Chapter Three

261 7 4
                                    

Back to School!

Dominique's POV

(May POV din ako no, di porket story lang to ni Pauline, siya na. HAHAHA. Akong bahala sa inyo, kwentuhan ko kayo, madami akong alam diyan)

Balik school na kami, January 03 na. 2013 na. Grabe, ang bilis talaga ng mga araw ngayon. Dati ang crush ni Pauline si Luis, ngayon, si Francis na. HAHAHAHA.

Wait, let me introduce myself,

Ako si Dominique Louise or just call me Dom. Maganda ako! Hahahaha, matalino. XD Kaibigan ko na yan si Pauline grade school pa lang. Kaya nga close na close kami niyan. Ang dami kong alam tungkol sa lahat ng crush niyan, ikwento ba naman kasi buong detalye paano niya nagustuhan. May boyfriend na ko, kung akala niyo binati ko si Francis kasi gusto ko siya, hindi no. Close kasi kami, eh tawag ako ng tawag ng kung sino sino. XD

"Oyy Pau, wag masyado excited. Pipila pa lang, aga aga. May Flag Ceremony pa."

"And so? Gusto ko katapat ko siya sa pila, OMG. Kakainis, nakakainlove siya." sabi ni Pau na baliw na baliw na ata.

"Yuck, pangit pangit ni Francis. HAHAHAHA."

"How dare you? Kaibigan ka ba?" Sigaw niyang sabi.

"Baliw ka, joke lang. Sumbong kita kay Francis, inaaway mo ko."

"Joke lang, ikaw naman. Naglokohan pa tayo."

At sabay kaming tumawa..

Flag Ceremony....

10 minutes..

"Dom, dyan ako sa tabi mo habang papanik ng hagdan." sabi ni Pau.

"Sus, malapit lang kasi sa pila natin si Francis, style mo."

"ALAM MO NAMAN PALA EH." napasigaw na sabi ni Pau.

Panik panik..

"Hi Francis" sabi ko kay Francis.

"Hi Dom" sagot naman ni Francis.

Sbay tingin ko kay Pauline, aba ang loka, gumamit ata to ng sampung blush on eh sa pula ng pisngi.

"Aba aba, sabi na eh. Tuwa ka naman." patawa tawa kong panloloko sa kanya.

"Letse ka Dom, wag ka maingay, baka marinig niya tayo."

Ayun, nakaabot na kami sa room pero ang isip nitong si Pauline, nasa hagdan pa din. Gusto ata nito sa hagdan nalang, ayaw na atang magklase nito. Patay na patay masyado kay Francis. HAHAHAHAHA.

Halatang halata na ang isip nitong si Pauline, wala sa classroom, nandun ata sa room nina Francis. Lumilipad lipad, pilit na lumalapit kay Francis pero di makalapit. HAHAHA.

"Tulala masyado, wag isipin. Mamaya, makikita mo den yun." Bulong ko sa kanya.

"Fishte, alam ko. Shh ka na nga" iritang sabi niya.

Oo nga pala, Fish ang tawag namin kay Francis. Kasi meron din kaming kaklase na nagkagusto din kay Francis. Eh ang tawag niya dun Fish, pero ngayon, hindi na nun gusto si Francis. May iba ng nagustuhan yun, samantalang to naman si Pauline, siya na ngayon ang nakikinabang sa term na "FISH". Alam ni Francis ang tungkol sa Fish na yan, kaya medyo ingat pa din kami at baka mabuking ang lola natin. :)

Lunch time,

"Pau, sabay ka na samin mag lunch. Lagi napunta sina Francis samin eh." Pang aasar ko.

"Sige sige wait, paalam muna ko kina Valerie, pareho ko kasi kayong tropa hirap mamili, eh kaso, binanggit mo ang love of my life, sige. gora ako."

"Sige na, dalian mo."

Habang nakain,

"Dom, wala naman eh. samahan mo muna ako sa canteen. bibili ako."

"Tara, dali."

Actually, nasa waiting area kasi kami. Dito kami nakain, masyado nakasi madaming tao sa canteen, hindi kasya lahat ng estudyante.

Bili bili.. tsk. French Fries ang bnili ng babaeng to, nagpapaseksi para kay Francis hahaha.

"Oh, tapos nako. tara na." yaya ni Pau sakin.

"Teka, nandun na sina Francis. hahahaha, sigurado akong matatahimik to." sabi ko sa isip ko.

Nagulat ako ng biglang napatigil si Pauline sa paglalakad..

"Dom, nandyan na sila, alis na tayo dun."

"Gaga, kaya ka nga sumama samin diba? para makita mo?"

"Oo nga, kaso nahihiya ako eh."

"Lika na, ako bahala."

Waiting area..

"Hi Francis" tawag ko sa kanya.

"Hi Dom" sagot niya sakin.

"Jessica, punta tayo CR please?" rinig kong yaya ni Pauline.

"Sus, hiya ka lang eh. sige na nga." mahinang sagot ni Jessica.

"Alam mo naman pala eh. Tara na, hirap na kong kumilos."

Natatawa ako dito sa babaeng to. Hindi ko malaman kung ano ba talaga gustong mangyari nito, pag nandyan iiwas, pag wala, hahanapin. Loka loka. Hahaha. Pero kasi naiwas din to si Pau kasi ayaw niyang may gulong mangyari, alam kasi niyang may gusto si Francis na iba at kilala namin ni Pau yun. Classmate ko din si girl nung first year kaya alam ko rin yon. :)

Addicted to that Guy with Braces!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon