Chapter 22: Issues

136K 5.4K 1K
                                    



Lumapit ako kila Jaydee at Phoenix saka sila tinanguan, "Anong problema natin dito?" biro ko.

"Makikipagkwentuhan lang naman ako sa 'yo," sabi ni Phoenix.

"Namiss mo ko kadaldalan, ano?"

"Hindi rin."

Pinalo ko siya sa likod niya na naging dahilan nang pagtawa namin parehas. Napatingin naman ako kay Jaydee at nagtanong, "Ikaw, anong problema mo at tinatawag mo ko?"

Nagkibit-balikat siya at saka tumayo, "Nothing. Trip lang kitang tawagin. Uto-uto ka naman kaya lumapit ka." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nag-walk out na siya.

Wow lang talaga. Napakabait niyang nilalang. Sobra siya sa kabaitan.

"Tinawag din naman ako ni Phoenix kaya lumapit ako! Hindi ako uto-uto!" sigaw ko sa kaniya.

Itinaas niya ang kamay niya at kumaway. Hindi man lang humarap ang unggoy. Feeling niya ang cool niya? Asa pa siya.

Sa tabi ko, tawa ng tawa si Phoenix. Masaya na siya niyan? Anong akala niya sa amin, entertainer? Nandiyan para patawanin siya? Bakit ba ganito mga kaibigan ko?

"Tawa pa," irap ko sa kaniya.

"Galit ka na niyan?" Pang-iinis niya pa lalo. "Nga pala, namimiss ka na raw ni Migs."

Automatic na nag turn sa smile ang lips ko nang marinig ang sinabi ni Phoenix. Ang cute at sobrang charming kasi ni Migs. Ang sarap niyang iuwi. Kung gagawin ko naman 'yon, baka makasuhan ako ng kidnapping at baka maitakwil ako nila Mama lalo na nila Kuya Ice kasi nag-uwi ako ng bata. Akalain pa nila na anak ko 'yon at matagal na itinago sa kanila kaya malaki na.

Oh, wait. Hindi nga pala pwede 'yon. Yeah, whatever. Ang gulo ko.

"Namimiss ko na nga rin 'yon e. Suplado pero deep inside hindi rin pala kayang tiisin kagandahan ko."

Magsasalita na sana siya pero itinaas ko na ang kamay ko para pigilan siya. "I don't need your opinion."

"Oh. My. God."

Napalingon kami parehas kay Aubrey na nakalapit pa sa amin at nanlalaki ang mata. Inilagay niya pa ang kamay niya sa chest niya para mas effective ang drama niya.

Talo talaga ako sa pagka-OA ng babaeng 'to.

"You're dating na!"

Obviously hindi siya question, but a statement.

Hindi ko alam kung anong nakain o nainom nito at parang natanggalan ng matinong kaisipan. Magkatabi lang kami ni Phoenix na nakaupo habang nagkwekwentuhan tapos bigla siyang mag-a-assume na kami nag-de-date na kami.

"Are you on drugs?" tanong ko sa kaniya.

Inirapan niya ako at nagpamaywang, "Nasa 'meeting the family' stage na nga kayo, o. We're all friends naman 'di ba? Bakit ikaw lang ang nakakilala sa family niya? Bakit kami hindi?"

"Uhh, kasi mas close ako sa kaniya? Magitigil ka nga lang, Aubrey. Hindi kami, ano. Issue 'to." Natatawa na lang ako sa mga lumalabas sa bibig ni Aubrey. "Friends lang kami. Bestfriends. 'Di ba?" sabay siko ko kay Phoenix pero mukhang hindi na siya nakikinig sa usapan namin ni Aubrey at hindi ako sinagot.

***

Days passed in a blur at hanggang ngayon, nagrarants pa rin si Marga about sa babaeng bumubuntot kay Rocco.

We're waiting for Aubrey at as usual, pinag-uusapan na namin ni Marga 'yong babaeng naghahabol sa taong taken na.

"May sasabihin ako sa 'yo, pero huwag kang magagalit."

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now