Chapter 14: Desperate

198K 6.6K 914
                                    

“Totoo ba ‘tong nakikita ko?” kinusot kusot niya pa ang mata niya na parang hindi talaga makapaniwala.

Napairap ako dahil nagpapaka OA na naman si Marga. Bagay talaga kaming bestfriends at parehas kaming OA.

“Bati na talaga kayo?” turo niya pa sa aming dalawa ni Phoenix.

I sighed. Obvious naman na okay na kami. Kitang kita naman niya na nakaakbay sa akin ang tao at magkasama pa kaming nagpunta sa cafeteria. Kung magkaaway pa kami makikita niya ba kaming ganito ngayon? Hay nako, Marga.

“Tanong ng mga taong tanga ‘yan,” malokong sagot ni Rocco sa kaniya kaya nakatanggap siya ng kurot dito.

“Ikaw ba tinatanong ko? Bakit nakikisabat ka diyan?”

“Wala ka namang binigay na pangalan.”

“Common sense na lang. Kaaway mo ba sila? May kaaway ka ba kahit isa sa kanilang dalawa?”

Napakamot na lang sa ulo si Rocco kaya napatawa ako. Umupo ako sa tapat nila at ganoon din ang ginawa ni Phoenix.

“So, ano na ngang ganap?”

“We’re okay. We’re fine,” kibit balikat na sagot ni Phoenix.

Nagpalitan ng tingin si Rocco at Marga at maya maya ay bigla na lang nag duet.

So we’re okay. We’re fine. Baby, I’m here to stop your crying. Chase all the ghosts from your head. I’m stronger than the monster beneath your bed. Smarter than the tricks played on your heart. We’ll look at them together then we’ll take them apart. Adding up the total of a love that’s true, multiply life by the power of two.

 

“Anong ginagawa nila?” bulong ni Phoenix nang maweirduhan sa pagkanta ng dalawa.

Napatikom ako at nagkibit balikat bilang sagot.

Nababaliw na naman ang dalawang ‘to. Iisa na lang ata talaga ang utak nila. Naisip pa agad nila ang kantang ‘yun dahil lang sa naging sagot ni Phoenix. Weird people are friends with weird people. We’re weird like yeah.

“Okay, we’re done. Paano na nga kayo nagkabati?”

“Iniyakan niya ako tapos sorry siya ng sorry at nagmakaawa na patawarin ko na siya kasi hindi niya kayang wala ako sa buhay niya. Naawa ako kaya pinatawad ko na lang.”

What the hell? Kailan nangyari ang mga ‘yun? Umaasa siguro talaga ‘tong lalaking ‘to sa akin. Kung ako sa kaniya, huwag na lang siya umasa. We’re friends. Off limits ang mga kaibigan.

“Nasaan na nga ulit ang dignidad mo, Ash?”

“Naniwala ka nga?”

“Oo. Ikaw na ikaw ‘yun e.”

“What a friend!”

Pinagtawanan ako ng tatlo kaya napasibi na lang ako. They’re so unfair. Bakit ako na lang ang madalas nilang pagtulungan? Where’s justice?

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now