Chapter 25: Minus two

120K 4.8K 592
                                    


After ilang buwan, naggigitara pa rin kami ni Jaydee. Hindi dahil sa hindi pa rin ako marunong. Excuse me lang, ha, ang dami ko ng songs na kayang tugtugin. Nagawa ko na nga rin magperform sa harap ni Kuya Ice.

Weird lang siguro pakinggan pero parang 'yong paggigitara namin ni Jaydee sa rooftop is like a bonding moment para sa amin. Nakagawian na rin naman namin 'to and nag-eenjoy pa naman kami hanggang ngayon so wala namang reason para hindi na kami maggitara.

Kaya lang napansin ko lang, hindi tulad dati, nakatahimik lang si Jaydee ngayon. Yes, madalas tahimik siya pero parang naging extra tahimik siya ngayon. As in hindi nagsasalita. Parang humihinga nga lang siya tapos ayon na.

Hindi ko na kayang i-take ang ganitong klase ng atmosphere kaya nagtanong na ako sa kaniya, "May problema ka ba?"


"Wala naman."

"Okay. Sabi mo, e. Ah, nga pala, alam mo ba after ng slumber party namin, no'ng umaga na.. ako kasi ang unang nagising. May nareceive akong text from Kuya Ice. Sabi lang niya buksan ko 'yong pinto nila Ate Zoe kaya ginawa ko naman. Alam mo ba, pagbukas na pagbukas ko ng pinto nakita ko agad silang apat na nakaupo sa may front lawn. Imagine, inakyat nila 'yong gate nila Ate Zoe. Lumapit agad sila sa akin pero hindi ko alam na nasa likod ko na rin pala si Ate Yannie. Noong una dineadma lang niya si Kuya Xander pero hinabol siya ni Kuya Xander. Si Ate Sab naman 'yong next na dumating. Nakita niya palang sila Kuya Josh tumakbo na agad siya paakyat habang sinisigaw name nila Ate Zoe at Ate Ayu. Hindi ko alam kung anong nangyari after basta bigla na lang na okay na sila. Ang galing, ano? Parang magic."


Magstrastrum na sana ulit ako nang may makalimutan akong ikwento, "Isa pa! Alam mo ba, nalaman ko lang na matagal na pala silang nasa labas no'ng ininom ko 'yong dinala nilang coffee para sa amin. Ang lamig na ng kape. Walang bahid ng init. Ang cool talaga nila, 'di ba?"

Tinanguan niya ako at sa tingin ko yes naman ang ibig sabihin no'n. Yes, cool sila.

Itong si Jaydee ang hindi cool. Daldal ako ng daldal dito tapos tango lang ang isasagot niya sa akin? Anong kalokohan 'yon? Sobrang hindi talaga cool. Nakakainis lang. Hindi na lang ako magsasalita.

Nagfocus na lang ako sa paggigitara. Tinugtog ko pa 'yong kanta na tinugtog niya last time na sobrang nagustuhan ko at sinabayan ng kanta.


I'm gonna take my time to make sure that the feeling's right, instead of staying up all night wondering where you are. Miles and miles away in a town in another state. I wanna know if you just can't take the thought of us apart. If I'm gonna fall in love, there's gotta be more than just enough. I gotta get that old feeling. I gotta get that old high. ♫


Nang matapos akong kumanta at napatingin ako sa kaniya ay nagtama ang tingin namin. It's weird kasi parang bigla na lang ako may naramdaman na nag-vibrate. Sure pa naman ako na naka-off ang phone ko ngayon. Or maybe mali lang ako.

Kung ano man 'yong nag-vibrate na 'yon ay hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paggigitara kaysa sa mabingi ako sa katahimikan.

Paglipas ng kalahating oras ay tumayo na ako at ipinagpag ang uniform ko. Bubuhatin ko na sana ang gitara para ibalik sa music room ng pagilan ako ni Jaydee.


"Ako na lang magbabalik niyan." Kailan?! Kailan pa siya nausuhan ng pagkagentleman?!

"Okay, thanks. Sabay ka ba pababa?"


Umiling siya bilang sagot.

Paalis na sana ako nang magsalita na naman siya, "You're doing great, Ash. You play the guitar really well." Coming from here, I could say that that's a big compliment.

Bibiruin ko pa sana siya kung anong nakain niya at parang ang bait niya ngayon nang may sabihin siya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.


"Last session na natin 'to."


As much as I want to speak, no words came out of my mouth. Gusto kong itanong kung bakit. Gusto kong itanong kung paano nangyari 'yon. Kaya lang wala akong nagawang tanungin. Wala akong nasabi.


"Kaya mo na na ikaw lang. Congrats, Ash. Graduate ka na sa guitar class ko."


Hindi ko na nagawang magsalita. Pinilit ko na ang sarili kong umalis sa harap niya.

Teka. I should've said thanks. I should've asked why. I should've, but I didn't.

Bakit gano'n? Parang mali? Parang may iba? Bakit parang.. no.. no. I'm just overthinking. Yes, you're just overthinking, Ash.


***

"Kahit ang tahimik ni Jaydee ramdam na ramdam talaga kapag wala siya, ano?"


Nag-agree sila sa sinabi ni Marga. Ang laki nga ng kulang. Ang laki nga ng bago.


"Bakit daw ba siya wala?" tanong niya pa ulit.

"As if he'll tell me," irap ni Aubrey sa kaniya.


Tumingin si Marga kay Phoenix at napakibit-balikat naman siya, "Hindi ko rin alam."

Bago pa man ako tanungin ni Marga ay sumagot na ako, "Wala akong alam."


"Tanungin ko kung nasaan siya o kung pupunta pa siya para mahintay at masabayan natin." Kusa ni Phoenix.


Sorry, I'm busy. Reply niya.


Busy with what? Asa pa siyang busy siya. Malamang nasa rooftop lang 'yon. So I tried and texted him, Nasa rooftop ka?

Naghintay ako ng 5 minutes..

10 minutes..

20 minutes..

30 minutes..

1 hour..

2 hours..

3 hours..

Wala pa rin siyang reply. Hindi dapat ako mainis kasi malay ko ba kung nawalan lang ng load o nacut-an ng line 'yong tao. Kaya lang napakainam eh. Tinext siya ni Phoenix at tinanong kung sasabay sa dismissal. Nireplyan niya si Phoenix na hindi siya sasabay samantalang ako.. ako.. ako wala akong natanggap maski tuldok lang. Nakakaoffend ha. May galit ba 'to sa akin o ano?

One week has passed at parang bumalik ang dating Jaydee except sa hindi niya ako sinusungitan. Hindi niya ako pinapansin totally which pisses me off. Ano bang ginawa kong hindi maganda sa kaniya? Inaway ko ba siya? Sinigawan?

Nagsimula siyang maging ganito no'ng last session namin, eh. Bago 'yon okay pa naman kami tapos bigla na lang siyang mag-iinarte ng ganiyan?

Naiinis ako sa kaniya!


"Hey, are you okay?" tanong ni Phoenix habang naglalakad kami papunta sa may parking lot. He's even carrying my books na pinilit kong huwag na lang niyang dalhin pero masyado siyang mabilis kaya naagaw niya agad 'yon sa akin.


Nanliligaw si Phoenix at dapat ayon na lang ang pansinin ko kaya lang nang-iinis ata talaga si Jaydee kasi tinatanguan niya si Phoenix, si Marga, si Aubrey, si Rocco, except for me.

Naiinis ako sa kaniya! Naiinis talaga ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako. Bwisit.


Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon