Chapter 13: Patching things up

203K 6.7K 905
                                    

Sa totoo lang tamad na tamad akong pumasok. Palibhasa nagtatampo sa akin si Marga at galit pa si Phoenix. Si Jaydee naman mukhang peperwisyuhin lang ako.

"What's wrong?" tanong sa akin ni Ate Cass. Hinatid niya ako sa school at malamang ko ba nahalata na niya ang kanina ko pa pagbuntong-hininga.

"Ayokong pumasok."

"Bakit?"

"Nagtatampo sa akin si Marga."

Ayun lang ang sinabi ko at hindi ko na kwinento ang iba pang pangyayari. Natawa lang si Ate Cass at saka ako pabirong itinulak sa may pinto, "Labas na. Magsorry ka na lang kung may ginawa kang hindi maganda. Bestfriend mo 'yun."

"I know. Kinakabahan lang ako."

"Gagawa gawa ka nang ikakatampo niya tapos kakabakabahan ka diyan. Layas na."

Binagalan ko ang lakad papunta sa classroom. Pampahaba lang ng oras at baka sakaling matanggal ang kaba ko.

Nang makarating ako sa classroom ay agad ko siyang hinanap. Nakaupo siya sa place naming at nang makita ako ay biglang sumibi saka tumakbo palapit sa akin at yumakap. I did the same.

"Sorry," she said. Hindi ko alam kung bakit siya ang nagsosorry samantalang ako ang may kasalanan.

Pabiro ko siyang pinalo at saka bumitaw, "Kasalanan ko. Masyado akong naging apektado sa nangyari nung nakaraan kaya kung anu-ano na nasabi at maski ikaw pinagdudahan ko. Sorry talaga, Marga. Sorry talaga."

She pulled me for another hug at doon pa lang alam ko na. Alam ko na na okay na ulit kami. Ganoon talaga siguro kapag bestfriends kayo.

Kahit papaano nabawasan na ang isa sa mga iniintindi ko.

***

"Stop pestering me. Go away."

Sobrang naiirita na ako. Ilang araw nang may nang-iinis sa akin. Grabe na talaga ang pang-inis ng Jaydee na 'to. Daig pa niya ang mga lamok sa pagbuntot sa akin. He's not actually pestering me but his mere presence causes my blood to boil.

Tinitigan lang niya ako and didn't even utter a single word. Grabe! This boy's surely frustrating. Sobrang nakakainis na hindi siya sumasagot sa tanong ko at tumitingin lang siya sa akin with a bored look on his face.

"If I'm boring you, then do yourself a favor at lumayo layo ka sa akin. You're getting on my nerves already."

"Oh, really. Then I think I should stay near you even more."

"Ano bang problema mo?!"

Nagkibit balikat lang siya at nagpamulsa.

Para siyang anino na buntot ng buntot sa akin. Kapag uwian lang naman siya ganto. Usually kapag umaga at hapon, hindi niya ako pinapansin and he acts like I'm a total stranger. Dahilan na rin kaya hindi ako pinapaniwalaan ni Marga na kakilala ko 'tong bwisit na 'to. Kapag naman uwian, nagiging ganto ang ikinikilos niya.

It really frustrates me not knowing what he's up to. Baka mamaya bigla na lang akong hablutin at kidnapin nito pagtalikod ko. Baka ibenta niya ang lamang loob ko.

"Sa payat mong 'yan wala akong mapapala kung ibebenta ko ang lamang loob mo. Baka malugi pa ko."

What. He's a mind-reader now?

"G*go ka ba? You're saying your thoughts aloud."

"What the?! Bakit mo ko minumura? Pinapakain mo ba ako? Hindi naman ha. Kaya wala kang karapatang murahin ako."

Nginisian niya ako at lumingon lingon sa paligid. Nababaliw na ang taong 'to. Wala na siya sa tamang kaisipan. Dapat na siyang bigyan ng gamot.

"Hey!"

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon