Chapter Forty Four

104 3 0
                                    

Last Chapter na nga po pala ito. Alam ko pong hindi niyo ganun nagustuhan yung story. Ginawa ko lang po kasi to ay para magsilbing isang diary kung saan lahat ng nangyari ay sinasabi ko dito. Kulang kulang man po yung nandito ay dahil na din hindi kami gaanong nag uusap talaga. Mga importanteng bagay lamang ang nasabi ko dito.

Thank you na din po sa mga bumabasa nito! Actually, kung hindi nangyari yung isang bagay na iyon ay siguro aabot pa to ng Chapter 90+ pero hindi na po talaga pwede eh. Hhihi :3

Enjoy nalang po :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HEARTBREAKING STORY!

PAULINE'S POV

June 29. Ang araw na hinding hindi ko malilimutan. Dahil ba masaya ako nung nakaraang kaarawan ko? HINDI. Dahil dito ako natauhan,

Kasalukuyan kong kausap siya ngayon, Oo si Francis, may tinatanong talaga kasi ako sa kanya. Pero napunta ang usapan namin sa sitwasyon nila ni girl.

AKO: Kayo na?

FRANCIS: YEP (HAPPY) (HAPPY) (HAPPY)

Sa nabasa kong sagot niya, para akong pinagbagsakan ng langit. Ang sakit sobra, Yung alam mong siya na talaga ang gusto mo, anong magagawa mo? Sinamahan pa talaga ng 3 happy para malaman kong masaya talaga siya.

Ako naman itong parang tanga na nagsasabing natutuwa ako para sakanila. Sino ba naman ako para magcomplain?

AKO: Talaga? Grabe ka, bakit di mo sinabi sakin?

SIYA: Eh kasi secret pa yun eh

AKO: eh sino nakakaalam niyan?

SIYA: Tropa ko at tropa niya tska yung iba.

AKO: Ah, congrats.

SIYA: Salamat

AKO: Grabe nakakaiyak

SIYA: Umiyak ka?! Haha

AKO: Haha oo

SIYA: Di nga umiyak ka nga?

AKO: BAKA XD

SIYA : Lakas makajoke ah.

AKO: mabenta ba joke ko?

Hanggang sa kung ano ano na pinagusapan namin. Sa totoo lang, masaya ako dahil masaya siya. Pero dahil nga sa isang sikreto ko, sa tingin ko dapat ba na matuwa talaga ako?

HINDI KO ALAM. Agad kong tinawagan ang kaibigan kong si Precious at sa kanya ako umiyak.

AKO: Pre, *sniffs* *cries* Sila na </3

SIYA: OH? Di ko alam.

AKO: Di mo din pala alam.

SIYA: Wag ka na umiyak. Ganun talaga eh.

AKO: Oo alam ko naman eh. Kaso masakit eh.

SIYA: Wag ka umiyak Pau

Patuloy lang din siya sa pagcomfort sakin, hanggang sa nasabihan ko na ang mga kaibigan ko. Tinutulungan nila ako na wag ng umiyak, na kalimutan na lang at kung ano ano pa.

Ngayon ko lang talaga naramdaman tong sakit na to. Kaya simula ng mga nangyaring yun..

PICTURES

CONVERSATIONS

DELETED NA! BINURA KO NA.

pero hindi ako nakuntento eh, sabihin man nila na hindi yun ang magandang paraan pero anong magagawa ko? nasaktan talaga ako kaya..

INUNFRIEND KO SIYA SA FACEBOOK.

Ayoko kasi siyang makita muna kahit alam kong makikita ko naman siya sa school. Medyo tanga talaga ako no?

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kapag nakita ko siya sa school namin sa monday. Iiwas ba ko? Act natural na parang walang nangyari? MAHIRAP.

IWAS MUNA SIGURO. MAGANDA NA DIN YUN PARA HINDI NA KO UMASA PA. HANGGA'T NAKIKITA KO SIYA, PARANG GUSTO KONG MAGPATULOY, KAYA LALAYUAN KO MUNA. NO CALLS NO TEXT. YAN ANG PATAKARAN KO NGAYON.

Ang pangalan niya nga sa phone ko ay "DO NOT VIBER OR TEXT </3"

Iniisip ko na lang na masisira ang phone ko kapag kinausap ko siya kaya pinipilit ko talaga ang sarili ko na malimutan agad siya.

Mabuti nalang talaga may mga nagmamahal sakin :") Mga kaibigan ko, thankful ako kasi nandyan sila palagi. Sana maging okay na ko.

Sana mabilis kong malimutan ang lahat..

Sana hindi na ko masaktan..

SUSUKO NA KO..

KASI PAGOD NA PAGOD NA KO..

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now