Chapter 29: All About Timing

142K 5.4K 1K
                                    


"Ate, anong oras na?" tanong ko kay Ate Cass habang nanunood kami sa sala.

Tiningnan niya ang phone niya at ihinagis din pagkatapos, "1:30."

"Okay."

"Kanina ka pa tanong ng tanong ng tanong. Bakit hindi mo kunin 'yong phone mo o magsuot ka ng relo o tingnan mo 'yong wall clock sa likod mo para malaman mo kung anong oras na."

Hindi ko na lang kinibo ang tanong niya.

Sabihin na lang natin na ayokong malaman kung anong oras na pero hindi ko pa rin mapigilan magtanong. Magulo. Ewan ko ba. Parang ako lang. Magulo pa sa magulo.

"Anong oras na?" Hindi ko na naman mapigilan magtanong pagkatapos ng ilang minuto.

"Last na 'to, Ash. Pagkatapos nito hindi ko na sasagutin tanong mo. 2:08."

Ugh! Damn it. Okay na, sige na. Pupunta na ako.

Umakyat ako agad sa kwarto at naghanap ng isusuot. Kaya lang sa dami ng damit na nasa harap ko, hindi ko alam kung bakit wala akong mapili kahit isa sa mga 'yon.

Nagulat na lang ako nang makita si Ate Cass sa harap ng cabinet ko at naniningin din ng damit.

"May date?"

"What? Syempre wala. Date ka d'yan."

"Kunyari naniniwala ako," sagot lang niya sa akin habang nakaharap sa mga damit ko. "Cute 'tong dress na 'to para sa date mo. It doesn't look like you're trying too hard. It suits your age din."

Hindi ko kinuha ang inaabot niyang damit at tiningnan lang siya. By that, ibig sabihin hindi ko gusto ang pinakita niya.

"Fine," sagot niya at ibinalik ang dress. "Saan ba kayo pupunta ng ka-date mo? Para alam natin 'yong damit na babagay do'n."

"Hindi nga sabi 'yon date. Wala akong ka-date, okay? May nagpapasama lang sa akin."

Humarap siya sa akin at pinangliitan ako ng mata, "Sino?"

"Jaydee."

Tumango lang siya at humarap ulit sa cabinet ko, "He's a nice guy. So nag pay-off pala ang pagtukso ni Sab sa inyo."

"Ate! Sabi na ngang nagpapasama lang sa akin 'yong tao."

"Whatever." Bastos din 'tong kapatid ko, eh. Humarap siya sa akin at inabot ang white long sleeves crop top ko. "Wear that. Iterno mo sa black skinny jeans and converse mo. Simple lang pero malakas ang dating. Bonus pa na kumportable'yan suotin. Knowing Jaydee, may motor 'yon so baka gamitin niya 'yon sa date niyo kaya mabuti na na kumportable ka."

"Hindi nga sabi date 'yon."

"Whatever you say. Sige na."

Nagpalit na ako at nagpahatid sa may school. Lagpas 3 na nang makarating ako. Nandoon na rin si Jaydee. Nakaupo sa motor niya. Tama nga si Ate Cass. Dala niya ang motor niya.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa sasakyan. Nginitian niya ako nang makita niya ako at saka lumapit.

"Saan ka magpapasama?" tanong ko sa kaniya.

"Anywhere," sagot lang niya at saka ako hinila palapit sa motor niya. Inabot niya sa akin ang helmet niya pero tiningnan ko lang 'yon, "Don't tell me your afraid of – " bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay kinuha ko na ang helmet at isinuot.

Bago niya paandarin ang motor ay hinawakan niya ang kamay ko saka ipinaikot sa bewang niya, "Lagot ako sa kanila kapag umuwi kang may galos." Hindi pa man din ako nakakapagsalita nang paandarin na lang niya bigla ang motor at nagpunta na kung saan man siya nagpapasama.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now