Chapter Thirty One

140 2 0
                                    

Kaya pala..

Pauline's POV

Ilang araw ko ng di nakakausap si Francis. And yes! Mission 1 Accomplished. Nagawa ko yun. Halos 5 days, so ang aking Mission 2 ay another 1 week na hindi siya kakausapin. So, dito na ko ngayon sa Mission 2. AJA! Kaya yan.

Isipin nalang na pag nagawa mo yan, may premyo ka. :)

Dominique messaged you.

At bakit naman kaya?

Dom: pau, OL si Panch.

Pau: alam ko, eh ano? XD di ko na kinakausap yan eh.

Dom: bakit?

Pau: eh ano naman gusto niyong sabihin ko dun?

Dom: hi

Pau: nyenye, ayoko nga. lagi na lang ako.

Dom: iyak na pau, sarap mag senti oh.

Pau: alam ko, pero hindi na uy. mas maayos kung magsasaya ka nalang.

Dom: taray.

Tama ako diba? Bakit pa ko mag papaka senti or emo dyan tulad ng iba? Nakaya ko na nga na hindi siya kausapin, tapos iiyakan ko? NO WAY. Masaya ako ngayon. Nililibang ko sarili ko sa maraming bagay. Atleast, with the help of these things, nakakalimutan ko presensya niya.

Yun naman ang tamang gawin dapat diba? Wag mo ng sasayangin ang mga luha mo sa taong hindi ka naman pinapansin. Di niya deserve ang mga luha kong to, sayang sa kanya.

Yan ang natutunan ko sa loob ng limang araw na hindi pagkausap sa kanya at yun ay, "Kaya mong maging masaya sa paraang iba, hindi sa paraang pagsasayang ng luha mo sa kanya. Bakit, sasaya ka ba sa pag iyak iyak mo sa taong yan?" Yan yun. Tama ako. Tama ako! :)

Kaibigan ko parin naman siya kahit papano, may gusto pa din ako sa kanya. Pero hindi na ko tulad ng dati, na every night, ako yung nag eEFFORT na itext siya, tapos hihihntayin siya magreply kahit halos 10 minutes na nakalipas, naghihintay pa din. Tama na, tanga ako noon! Pero magiging matalino ako ngayon.

Kayang kaya ko mabuhay ng wala siya. Sabi ng ilan, "Ikamamatay ko pag nawala siya sa buhay ko." Pwes ako hindi, "Ikasasaya ko kapag natigilan ko siya ng todo todo." Motto ko yan. Masaya na ko ngayon actually. Pag online siya sa facebook, napapangiti lang ako, tapos wala na. Yun na lang yon.

Francis, masasabi ko lang sa'yo. Buti, hindi ka na ganun kung magparamdam. Kahit tungkol pa sa basketball niyo yan, buti di mo ko tinatanong. Atleast, nakakatapos ako ng isang araw na hindi ka nakakausap, at masaya ako don.

MASAYA NGA BA?

Actually, 25/75.

25% TANGA pa ko.

75% MATALINO ako ngayon.

Konti nalang, magiging 100% nadin ang pagiging matalino ko. HAHAHAHA!

Pero aminin ko na nga, minsan nag dedaydream pa din ako tungkol samin. Dun nalang yon. Joke! Minsan, naghihintay ako magmessage siya. Yun na talaga. Yan nalang talaga. kaya nga 25% pa ang pagiging TANGA ko eh. Dahil yan diyan, di ko pa din maiwasan.

Pero masaya talaga ako, kasi nga di ko ineexpect na pagdating sa ganito, mag iimprove yung pagiging matalino ko, I mean, yung nakakapag isip na ko kung ano yung tama, hindi puro puso ang pinaiiral, kundi puso at isip. Kung alin ang tama, at ano ang mali, ngayon alam ko na.

Sometimes, I searched his name sa chatbox ko to see kung online siya. Hanggang dun lang yun, hindi ko pa rin siya kinakausap. Ito na rin siguro para sa sarili ko na dapat hindi ako ang palaging gumagawa ng paraan. Kung gusto niya ko kausap, makakagawa siya ng paraan para makausap ako. I feel like im only his option eh. Kinakausap lang niya ko pag kinakausap ko siya. Diba?

OPTION!

OPTION!

Sakit diba?

Para din sa ibang tulad ko, alam din nating mga babae na dapat nag eeffort din tayo para sa mahal natin, pero diba yung tipong tayong girls lang yung gumagawa nun, ano magiging feeling natin? Masakit diba?

Masarap siguro yung minsan lang kung magmahal, pero totoo. Hindi yung papalit palit ka ng kasintahan, yun pala biruan lang. Dapat dun tayo sa taong kuntento na tayo sa pagmamahal na binibigay nila para satin, yung taong sapat na sa kanila ang mga salitang CARE, EFFORT, and LOVE.

Someday, makakatagpo din tayo ng ganyan. Wag kasi tayo magmamadali. Isipin niyo, sa bilyon bilyong tao diyan, may isang taong hinahanap ang kanilang makakasama habang buhay at ikaw yon :")

Ang drama ko na no?

Pero ang masasabi ko lang, happy ako kasi ginagamit ko na ang isip ko kasama ang puso ko. Happy ako kasi nakakaya kong hindi siya kausapin na kahit sinasabi ng puso ko, kausapin mo pero sabi ng isip ko, hindi. May mali kasi eh. Mahal ko siya may mahal siyang iba. Hindi sa sumusuko agad ako, pero i feel like wala na naman akong pag asa. So, why trying hard pa?

Kung makakakita ako ng chance na nasa tama ako, i'll surely grab the opportunity para mas maging masaya ako. Sana meron pang natitirang kahit konting chance, kahit 1-100, may 5% chance, atleast may konti pa. Kaya pang ipaglaban kahit 5% lang yan.

Tulad nga ng napanood ko sa The Princess Diaries, 30 days left para maikasal siya, pero in the end, hindi niya naman pala talaga mahal to. Kaya ang masasabi ko lang, huwag tayong magmadali sa love. Mahaba pa ang panahon, mapipili din natin ang tamang lalaki/babae para sa atin na totoo at siguradong ibibigay ang buo nilang pagmamahal.

"Don't rush into love, because even in fairy tales, the happy ending takes place on the last page. "

------------------

Oooohhh, ilang days na din akong hindi nakapag update? 5 days. Sorry, hindi ko kasi alam kung ano pa pwede kong ilagay, kasi sa totoo lang. Wala talaga kaming communications. Hindi ko na siya nakakausap, so pinag iisipan ko pa kung ano malalagay ko para makapag update ako.

Thanks!

Vote and Comment! :)

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now