba?

Message sent!

TAGAL NAMAN MAGREPLY NITONG BABAENG TO. SIGURADO AKONG KAUSAP NIYAN SA PHONE SI LUIS. GANYAN YAN, PAG HINDI NAGREREPLY, SIGURADO NG KAUSAP NIYA YON.

From: Precious

Sorry, kausap ko kasi si Luis eh. Oh eto number niya, 0916******3- francis.

Wag mong sabihing ako nagbigay sa'yo ah.

TO: Precious

Sabi ko na eh, kausap mo na naman yan eh, eh paano kung nagtanong kung sino nagbigay sakin?

From: Precious

sabihin mo, bigay sayo ng kakilala mo.

To: Precious

Sige, ako na bahala. Thank you, Iloveyou :*

Nako, eto na save na number.

Nahihiya ako itext, ano gagawin kong panimula? Ah alam ko na. :)

To: Francis

Hi Francis. Si Patty to. :)

10 minutes na at walang reply,

To: Francis

So, i bet alam mo na kung sino may gusto sa'yo? :)

Wala pa ding reply, grabe ha. last..

To: Francis

Joke lang, si SEM Girl to, Hi :)

One message received..

From: Francis

Ahh, saan mo nakuha num ko? :)

Teka, siguro nagtataka kayo bakit alam niyng ako si SEM Girl no? ganto kasi yun..

-FLASHBACK-

Computer Laboratory sa school..

"Patty, wait lang. print ko lang to."

"Sige, dalian mo." Si Patty, classmate ko din.

Naprint ko na..

Pero, di ako lumabas agad kasi..

pumasok sila dito. Oo, sina Francis! :)))))

"Patty, dito muna tayo. Hintayin natin sina Dom, ginagamit nila yung cartridge. hahaha"

"palusot mo, bulok na."

"bulok na ba?"

"oo."

Alam kasi ni Francis na may gusto sa kanya si Patty kahit di totoo. pinagpanggap ko si Patty para alam ko magiging reaction ni Francis kapag nalaman niyang may nagkakagusto sa kanya. pinatext ko din kay Jazz si Francis para makasiguro akong yun ang alam ni Francis.

"Hi Jazz" sabi ko nung makalapit ako sa kanya.

"Hi Pau, lapad ng ngiti natin ah." Sabi ni Jazz, kaklase ko din.

"Malamang, alam mo na yun. Basta wag ka maingay, katabi mo tropa niya."

"Sige sige, peram cartridge ah" (cartridge= ginagamit siya sa printer, parang ink.)

"Sure"

Punta muna ko sa pwesto nina Dom..

Balik kay Jazz..

"Alam niya ah. :))" sabi ni Jazz turo dun kay *****O

"Ano? Ba't mo sinabi? Huhu"

"Secret lang daw, diba *****O?"

Tumango naman yung kasama niya na tropa nina Francis.

Makabalik na nga ulit kina Dom at palapit na si Francis kina Jazz.

Maya maya,

"Pau, tapos na ko." Sigaw ni Jazz.

"Patty, kunin mo kay Jazz, please?"

"Sige, alam ko kung bakit. XD"

Biglang inabot ni Jazz yung cartridge kay *****O kaya nagulat ako, sabi ko kay Patty iabot tapos kay *****O. Ang mas kinagulat ko pa, inabot niya yung cartridge kay Francis.

"Abot mo daw dun, *sabay turo sakin*" sabi nung *****O.

"Kanino ba to? *tingin dun sa kahon ng cartridge.

Oo nga pala, may SEM Girl na nakalagay dun, kung paano niya nalaman ang SEM girl, ay dahil yun sa Ask.Fm, yung malaya kang makakapagtanong ng hndi ka nakikilala. Eh dun talaga kami unang nag usap. Kaya ayun, hanggang sa makilalan niya ko bilang SEM girl. SEM nga pala, kasi yan yung section namin :)

"Oh, kanino to?" Sabi ni Crush.

Malamang sakin, SEM Girl nga diba? Kakabadtrip, alam naman ni Jazz na may gusto ako dito, ayun nagtago si Jazz sabay peace sign, Hindi ako galit. Ngulat lang ako, syempre di ko alam paano ako sasagot niyan.

"Akin yan." sabi kong may halong inis.

"Tara patty, alis na tayo dito."

Sabay walk out..

Paglabas ko, napasilip ako at bigla kong nakitang nagtatawanan silang magtotropa, yun ang ikinagalit ko, ><

-END OF FLASHBACK-

To: Francis

Sa kaibigan ko, hihi. Sorry kung kinuha ko num mo ah?

From: Francis

Okay lang. :)

Ayun, unang gabi naming magkausap to. Kahit nasa NAIA na ko, text padin. Hanggang sa makauwi ako, text pa din. Pero nag Viber nalang kami. (Viber, application sa phone kung saan makakapagtext ka or tawag kahit anong networks pero dapat may internet ka)

Lagay sa diary,

"January 18,2013

First time kong makatext siya. Biruin mo, inabot kami halos ng 11pm. Ang saya lang. :)

Sana maging close kami sa personal :">

-Pauline"

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now