Chapter Thirty Nine

116 4 0
                                    

REVELATION!

Pauline's POV

Isang balitang magpapabago ng desisyon ko ngayon. Dapat bang ituloy ko pa din ang pagkagusto ko kay Francis?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Totoo, may kaunti pa din akong pagkagusto kay Francis, pero hindi na tulad ng dati.

Ngayon, tama pa bang ipagpatuloy ko na? Sa tingin ng kaibigan ko, Oo? Sa tingin ng iba, hindi? Hindi ko talaga alam.

Alam naman natin na mahirap umasa sa taong hindi ka gusto, pero sa ngayon. Tama lang ang gagawin ko siguro. Oo, mabilis ako magdesisyon. At..

OO. Ipagpapatuloy ko pa. Hindi ko na siguro tatapusin ang 7 last words ko dahil magsisimula na ulit ang bagong kabanata ng buhay ko habang nagugustuhan ko siya, susubukan kong ibalik ang dati kung saan siya ang buhay ko :p

Sabihin na nating kailangan niya muna ngayon ng KAIBIGAN? :) Nandito naman kami, oo kami. Hindi lang ako, kaibigan nga eh. :p

IDontUnderstandWhy people CHEAT. If you're not happy, just leave.

^ di man siya related ngayon pero hindi ko talaga maintindihan ang ibang tao kung bakit sila ganun. Hindi pa ba sapat sa kanila na mahal sila ng isang tao? At kailangan pa nila na dalawa ang magmamahal sa kanya. Ang sakit sa part nung isa dahil nabubulag siya sa pagmamahal dito.

Back to topic,

Sigurado na talaga ako, ipagpapatuloy ko pa din. Okay lang kung kaibigan pa din niya ako, masaya pa din naman ako dun eh. Pero nandito ako, magcocomfort sa kanya kasama pa ang mga kaibigan namin :)

Kasalukuyan kong kausap siya ngayon. Kinakamusta, nagtatanong ng mga nangyayari sa kanya. Masaya siya sa pagkukwento sakin. Oh diba? Atleast napagsasabihan niya ko ng ibang tungkol sa kahit ano na di alam ng iba kong kaibigan.

Pero hanggang kailan nga ba? Anong kailan? Nagtatanong ba kayo kung ano ang ibig kong sabihin? Yun ang hindi ko pwede ipaalam, samin na yun. :D

Basta, kahit anong mangyari, nandito lang kami para sa kanya.

Eh basta, gusto niyo ba malaman bakit nagbago ang isip ko? Gusto ko man sabihin, pero hindi po pwede eh. Sakin or samin na yun kung anong dahilan. Reasonable naman po siya. :)

Oo nga pala, share ko lang yung quote ko for the day, "Huwag kang magpapadala sa salita niya, di mo lang alam niloloko ka na pala."

Ehh naisip lang pero alam kong nageexist na yan. Napaisip lang ako, totoo naman diba? Kunwari, may gusto kang tao, tapos sinasabihan ka ng sweet words, wag ka agad magpapadala, akala mo mahal ka yun pala niloloko ka na. Tch, mahirap diba? :)

NILOLOKO KA NA NGA, KINIKILIG KA PA? AY TANGA TO THE HIGHEST LEVEL. Ayy natutuwa ako sa quote na to, katotohanan nga naman.

Ayyy, lumalayo na tayo sa topic. Pero shinare ko lang po yan.

So ngayon, desisyon ko na ay ipagpatuloy. :)

Masaya na naman ako.

Mas sasaya pa ako.

At mas lalong magiging masaya ako.

Kahit na minsa'y naisip ko, tama ba ang ginagawa ko?

O tama ba ang ginagawa niya?

Sino nga ba ang tinutukoy ko na tama ba ang ginagawa niya?

Secret, hahaha.

Gulong gulo ako.

Sinabi ko sa inyo na wala na kong gusto sa kanya.

Pero bakit gusto ko bumalik?

Ayy ewan. Magulo talaga.

Pag iisipan ko muna nga mabuti pero alam kong gusto ko ulit.

Addicted to that Guy with Braces!Where stories live. Discover now