Special Chapter-2

101 3 0
                                    

He's now my Oh-So-Called-Brother!

Pauline's POV

Balik story na naman ako no? Pero hindi ko po itutuloy yung story na gusto ko pa siya, kasi, kapatid ko na siya. Kapatid-kapatiran haha.

Nagsimula kasi yan dito,

-FLASHBACK-

September 2,2013

May bago na kasi akong crush. Tropa niya din actually, pansin niyo ba? halos magkakatropa naging crush ko pero wala na kong balak isunod yung iba nilang tropa no.

Yun nga, kasi diba parang namimiss ko na siya, not the way na kasi gusto ko siya. namimiss ko lang kausap yung palagi akong HAHAZONED, Pinipilosopo ako, convo killer siya haha.

So ayun, di ko din natiis. Nagpm ako sa viber, oo sa viber. Ayaw ko na ipakita pa convo namin sa inyo, baka mainggit kayo, joke lang. Tapos ayun, nagkaalaman na din. Inadd ko kasi siya ulit sa facebook, tapos finallow ko ulit sa twitter.

Bitter ko ba? Hahahahaha ang jeje ko pala dati.

Napag usapan nga namin yung tungkol dun sa times na nagkagusto ako sa kanya, mehehe. aminado naman kaming awkward talaga yung ganun, lalo na sakin no. Aba naman, parang lagi akong walang mukhang ihaharap pag nagkakasabay kami or nagkakasalubong.

Tapos nakwento ko si crush sa kanya. Ayun, pinagtawanan ako. Tapos kahinaan ko daw ang braces? Oh diba? Kasi nga naging crush ko to si KAPATID dia? tapos yung crush ko ngayon, may braces din hahaha.

Di ko alam bakit ang lakas ng dating sakin ng may braces tapos sinabayan ng looks at magaling magbasketball. Isa pa yan sa gusto ko, magaling magbasketball.

-END OF FLASHBACK-

So ayun nga, lagi na din kaming nagkakaviber. Ay mali pa, hindi lagi. Minsanan lang. Tska hindi ata kami pwede magusap nun sa personal, baka mamaya may magalit sakin. Hahahaha. Alam niyo na kung sino yun! :)

Oo, gusto ko siya maging close, kasi meron bang magkapatid na parang di magkakilala? Ay di nga pala kami magkapatid talaga. Kapatid-kapatiran talaga. Gusto ko kasi maranasan magkaroon ng kapatid na lalaki eh, yung mga nababasa ko sa wattpad. Yung hero mo, lol.

Masasabi ko lang talaga, ang bait nitong kapatid ko. Natatandaan ko pa yung sinabi niya sakin. "Basta tandaan mo lang sinabi ko, sabi nga ni Ramon Bautista, just make the best out of you.", "Wag na wag mong iuunderestimate ang sarili mo, tandaan mo yan."

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kapag sinabihan ka ng ganyan diba? Tapos lalaki pa, feeling ko tuloy kapatid na kapatid ko siya eh. Naiinggit kasi ako sa mga babaeng may mas nakatatandang kapatid na lalaki o kaya naman boy bestfriend. WALA AKO NUN!

Actually, hanggang ngayon po talaga. SA TEXT LANG KAMI CLOSE!

Nangyayari pala talaga yun. Yung sa text or viber, ang daldal daldal namin tapos sa personal parang kahit ano, wala kang maririnig samin hahaha.

Ahm, wala na ko masabi eh. Basta ayun nga, ang bait ng kapatid ko :)

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now